top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 2, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dexter ng Malabon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nakita akong pineapple. Sa tuwa ko, binaril ko ng pistol ang mga bunga nito. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dexter


Sa iyo, Dexter,


Ang pineapple ay may kaugnayan sa pag-aasawa. Kung wala ka pang asawa, makikilala mo na ang magiging kabiyak ng puso mo. Pakakasalan mo siya at magsasama kayo habambuhay.


Ngunit, kung may asawa ka na, ito naman ay nagpapahiwatig na makatatanggap ka ng wedding invitation. Magiging masaya, magkakaroon ka rin du’n ng bagong kaibigan at doon mo rin makikita ang matagal mo ng kaibigan.


Samantala, ang natuwa ka dahil binaril mo ang mga bunga ng pineapple ay senyales na magiging maunlad ang kabuhayan mo. Ito rin ay nangangahulugan na magkakaroon kayo ng asawa mo ng mga anak na magbibigay sa inyo ng karangalan. Kikilalanin at magtatagumpay sila sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 1, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dory ng Calamba, Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na niregaluhan ako ng dyowa ko ng pabango, singsing, kuwintas at hikaw na may palamuti na perlas. Natuwa naman ang dyowa ko habang isinusuot ko ito, at bigla na lamang niya akong hinalikan sa pisngi at labi. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dory


Sa iyo, Dory,


Ang napanaginipan mo na niregaluhan ka ng dyowa mo ng pabango, ito ay pahiwatig na magtatagumpay ka sa lahat ng mga pangarap mo. 


Ang singsing, kuwintas at hikaw na may palamuti na perlas ay senyales ng kaligayahan, tagumpay at karangalan. Liligaya ka sa susunod na mga araw dahil sa malaking tagumpay na nakamit mo. Pararangalan at kikilalanin ka sa pinapasukan mong trabaho. 


Samantala, ang sinuot mo agad ang mga binigay niya sa iyo ay tanda na magpapakasal na kayo ng dyowa mo. Ang natuwa siya at bigla ka niyang hinalikan sa pisngi at labi ay simbolo ng tunay at tapat niyang pag-ibig para sa iyo. Tapat ang pagmamahal na ibinibigay niya para sa iyo at wala siyang tanging iibigin kundi ikaw lamang habambuhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 31, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolan ng Masbate.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakatira ako sa abroad. May bahay ako sa gitna ng gubat, dumungaw ako sa bintana habang may hawak na whisky sa aking kamay.


Tinungga ko ito, at maya-maya ay may natanaw akong wolf sa ‘di kalayuan. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rolan


Sa iyo, Rolan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakatira ka sa abroad, may bahay ka sa gitna ng gubat, at dumungaw ka sa bintana, ay nagdududa ka sa katapatan ng iyong kaibigan, pero sa totoo lang hindi mo siya dapat pagdudahan dahil isa siyang tapat at maaasahang tao. 


Ang may hawak kang whisky, at tinungga mo ito ay nagpapatunay lamang na isa kang lasinggero. Kahit ano’ng gawin mong pag-iwas sa alak, hindi mo ito magagawa.


Samantala, ang may natanaw kang wolf sa ‘di kalayuan ay babala na hindi mo dapat pagkatiwalaan ang iyong mga kaibigan. Isa r’yan ay may lihim na inggit sa iyo. Gagawin niya ang lahat upang pabagsakin ka. Talasan mo ang iyong pakiramdam. Huwag mong pagkatiwalaan lahat ng iyong mga kaibigan, maging mapagmatyag ka para ‘di ka nila maisahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page