top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 8, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ramon ng Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang sapatos at anino. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Ramon



Sa iyo, Ramon,


Kung ang sapatos na tinutukoy mo ay bago, ito ay nangangahulugan ng paglalakbay. May posibilidad na makapag-abroad ka.


Pero kung luma na ang sapatos, ang paglalakbay na nabanggit ay hindi magiging matagumpay. Madaming sasagabal sa mga pinaplano mo.


Samantala, ang anino ay babala na makakaaway mo ang kaibigan mo, ito rin ay paalala na mawawalan ka ng pera, at mapipilitan kang mangutang.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
  • BULGAR
  • Jul 7, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 7, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Carmen ng Baguio City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na umulan ng snow sa amin. Ilang sandali pa ang lumipas, naging snowstorm na ito, at sa sobrang lamig, nagkasakit ako. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Carmen



Sa iyo, Carmen,


Ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na umulan ng snow sa lugar n’yo ay kasaganahan at kaligayahan sa buhay. Sasagana at liligaya na ang kabuhayan n’yo.


Matatapos na rin ang paghihirap mo. Pero ang sabi mo naging snowstorm ito, ibig sabihin makakaranas ka ng mga matitinding pagsubok sa buhay bago mo makamit ang kaginhawahan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
  • BULGAR
  • Jul 6, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 6, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rebecca ng Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dumating ‘yung bestfriend ko galing abroad. Nakangiti siya sa akin, at binigyan niya ako ng souvenir. Agad naman akong nahiya, kaya bago siya umalis binigyan ko rin siya ng souvenir na alam kong magugustuhan niya. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rebecca 



Sa iyo, Rebecca,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumating ang bestfriend mo galing abroad, at nakangiti siya sa iyo ay susuwertehin ka sa maraming bagay. Maraming magagandang pangyayari ang mararanasan mo sa susunod na mga araw.


Ang binigyan ka niya ng souvenir ay nagpapahiwatig na makakatanggap ka ng nakakagulat na balita mula sa kaibigan mo, at hindi ka na muli pang malulungkot.


Samantala, ang binigyan mo ng souvenir ang bestfriend mo ay senyales ng mabuting kalagayan sa buhay. Bubuti na ang sitwasyon sa paligid mo at madaragdagan pa lalo ang mga tapat at maaasahan mong mga kaibigan.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page