top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 6, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Terry ng Dagupan.

 

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinuntahan ko ‘yung nabili kong lupa sa probinsya at habang pinagmamasdan ko ang paligid, bigla namang kumidlat. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Terry

 

Sa iyo, Terry,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na pumunta ka sa probinsya para bisitahin ang nabili mong lupa, ito ay kayamanan at pagiging malaya sa iyong mga desisyon sa buhay. Wala nang mangingialam sa iyo at mamumuhay ka ng payapa at panatag.


Samantala, ang biglang kumidlat habang pinagmamasdan mo ang paligid ay senyales na magtatagumpay ka sa pinaplano mong gawin. Tuluy-tuloy na ang iyong pagyaman at kung may plano kang magpakasal, ngayon mo na ituloy dahil tiyak na liligaya ka sa buhay may asawa.

 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 5, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jeramy ng Olongapo.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang nakakasilaw na liwanag. Nagsimula sa isang sinag hanggang sa lumiwanag ang buong paligid.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko ?

Naghihintay,

Jeramy


Sa iyo, Jeramy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na madalas kang makakita ng nakakasilaw na liwanag ay kaligayahan. Kung may karelasyon ka ngayon, magiging maligaya kayo at may posibilidad na mauwi sa kasalan ang inyong pag-iibigan.


Samantala, ang nagsimula sa isang sinag hanggang sa lumiwanag ang buong paligid ay senyales na ihanda mo ang iyong sarili sa dadaluhan mong pagtitipon dahil doon ka makakaranas ng sobrang kaligayahan at may makikilala ka sa pagtitipong iyon na siya ring magpapasaya sa puso mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 4, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Von ng Taguig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglalaro ako ng dice. Maya-maya ay naglaro naman ako ng shooting games kasama ang aking mga kaibigan hanggang sa may nakita akong ibon at agad ko itong binaril.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Von

Sa iyo, Von,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naglalaro ka ng dice ay makakaranas ka ng biglaang pagbabago sa buhay mo. Uunlad na ang iyong kabuhayan at magtatagumpay ka na sa lahat ng iyong pinaplano.


Ang naglaro ka rin ng shooting games kasama ng mga kaibigan mo ay senyales na tuluy-tuloy na ang paglago ng iyong negosyo, kikita ka ng malaki at yayaman ka na rin.


Samantala, ang may nakita kang ibon at binaril mo ang mga ito ay tanda na magagapi mo ang mga kaaway mo, at hindi sila magtatagumpay na pabagsakin ka.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page