top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 11, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagselos ako sa kapitbahay namin na palaging nakadungaw sa bintana lalo na kapag nakikita ang dyowa ko. Napansin ko rin na palagi siyang nagsusuot ng seksing mga damit para lang magpapansin sa dyowa ko.


Noong nakaraang gabi naman, napanaginipan ko na pinagseselosan ako ng bestfriend ko dahil tingin nang tingin sa akin ang dyowa niya kapag nagkaroon kami ng bonding moment kasama ang iba pa naming barkada.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Lorna



Sa iyo, Lorna,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagseselos ka sa kapitbahay n’yo dahil palagi siyang nakadungaw sa bintana at nagsusuot pa ng mga seksing damit para lang magpapansin sa dyowa mo ay kaguluhan at pagkabalisa sa buhay. Masasangkot ka sa gulo, hindi na magkakaroon ng katahimikan ang buhay mo, at makakaranas ka pa ng pagkabalisa at pag-aalala. 


Pero kung may negosyo ka na, ito ay babala na magkakaproblema ka sa pera dahil sa kapabayaan ng taong pinagkakatiwalaan mo, hanggang sa tuluyang malugi ang negosyo mo.


Samantala, ang ikaw naman ang pinagseselosan ng bestfriend mo dahil tingin nang tingin sa iyo ang dyowa niya tuwing may bonding moment kayo ng mga barkada mo ay senyales na magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ang barkada mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 10, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Muntinlupa.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nakakita ako ng mga silver coins sa cabinet namin. Pero ang dumi, kaya naman sinabunan ko ito para naman luminis kahit papaano. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Robert



Sa iyo, Robert,


Ang silver ay nagpapahiwatig ng kahirapan sa buhay. Subalit kung silver coins ang nakita mo sa iyong panaginip, ito ay nangangahulugan ng business profit, kikita na ng malaki ang kasalukuyan mong negosyo. Mula sa pagiging mahirap, uunlad na ang buhay mo.


Samantala, ang hinugasan mo ng sabon ang mga silver coins ay babala na masasangkot ka sa kaguluhan, pero ‘wag kang mag-alala dahil makakaiwas ka rin agad dito.

Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia de Luna

 
 
  • BULGAR
  • Jul 9, 2024

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 9, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Noemi ng Makati.



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming suso sa dahon ng mga halaman namin, at may nakita din akong ahas sa ‘di kalayuan.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Noemi



Sa iyo, Noemi,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming suso sa dahon ng mga halaman n’yo ay makakaranas ka ng mga sagabal sa pang-araw-araw mong pamumuhay dahil sa kagagawan ng mga kaibigan mo na naiinggit sa iyo.


Samantala, ang ahas sa ‘di kalayuan ay nagpapahiwatig na nandyan lang sa paligid mo ang mga kaaway mo, nagkukunwari silang kaibigan, subalit pagtalikod mo, sisiraan ka lang naman nila. Ito rin ay babala na magkakaroon ka ng karibal sa puso ng iyong minamahal. Nand’yan lang sa paligid ang magiging kerida ng boyfriend mo, at maaaring kapitbahay mo lang siya.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page