top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 14, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolan ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa palasyo ako ng Saudi Arabia. Kinausap ako ng hari para maglingkod sa kanyang palasyo. 


Ang isa ko pang madalas mapanaginipan ay ang mga susi.  


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Rolan



Sa iyo, Rolan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa palasyo ka ng Saudi Arabia, at kinausap ka ng hari para magtrabaho sa palasyo ay aangat na ang estado ng buhay mo. Makakahawak ka na ng mataas na katungkulan sa pinapasukan mo, igagalang at kikilalanin ka rin ng mga kasamahan mo.


Kung single ka pa at bata pa, ito rin ay nagpapahiwatig na makakapag-asawa ka ng mayaman at may mataas na posisyon sa lipunan.


Samantala, iba't iba ang kahulugan ng mga susi. Kung marami ang susi, ito ay tanda na uunlad na ang negosyo mo. Lalago at yayaman ka na rin. 


Kung ang susi sa panaginip mo ay binigay mo sa ibang tao, ito ay senyales na malapit ka nang ikasal. 


Subalit kung ang susi ay nawala mo, ito ay babala ng kabiguan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 13, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Riza ng Taguig.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang gift box at bracelet. Ano ang gustong ipahiwatig ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Efren



Sa iyo, Efren,


Kung ang gift box sa panaginip mo ay naglalaman ng magaganda at mamahaling bagay ito ay senyales na magiging maganda ang future mo, at matutupad lahat ng pinapangarap mo. 


Kung ang gift box naman ay walang laman, at napagtripan ka lang bigyan ay babala ng kamalasan sa buhay, at magiging mailap ang magandang kapalaran sa iyo.


Samantala, ang bracelet ay may iba't iba ring kahulugan. Kung sa panaginip mo ay may nagbigay sa iyo ng bracelet, at siya mismo ang nagsuot nito sa braso mo, ito ay nangangahulugang maiinlab ka sa babaeng bago mong kakilala.


Kung ikaw naman mismo ang nagsuot ng bracelet sa braso mo, ito ay senyales na makakapag-asawa ka ng mayaman. Pero kung may asawa ka na, ito ay tanda na makakahawak ng malaking halaga ang asawa mo, at may tsansa pa siyang tumama sa lotto o manalo sa raffle draw.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 12, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Riza ng Taguig.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na natanggap ako sa trabahong inaplayan ko. Tuwang-tuwa ako dahil akala ko hindi na ako matatanggap. Limang interview din ang pinagdaanan ko at lahat ‘yun ay mahihirap. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Riza 



Sa iyo, Riza,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na natanggap ka sa trabahong inaplyan mo ay mabuting kapalaran. Susuwertehin ka na sa buhay, at sunud-sunod na magagandang kapalaran ang nakalaan sa iyo. 


Ang tuwang-tuwa ka dahil akala mo ay hindi ka makakapasa sa interview ay senyales ng kayamanan at magandang kalusugan. Yayaman at magkakapera ka na. Isa ka sa magiging tagapagmana ng namatay mong kamag-anak.


Samantala, ang limang beses kang dumaan sa interview ay nangangahulugan na makakapag-abroad ka. Riza, may posibilidad na makapangibang-bansa ka. 


Ang bilang na lima ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa negosyong may kinalaman sa transportasyon, computer at mga modernong gadget tulad ng cellphone, tablet at iba pang electronic devices na uso ngayon.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page