top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 27, 2023




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry Ann ng Mandaluyong.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namitas ako ng almond sa likod ng aming bahay, nakakolekta umano ako ng tatlong basket. Tinikman ko ito at nasarapan ako, kung kaya’t naparami ako ng kain, nang biglang may dumating na mga kalapati, at pinagtutuka ito.


Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lorry Ann



Sa iyo, Lorry Ann,


Ang panaginip mo na namitas ka ng almond, tinikman mo ito, at nasarapan ka, ito ay nagpapahiwatig ng paglalakbay. Maglalakbay ka sa malayong lugar, at dahil ang sabi mo ay nasarapan ka sa almond, masisiyahan ka sa iyong paglalakbay at maaari kang makatagpo ng magandang pagkakakitaan sa lugar na pupuntahan mo.


Samantala, ang tatlong basket ng almond na nakolekta mo ay sumasagisag ng pagmamahal sa iyong pamilya. Handa mong isakripisyo ang lahat para sa kanila. Ito rin ay nangangahulugang ayaw mong dinidiktahan ka sa mga bagay na gagawin mo, at naiinis ka kapag may nakikialam sa iyo.


Ang mga kalapati na dumating at pinagtutuka ang pinitas mong almond, ay sign ng kasaganaan at kaligayahan sa buhay. Yayaman at sasagana na ang iyong pamumuhay.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 25, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ollie ng Tarlac.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta ako sa bangko, nakausap ko ‘yung banker, at paglabas ko ng banko ay may nasalubong akong poging kalbo. Nakipagkilala siya sa akin, binata umano siya at gusto niya akong maging kaibigan.


Ano’ng ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ollie


Sa iyo, Ollie,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa bangko, ay babala na dapat kang maghanda sa paparating na hirap. Kailangan mong kumayod nang kumayod upang matugunan mo ang pang-araw-araw mong pangangailangan.


Ang nakausap mo ang banker, ay paalala na kailangan mong magdoble ingat dahil may posibilidad na mabiktima ka ng budul-budol gang. Talasan mo ang iyong pakiramdam, at huwag kang maniniwala basta-basta.


Samantala, ang may nasalubong kang lalaki, ay nangangahulugang tatanda kang dalaga hanggang sa huling sandali ng iyong buhay.


Ang kalbo pero pogi ang nasabing lalaki, ay tanda na may matatanggap kang masamang balita.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | October 23, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Regie ng Baguio.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naliligo ako sa beach nang may biglang lumitaw na balyena na akma akong sasagpangin. Bigla akong binangungot, 'yun pala ay nananaginip lang ako.


Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Regie


Sa iyo, Regie,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naliligo ka sa beach ay depende kung malinaw o malabo ang tubig.


Kung malinaw ang tubig, ito ay tanda ng kaligayahan at kasaganaan. Liligaya at sasagana na ang iyong pamumuhay. Ngunit, kung malabo ang tubig, ito ay babala ng kalungkutan at mga pagdurusa sa buhay. Makakaranas ka ng kamalasan sa susunod na mga araw.


Samantala, ang biglang may lumitaw na balyena at akmang sasagpangin ka, ito ay nagpapahiwatig na isa sa mga matalik mong kaibigan ay makakapangibang-bansa, makakapagtrabaho siya ru’n sa abroad, at tuluyan na kayong magkakalayo.


Ang binangungot ka, ito ay senyales na alipin ka ng isang taong hindi mo mahindian.


Nasa ilalim ka ng kanyang impluwensya. Sa lalong madaling panahon, umiwas ka na sa kanya. Gawin mo na ito bago pa mahuli ang lahat.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page