top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 24, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rey ng Quezon Province.


Dear Maestra,


Hindi ako gumagamit ng salamin sa mata, pero napanaginipan ko na nabasag ang suot kong eyeglasses. 


Samantala noong nakaraang gabi, napanaginipan ko naman na nawala daw ang susi ng kuwarto ko, at hindi ko ito makita. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Rey


Sa iyo, Rey,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nabasag ang salamin mo sa mata ay makararanas ka ng kabiguan pero hindi naman ito grabe. Kayang-kaya mo itong harapin. Kung hindi ka naman nagsasalamin, pero napanaginipan mo na gumagamit ka ng salamin sa mata, ito ay babala na magkakahiwalay kayo ng karelasyon mo dahil sa hindi pagkakaunawaan. Huwag kang makipagtalo upang manatili ang pagsasama n’yo. 


Samantala, ang nawala ang susi ng kuwarto mo, at hindi mo na makita ay nangangahulugan ng mga kabiguan sa buhay. Mabibigo ka sa binabalak mong gawin sa darating na mga araw. Ngunit, tiyaga lang dahil makakamit mo rin ang iyong mga pangarap kung patuloy kang magiging matiyaga at lumalaban sa hamon ng buhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Jan 23, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 23, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Eddie ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nakabaong gold sa likod ng aming bahay, kaya sinubukan ko itong hukayin habang naghuhukay, lumuwag ang garter ng jogging pants ko. Mabuti na lang ay may nahukay ako na isang pirasong gold bar.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Eddie


Sa iyo, Eddie,


Ang napanaginipan mo na may nakabaong gold sa likod ng iyong bahay, sinubukan mong hukayin, may nakuha kang gold bar. Ito ay nagpapahiwatig na dapat kang mag-ingat sa pagpili ng negosyong iyong papasukin, at ‘wag sunggab nang sunggab.


Ang isang gold bar ay nangangahulugan na dapat kang mag-ipon para sa sarili mo, dahil darating ang araw na wala kang ibang matatakbuhan.


‘Yung mga natulungan mong kaibigan ay hindi mo maaasahan. Ito rin ay nagpapahiwatig ng pangungulila sa sandali ng pag-iisa. Makararamdam ka ng matinding kalungkutan dahil darating sa punto na mag-iisa ka. Kung may dyowa ka sa kasalukuyan, ingatan mong makagawa ng mga bagay na hindi niya magugustuhan.


Umiwas ka sa mga babaeng nagpaparamdam upang hindi siya magselos.


Samantala, ang lumuwag ang garter ng jogging pants mo habang naghuhukay ka ay senyales na makararanas ka ng pagkainis at pagkabagot dahil sa magulong kapaligiran.


Sikapin mong maging mapayapa ang iyong isipan upang masagap mo ang paparating na suwerte at pagpapala.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | January 22, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flora ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa isang isla ako. Ang ganda ng mga halaman, berdeng-berde ang mga dahon, sariwa at ang bango ng mga bulaklak. Nang biglang dumating ‘yung dyowa ko, hinalikan niya ako sa pisngi at labi, samantalang tuwang-tuwa naman ako sa ginagawa niya, at nag-uumapaw sa galak ang puso ko. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Flora


Sa iyo, Flora,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa isang isla ka, ang ganda-ganda ng mga halaman, berdeng-berde ang mga dahon, sariwa at mabangong bulaklak ay nagpapahiwatig na pabagu-bago ang isip ng karelasyon mo, may posibilidad na hindi kayo ang magkatuluyan. Gayunman, may makikilala ka namang mas higit sa kanya at mas ka-compatible mo, magiging masaya ka sa kanya at maaaring mauwi sa kasalan ang inyong relasyon. 


Samantala, ang biglang dumating ang dyowa mo, hinalikan ka niya sa pisngi at labi ay nangangahulugang mahal na mahal ka niya, tapat siya sa iyo at handa ka niyang pakasalan. Ang tuwang-tuwa ka, nag-uumapaw sa galak ang puso mo ay senyales na magiging maganda ang iyong kalusugan. Ito rin ay tanda na may mamanahin kang malaking pera mula sa yumao mong kamag-anak. Magugulat ka dahil hindi mo inaasahan na kasama ka pala sa tagapagmana niya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page