top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 23, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Veronica mula sa Tagaytay.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa isang napakatahimik na lugar ako. Walang ingay na maririnig, at kalmado ang lahat sa paligid. Tumingin ako sa langit at biglang lumitaw ang isang bahaghari. 


Ano ang ibig sabihin ng aking panaginip?


Naghihintay,

Veronica



Sa iyo, Veronica,



Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa isang lugar ka na tahimik, walang ingay na maririnig, at kalmado lahat ang paligid ay hudyat na matatapos na ang mga alalahanin mo sa buhay. Malulutas na rin sa wakas lahat ng problemang gumugulo sa isip mo. Magiging kuntento at panatag na rin ang iyong isipan.


Samantala, ang nakakita ka ng bahaghari ay nagpapahiwatig na dapat kang matuwa dahil magkakaroon na ng mga pagbabago sa buhay mo na magdudulot sa iyo ng kaunlaran at kasaganahan. Tuluy-tuloy ka na ring yayaman. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 21, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nakita akong papel sa ibabaw ng kama namin ng asawa ko.


Binasa ko ‘yung nakasulat, at pinunit ko ito dahil hindi ko nagustuhan ‘yung nakasulat. Iyak ako nang iyak dahil iiwan na niya pala ako, at may iba na pala siyang mahal.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorna



Sa iyo, Lorna,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na pinunit mo ang papel na nakita mo sa ibabaw ng kama n’yo, lahat ng alalahanin mo sa buhay ay tuluyan nang mawawala.


Matatapos na rin ang mga problema mo, dahil magkakaroon na ito ng solusyon.


Samantala, ang iyak ka nang iyak dahil hindi mo nagustuhan ang nabasa mo ay kabaligtaran ang ibig sabihin, ito ay nangangahulugan na liligaya at susuwertehin ka sa buhay. May mga grasyang darating, at yayayain mo ang kaibigan mo para mag-celebrate. 


Ang iiwan ka na ng asawa mo dahil may iba na siyang mahal, ito ay senyales na mahal ka ng asawa mo. Tapat at wagas ang pag-ibig niya sa iyo. Kaya naman tiyak na magtatagal ang inyong pagsasama. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 20, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Peter ng Tarlac.


Dear Maestra,


Nabibilang ako sa mahirap na angkan. 


Napanaginipan ko na yumaman kami. Kaya naman naisipan kong pumunta sa mamahaling restaurant. Umorder ako ng mamahaling wine, at sa ‘di sinasadyang pagkakataon, natapon ito, kaya agad ko itong pinunasan ng basahan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Peter



Sa iyo, Peter,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na yumaman kayo ay maghihirap ang buhay mo sa mahabang panahon. Makakaranas ka ng kakapusan sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan. Ngunit, ‘wag kang mag-alala dahil uunlad din naman ang buhay mo.


Samantala, ang pumunta ka sa restaurant ay nagpapahiwatig na masasangkot ka sa isang hindi magandang pangyayari dahil sa kagagawan ng mga kaibigan mo.


Ang umorder ka ng wine, at ininom mo ito ay nangangahulugan na may babaeng magtatangkang akitin ka, kapahamakan ang idudulot nito sa iyo kung papatulan mo siya.


Ang natapon ‘yung wine na iniinom mo, at pinunasan mo ito ng basahan ay senyales na uunlad ang kalagayan mo sa buhay kung patuloy kang magsisikap at magtitiyaga.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page