top of page
Search
  • BULGAR
  • Jan 21, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 21, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Bert ng Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Isa akong animal lover, kaya siguro madalas kong mapanaginipan ang iba’t ibang uri ng hayop. 


Napanaginipan ko na pumunta ako sa zoo, ang una kong nakita ay ang giraffe, sumunod ang donkey at panghuli ay goat. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Bert


Sa iyo, Bert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa zoo at ang una mong nakita ay ang giraffe. Ito ay sumisimbolo ng mabuting kapalaran, magtatagumpay ka sa iyong mga plano sa buhay. Ang donkey ay nagpapahiwatig na may kaibigan ka na hindi tapat sa iyo. Mabait sila sa iyong harapan, ngunit sinisiraan ka naman nila sa iyong likuran.


Hindi totoo ang ipinapakita niyang kabutihan sa iyo, at may binabalak siyang hindi maganda laban sa iyo. 


Samantala, ang goat naman ay nagpapahiwatig na may lihim kang kaaway. Balak niyang sirain ang iyong reputasyon. Kung ipapakita mo na hindi ka maaring gapiin, agad itong aatras. Matatalo mo sila, at ikaw ang magwawagi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 20, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rudolf ng Quezon City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na sumasayaw kami ng girlfriend ko. Ako ay nakapaa lang habang ang dyowa ko naman ay papalit-palit ng sapatos, minsan ay luma, at kadalasan naman ay bago. Ang daming lalaking nakatingin sa dyowa ko habang siya’y sumasayaw, kung kaya’t nagselos ako. Ngunit, siya rin pala ay nagseselos na dahil may mga babae ring humahanga sa style ng pagsayaw ko. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rudolf


Sa iyo, Rudolf,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na sumasayaw kayo ng dyowa mo ay magiging masuwerte ka sa darating na mga araw. Ang nakapaa ka habang sumasayaw ay nangangahulugan na masyadong mataas ang mga pangarap mo sa buhay, kaya ang ilan sa mga ito ay nahihirapan kang abutin. Huwag mong pagsabay-sabayin, kumbaga, one at a time lang para mapagtagumpayan mo ang iyong minimithi. 


Ang bagong sapatos na suot ng dyowa mo habang siya’y sumasayaw ay nagpapahiwatig ng paglalakbay sa ibang bansa, at tiyak na magkapag-a-abroad siya, habang ang lumang sapatos naman ay tanda na hindi siya susuwertehin doon. Mahihirapan siyang abutin ang kanyang mga pangarap sa bansang pupuntahan niya. 


Samantala, ang nagselos ka dahil maraming nakatingin na mga lalaki sa dyowa mo habang kayo’y sumasayaw ay senyales ng magulong isipan, maaaring magkaroon ng pagbabago sa takbo ng inyong negosyo, at may hindi inaasahang pangyayari ang darating na siyang magiging dahilan ng pagkalugi n’yo sa kasalukuyan n’yong negosyo.


Ang nagselos din ang dyowa mo dahil may mga babaeng nakatingin at humahanga sa style ng pagsayaw mo ay babala na hindi kayo magkakaunawaan. Magbabago siya ng pakikitungo sa iyo, subalit ang pagbabagong naturan ay ikaw din naman ang maaaring makinabang dahil papabor sa iyo ang mga pangyayari.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
  • BULGAR
  • Jan 19, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 19, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gloria ng Makati.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Dumungaw ako sa bintana, at nakakita ako ng comet. Natuwa ako dahil minsan lang naman lumitaw ang comet, at natiyempuhan ko pa. 


Naglaho ang comet matapos ang 40 minuto, at maya-maya ay may lumitaw na fog. Ang lamig ng buong paligid hanggang sa nakaramdam ako ng ginaw kaya isinara ko na ang bintana.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Gloria


Sa iyo, Gloria,


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nagising ka sa kalagitnaan ng gabi, binuksan mo ang bintana at may nakita kang comet sa kalangitan, ito ay babala na magkakaroon ng digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo, kasunod nito ay ang taggutom at kahirapan. Makararanas ng matinding hirap ang mga taong apektado ng digmaan.


Ang 40 minuto ay nagpapahiwatig ng kamatayan. Madami ang mamatay dahil sa nasabing digmaan. Sunud-sunod na kamalasan na darating, subalit pagkatapos ng mga kamalasang iyan, mapapalitan din naman ito ng kasaganahan, kaligayahan at katahimikan. 


Samantala, ang fog na nakita mo ay may kaugnayan sa love life mo. Magkakaproblema ka sa dyowa mo dahil sa pabagu-bago niyang mood, at manlalamig na rin siya sa’yo, maski ikaw ay may posibilidad na manlamig na rin sa kanya. Mababawasan na ang init ng inyong pagmamahalan, ngunit kailangan mong lawakan ang iyong pasensya upang magkasundo kayo at ‘di mauwi sa hiwalayan ang inyong relasyon. 


Sayang naman ang maganda n’yong samahan kung magtatapos lang ito sa hiwalayan. Lawakan mo pa ang iyong pang-unawa at gamitan ng diplomasya ang pakikipag-usap sa kanya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page