top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 3, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosalina ng Marinduque.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na parang basahan ang suot kong damit at para bang napakahirap ng katayuan ko sa buhay. Masyado akong nalungkot hanggang sa dumating ang mga kaibigan ko, maski sila ay awang-awa rin sa akin.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Rosalina

Sa iyo, Rosalina,


Kabaligtaran ang ibig sabihin ng panaginip mo na parang basahan ang suot mong damit na para bang napakababa ng katayuan mo sa buhay, ito ay nangangahulugan na magbabago na ang buhay mo. Mula sa pagiging mahirap, magiging mayaman ka na. Aangat na ang antas ng iyong pamumuhay.


Ang nalungkot ka dahil sa kalagayan mo ay nagpapahiwatig na magiging masaya ka na. May paparating na pangyayari sa buhay mo na magpapasaya sa iyo nang husto.


Samantala, ang awang-awa sa iyo ang iyong mga kaibigan ay senyales na magiging masaya ka dahil sa mga magagandang oportunidad na darating sa mga kaibigan mo at magse-celebrate sila kasama ka.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 2, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Benilda ng Batangas.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pumunta kami ng bestfriend ko sa gubat. May nakita kaming deer at leopard, kalaunan ay may narinig naman kaming huni ng cuckoo na para bang tinatawag kami. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Benilda

Sa iyo, Benilda,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta kayo sa gubat ng bestfriend mo, may nakita kayong deer ay masyado kang mahiyain sa pagpapahayag ng tunay mong nararamdaman.


Ang leopard naman ay nangangahulugan na maglalakbay ka sa malayong lugar, may posibilidad na makapag-abroad ka, at doon ka na rin makakapag-asawa. Sa umpisa ay makakaranas muna kayo ng hirap subalit paglipas ng mga araw, giginhawa at magiging mayaman din kayo.


Samantala, ang may narinig kayong huni ng cuckoo at para bang tinatawag kayo ay senyales na mabibigo at makakaranas ka ng kalungkutan sa pakikipagrelasyon. Ngunit, liligaya at sasagana rin naman ang inyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Mar 1, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 1, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolly ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa restaurant ako, uminom ako ng tubig doon at hindi ko namalayan na ninakawan na pala ako. Nakuha ng magnanakaw ‘yung bag ko. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rolly

Sa iyo, Rolly,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa restaurant ka ay may magkakalat ng tsismis laban sa iyo, gagawin ito ng isa mong kaaway na may lihim na inggit sa iyo.


Ang umiinom ka ng tubig ay nagpapahiwatig na liligawan ka ng isang lalaking matagal nang may gusto sa iyo, pero hanggang doon na lang dahil hindi ka niya pakakasalan.


Samantala, ang nanakawan ka ng bag ay babala na may mawawala sa iyong ari-arian.


Ito rin ay nangangahulugan ng pagkalugi sa negosyo. May posibilidad na ma-bankrupt ka sa kasalukuyan mong pinagkakakitaan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page