top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-15 Araw ng Abril, 2024



“Tama naman ang ginawa ko, hindi ba?” Nalilitong tanong ni Via sa kanyang sarili.


Pagkaraan ay malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan. Hindi niya rin kasi maiwasan ang masaktan. 


Ito ba ay dahil sa kanyang pag-alis? Siguro, dahil hindi rin naman niya alam kung ano'ng gagawin niya, at kung saan siya pupunta. Basta ang alam niya, hindi puwedeng malaman ni Nhel ang tungkol sa kanyang pagbubuntis, dahil natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Kung layunin lang ba talaga nito ang makapaghiganti sa kanyang Tatay Pedro. Paniguradong tatawanan lang siya nito at sasabihing, “Yehey, nauto kita!”


Kapag nangyari ‘yun, tiyak na madudurog lang nang husto ang kanyang puso. So, bakit pa niya hihintayin na mangyari iyon? Mas maigi nga sigurong umalis na lang siya. 


“Pero, paano ako mabubuhay?” Tanong niya sa sarili. 


Hindi niya alam kung ano ang isasagot kaya naglakad na lang siya nang naglakad. Doon na kasi ang ruta ng bus na kanyang sinakyan. 


Gapan, basa niya sa lugar na napuntahan niya. Ngayon niya pa lang napagtanto na pa-Nueva Ecija na pala ang bus na sinakyan niya. Basta kasi sumampa na lang siya sa bus na kanyang napili. Ang ginawa niyang basehan ay kung saan nagka-interest ang kanyang mga mata. 


Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang mapangisi nang husto. Naniniwala kasi siya na bawat desisyon na ginagawa niya ay may kaugnayan sa kung ano ang itinakda. 


Hello, miss, saan ka pupunta?” 


Wala sana siyang planong pansinin ang nagsalita, pero bigla itong huminto sa kanyang harap. Para tuloy siyang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Ang tipo kasi nito ay iyong parang hindi gagawa ng mabuti sa kanyang kapwa. 


“Paraanin mo ako,” lakas loob niyang sabi. 


“Sasama ka sa akin!” 

“No!”


Nanlaki ang mga mata niya nang umangat ang kamay nito at akmang sasampalin siya.


Pero hindi ‘yun nangyaring dahil bigla na lamang itong tumalsik nang banggain ito ng isang kotse. 


Itutuloy…


 
 

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | Ika-15 Araw ng Abril, 2024


Dear Sister Isabel,


Ang sakit ng ginawa sa akin ng boyfriend ko. Macho dancer siya rito sa Japan, habang isa naman akong singer. Pinag-aral ko siya, para mahango siya sa kanyang trabaho. 


Awa ng Diyos, nakapagtapos naman siya. Kaya lang, bigla na lang niya akong binlock.


‘Yun pala ay may iba na siya at ang masaklap pa ay nabuntis niya pa ito. Pero, dinalaw muna niya ako bago siya maglahong parang bula.


Nabuntis niya rin ako. Oo, Sister Isabel, dinadala ko sa sinapupunan ang magiging baby namin, subalit ‘di ko alam kung saan siya hahanapin. 


Gulung-gulo na ang isipan ko, at ‘di ko na alam ang gagawin. 


Sana mapayuhan n’yo ako para gumaan naman kahit papaano ang loob ko. Hihintayin ko ang payo n’yo.


Nagpapasalamat,

Belinda 


Sa iyo, Belinda,


Hindi ko nga rin alam sa mga lalaki, halos lahat pare-pareho lang. Wala na yatang matinong lalaki ngayon. 


Ang maipapayo ko sa iyo ay huwag ka na umasa sa lalaking iyon. Sakit lang ng ulo ang mapapala mo kung hahanapin mo pa siya at kung susubukan mo pang makipagbalikan sa kanya. Higit pang problema ang ibibigay niya sa buhay mo kung tatanggapin mo siyang muli. Pangatawanan mo na lang ‘yang pinagbubuntis mo. Makakaraos at malalampasan mo rin ang problemang kinakaharap mo ngayon, dahil tiyak na hindi ka pababayaan ng Diyos. Ugaliin mong magdasal. Naniniwala ako na ang baby na dinadala mo ay anak ng Diyos. Alagaan mo na lang nang mabuti ang sarili mo at ang baby na nasa sinapupunan mo. Huwag na huwag mo ‘yang ipapalaglag dahil malaking problema lang ang aabutin mo. Hanggang dito na lang, ugaliin mong magdasal. 


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-14 Araw ng Abril, 2024



Hindi alam ni Nhel kung maniniwala ba siya sa sinasabi ni Pedro Pedral na hindi nito alam kung nasaan si Via. Malaki ang hinala niya na layunin lang nitong pahirapan siya. 


“Hindi kita niloloko,” wika ni Pedro. 


Kahit na wala namang sinasabi ni Nhel, na-gets agad nito ang tumatakbo sa isipan ng kanyang tunay na anak. 


“Iniwan mo kami.” Buong diin niyang sabi habang gigil na gigil. 


Sa kauna-unahang pagkakataon, gustong sumabog ng kanyang dibdib dahil sa sobrang bigat. 


“Wala akong ideya na buntis si Marie, at isa pa, hindi ko iniwan ang mommy mo. Siya ang nakipaghiwalay sa akin, dahil hindi niya ako kayang ipaglaban, at hindi rin siya handang maghirap.”


Bigla siyang natigilan sa sinabi ni Pedro. Wala naman kasi siyang ideya kung ano ang nangyari sa kanyang mga magulang. Sa katunayan, hindi nga nagkukuwento ang kanyang ina. Naririnig niya lang ang usap-usapan sa kanilang mga katulong. 


“Kung alam ko lang na nariyan ka. Hindi sana ako pumayag na makipaghiwalay sa mommy mo.”


Hindi niya alam kung maniniwala siya sa sinabi nito, pero nang tingnan niya ito sa mata parang nilapirot ang kanyang puso. Para kasing sinasabi ng mga mata nito na hindi siya nagsisinungaling. 


“May ideya ba kayo na buntis si Via?” Mahina niyang tanong. 


“Buntis?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “Iyon ba ang dahilan kaya madalas siyang nagsusuka?” Dagdag pa nito. 


Doon na kinabahan si Nhel. Ang pumasok kasi sa kanyang isipan kapag nagsusuka ang isang babae ay paniguradong buntis na ito. Para tuloy gusto niyang sumigaw sa tuwa dahil magiging ama na siya, pero gusto niya ring umiyak dahil parang ayaw siyang papasukin ni Via sa buhay nito. 


“Hindi ko ‘yun hahayaan!”

Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page