top of page
Search

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-17 Araw ng Abril, 2024



Walang pakialam si Via kung magmukha siyang tanga na umiiyak dahil lang wala siyang makuhang singkamas na may bagoong. 


“Ano ba ang gusto mo? Huwag ka na umiyak,” sabi ng lalaki na si Jake. 


Kahit pa sabihin na hindi naman siya nito nabangga, hindi pa rin niya makalimutan ang pagbangga sa lalaking iyon. Subalit, tiyak din niya na may hindi magandang mangyayari sa kanya kung hindi ‘yun ginawa ni Jake, pero may kaba pa rin siyang naramdaman, paano kung nahagip din siya nito? Napahawak tuloy siya sa kanyang tiyan. 


“Ibibigay mo ba?” Pasinghal niyang tanong dito. 


“Of course.” 


“Napakabuti mong tao,” sarkastikong sabi niya. 


Hindi niya kasi maiwasang isipin na sa buhay ng tao, lahat ng kabutihang ginagawa mo sa iyong kapwa ay mayroon ding kapalit. 


“Ngunit, bakit?” Pagtatanong pa ni Via. 


“Para masiyahan ka,”


“May gusto ka ba sa akin?” Hindi niya napigilang itanong. 


“Yes. Handa nga akong pakasalan ka sa lahat ng simbahan.”


“May asawa na ako,” wika niya kahit hindi siya sigurado kung totoo ba ang kasal nila ni Nhel. 


“Nilayasan mo siya?”


“Teka nga, alam mo bang hindi ako naniniwala sa pagtulong mo?” Inis niyang sabi. 


“Marami na akong ginawang kabutihan sa iyo, hindi mo pa rin ba ako mapagkakatiwalaan?” Gulat nitong tanong. 


“May mga motibo kasi kayo, kaya ganyan kayo umasta,” buwisit niyang sabi. 


“Sobra ka bang nasaktan ng lalaking iyon? Sabihin mo sa akin ang pangalan niya at paparusahan ko siya,” mariin nitong sabi. 


“Tumigil ka nga!” Gilalas niyang sabi. 


Hindi niya gugustuhin na saktan ninuman ang kanyang pinakamamahal. Kahit pa sabihin na dinurog nito ang kanyang puso. 


“Mahal mo talaga siya ‘no?” 


“Magkakaanak ba kami kung hindi?” Sarkastikong tanong niya. 


“Pero kahit hindi mo sabihin, alam kong sinaktan ka niya.”


“Lagi naman akong sinasaktan. Kahit pa ng sarili kong ama,” gigil niyang sabi. 


Hindi niya alam kung bakit habang sinasabi niya iyon ay napatingin siya sa matandang lalaki na nagpakilalang ninong ni Jake. 


Tiyak niya kasing hindi pa naman niya ito nakakatagpo sa kanyang buhay, subalit parang pamilyar ito sa kanya.


“Weird!” Wika niya sa sarili. 

Itutuloy…


 
 

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | Ika-16 Araw ng Abril, 2024


Dear Sister Isabel,


Ano ang dapat kong gawin upang maging maamo sa akin ang mga tao? 


Mabait naman ako. Kaya lang, wala akong kibo at hindi rin ako palakaibigan. Madalas tuloy nila akong napagkakamalang suplada. Isa pa, mailap din ang loob ng mga taong nakapaligid sa akin. Bakit kaya ganu’n? 


Isang araw, may nakita kong kapitbahay sa labas ng bakuran namin. Sinubukan niya akong kausapin. Nagulat siya dahil hindi naman pala ako isnabera. Akala raw kasi nila ay suplada ako. Mukha raw kasing suplada ang dating ko kaya ilag silang makipagkaibigan sa akin. 


Ano ang dapat kong gawin upang ‘di maging suplada ang dating ko sa mga kaibigan at kapitbahay ko? Ano rin ang puwede kong gawin para mabago ang impression sa akin ng mga tao?


Umaasa,

Lorna ng Pandacan


Sa iyo, Lorna,


Meron talagang ganu’n ang dating. Akala mo suplada, pero super bait at maaasahan sa lahat ng oras. Ang gawin mo ay maging palangiti ka sa mga kapitbahay mo, gayundin sa mga kaibigan mo. 


Meron kasing mukha na mataray ang dating, pero hindi naman talaga. Ikaw na rin mismo ang unang bumati sa kanila kapag nakakasalubong mo sila sa daan. Maging friendly ka, alisin mo na ang pagiging mahiyain, at pag-aralan mo kung paano ka kagigiliwan ng iyong kapwa. 


Mas masaya ang buhay kapag maraming kaibigan na nakaka-bonding. Ganyan lang naman ang dapat mong gawin. Hanggang dito na lang, lagi kang ngumiti para ngumiti rin ang magagandang bagay na paparating sa buhay mo.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


 
 

ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Ika-16 Araw ng Abril, 2024



Biglang kinabahan si Pedro Pedral, kaya bigla rin siyang natigilan. Pagkaraan, napatingin siya sa larawan ni Via. 


“May masakit ba sa inyo?” Nag-aalalang tanong ni Nhel. 


Marahas at malalim na buntong hininga ang kanyang pinawalan, dahil hindi siya makapaniwala na makukuha niyang mag-stay sa bahay ng kanyang ama. Ayaw niyang umalis dahil nangangamba siyang kapag ginawa niya iyon, baka mawala pa ang pagkakataon na makita niya si Via.


“Pakiramdam ko may masamang nangyayari kay Via.” 


“Damn!” Hindi niya napigilang ibulalas.


Kahit kinabahan siya sa sinabi nito, para naman may umawat sa kanya na huwag maniwala.  


“Hindi mo siya tunay na anak kaya malabo mong malaman ‘yun!”


“Oo, hindi ko siya tunay na kadugo, pero minahal ko siya bilang isang tunay na anak.”


Napatingin si Nhel sa matandang lalaki at sabay sabing, “Asawa ko na siya.”


Natawa naman si Pedro sa isinagot ni Nhel.


“Shut up!” Gigil niyang sabi. 


“Masyado kang seloso.”


“Asawa ko siya.”


“Ama naman niya ako.”


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinawalan, at sinabi na lang niya sa kanyang sarili na kailangan niyang maging maunawain. Hindi dapat selos ang kanyang pairalin. 

“Masyado kang seryoso.”


“Mahal ko kasi,” inis niyang sabi rito. 


“Kaya kailangan mo na kumilos para hanapin siya. Alam kong may hindi magandang nangyayari ngayon kay Via.”


“Shut up!” Gigil niyang singhal kay Pedro Pedral.


Nag-init ang ulo niya rito dahil talaga namang nakakainis na wala siyang magawa para alamin kung nasaan na si Via. 


“May magagawa ka,” sabi ng kanyang sarili. 


Hindi naman kasi siya ordinaryong tao para ‘di agad malaman kung ano ang gusto niyang malaman. Kahit tuloy ayaw niya, parang kailangan muna niyang buhayin ang isang uri ng pagkatao niya na gusto na sana niyang ibaon sa limot, at ito ay ang pagiging Mafia Lord. 

Itutuloy…


 
 
RECOMMENDED
bottom of page