top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-1 Araw ng Abril, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gary ng Cavite.



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakikipag-inuman ako sa mga kaibigan ko. Nasobrahan ako ng inom hanggang sa nalasing ako, nang may narinig akong malakas na tunog ng drum, at kalaunan ay lumindol ng malakas.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?



Naghihintay,

Gary


Sa iyo, Gary,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasobrahan ka ng inom ay wala kang pag-iingat sa mga kilos at pananalita mo ang siyang magpapahamak sa iyo. Marami kang makakaaway kung hindi mo babaguhin ang ganitong pag-uugali. Dahil d’yan, hindi ka aasenso at hindi mo mararating ang tagumpay. Mananatili kang bigo sa iyong buhay. 


Ang nakarinig ka ng malakas na tunog ng drum ay nagpapahiwatig na may krisis kayong mararanasan sa lugar n’yo. Makakarating ito sa iba pang lugar hanggang sa lumawak nang lumawak ang pinsalang dulot nito.


Samantala, ang biglang lumindol ay senyales na malaking desisyon ang dapat mong gawin kaya pag-isipan mo muna itong mabuti para hindi ito pagmulan ng kapahamakan sa iyong buhay.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Mar 27, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 27, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Malabon.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nangitlog na ‘yung bibe na alaga ko. Ang daming itlog, at nagkataon pa na wala roon ‘yung bibe ko. Nag-swimming sa fish pond na katabi lang ng kulungan ng alaga kong mga bibe. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Jonathan


Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin na nangitlog na ‘yung alaga mong bibe ay magiging kuntento ka sa buhay may-asawa hanggang sa ika’y tumanda.


Ang nag-swimming sa fishpond ang mga bibe ay halos pareho rin ang kahulugan.


Magiging kuntento at sasagana na ang inyong pamumuhay. Wala ka nang hihilingin pa at makakasama mo na rin habambuhay ang asawa mo. Magiging masaya kayo sa piling ng inyong mga anak.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Marso 26, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lilet ng Baguio.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming bunga ng mansanas sa likod ng aming bahay, habang namimitas ako, bigla namang napunit ‘yung suot kong apron. 


Samantala, nilagay ko naman sa bulsa ng apron ‘yung ibang bunga ng mansanas na pinitas ko, at agad ko ring tinahi ito pagpasok ko sa bahay. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lilet


Sa iyo, Lilet,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming bunga ng mansanas sa likod bahay n’yo ay magtatagumpay ka sa mga plano mo. 


Ang namitas ka ng mga bunga nito ay nagpapahiwatig na magkakaanak ka ng super yaman. 


Samantala, ang may suot kang apron ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng bagong damit. Ang napunit na apron at agad mo itong tinahi ay nagpapahiwatig na magkakaroon ka ng bagong kakilala na magiging tagahanga mo. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page