top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 18, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Star ng Silang, Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko ang biyenan kong babae, sumakabilang buhay na siya, at katatapos lang namin gunitain ang kanyang 40 days na pagkawala. 


Gaya ng dati, mataba pa rin siya, nakangiti at maaliwalas ang kanyang mukha. Magpapa-checkup umano siya kasama ng biyenan at ate ko. Inutusan ako ng biyenan ko na mag-withdraw ng pera para pambayad sa checkup. Habang nasa ATM Machine, ang tagal lumabas ng pera, at makalipas ang ilang sandali, nakita ko ‘yung dollar, pero bigla naman akong nagising. 


Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Star



Sa iyo, Star,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpakita sa iyo ang biyenan mong babae na nakangiti, at maaliwalas ang mukha ay susuwertehin ka sa maraming bagay. 


Ang 40 days ay nangangahulugan na kapag sinuwerte ka, sunud-sunod ito, at nakakagulat na biyaya ang nakalaan para sa iyo. 


Ang inutusan ka naman mag-withdraw ay sumisimbolo na magiging maganda, masagana, payapa at maayos ang buhay mo. 


Subalit, ang natagalan ka sa ATM Machine ay senyales na matatagalan pa bago ka tuluyang yumaman at magkapagkamit ng napakaraming biyaya sa buhay.


Samantala, ang dollar ay nagpapahiwatig na magiging dollar earner ka. May posibilidad na makatanggap ka ng pera galing sa mahal mo sa buhay na nagtatrabaho sa ibang bansa. Ito rin ay paalala na matuto kang mag-ipon at maghawak ng salapi.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 17, 2024



Aanalisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joel mula sa Mandaluyong.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang pusa, toro, at kamelyo. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Joel



Sa iyo, Joel,


Hindi maganda ang ibig sabihin kung madalas kang managinip ng pusa. Ito ay nagpapahiwatig na maaari kang dayain ng kaibigan mo, ipagkakanulo ka niya sa mga kasamahan n’yo, at ito rin ay senyales na kung sino pa ang minahal mo nang buong katapatan ay siya rin ang magtataksil sa iyo balang araw. 


Samantala, kung ang toro naman sa iyong panaginip ay nagagalit, ito ay babala na masasangkot ka sa isang kaguluhan. Ang nasabing kaguluhan ay agad mo namang maiiwasan. Ito ay lilipas din dahil sa matalino mong pamamaraan, at makakaisip ka agad ng solusyon para maiwasan ito. 


Ang kamelyo naman ay nakadepende kung ilan ang humps nito. Kung sa panaginip mo isa lang ang hump ng kamelyo, ito ay tanda na panghihinaan ka ng loob dahil sa mga sagabal na masasagupa mo sa pagtupad ng mga plano mo sa buhay. 


Pero kung dalawa naman ang humps ng kamelyo, ito ay nangangahulugan na mapagtatagumpayan mo ang mga sagabal na daranasin mo kung gagamitan mo ito ng isip at talino.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | July 16, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Mandaluyong.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang kape, tinapay at keso. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Jonathan



Sa iyo, Jonathan,


Kung madalas mong mapanaginipan ang kape, ito ay nangangahulugan na liligaya ka sa buhay, at matatapos na ang mga problemang kinakaharap mo. 


Subalit kung sa panaginip mo, nakita mo ang ibang tao na umiinom ng kape, ito ay paalala na ang kaligayahan mo ay maaaring magdulot sa iyo ng maling pagpapasya sa buhay. Siguraduhin mong tama at nasa ayos ang iyong mga desisyon.


Samantala, ang tinapay naman ay nagpapahiwatig na maiiwasan mo ang hindi magandang pangyayari na maaaring mong danasin sa darating na mga araw. 

Ang keso naman ay nangangahulugan na hindi tapat sa iyo ang babaeng minamahal mo, at may tinatago siya sa iyo.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
RECOMMENDED
bottom of page