top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 2, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Elvie ng Cavite.


Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin ng barrel, basin at basket sa panaginip?

Naghihintay,

Elvie



Sa iyo, Elvie,


Ang kahulugan ng barrel ay depende kung may laman ito o wala. Kung sa panaginip mo ay may laman ito, ibig sabihin ay matutupad mo na ang pinakamimithi mong pangarap sa buhay.


Pero kung wala itong laman, ito ay babala ng kabiguan. Mabibigo ka sa mga binabalak mong gawin.


Ang basin naman lalo na kung ito ay may pagkain, ito ay senyales na maiinlab ka sa bago mong kakilala, pero infatuation lang iyong mararamdaman, dahil lilipas din agad ito. 


Samantala, ang basket na walang laman ay halos kapareho lang din ng kahulugan ng barrel na walang laman. 


Subalit, ang basket na may laman, ito ay tanda na malalampasan mo na ang mga pagsubok sa iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
  • BULGAR
  • Sep 1, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 1, 2024


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jennifer ng Candaba, Pampanga.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang barko. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Jennifer



Sa iyo, Romy, 


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na umulan ng snow d’yan sa inyo ay kasaganahan at kaligayahan. Pero ang sabi mo ay naging snow storm, ito ay babala na may kakaharapin kang mabigat na problema, subalit ‘wag kang mag-alala dahil malalampasan mo rin ito.


Samantala, ang naligo ka agad pag-uwi mo ay nangangahulugan na labis kang mag-aalala sa bagay na hindi pa naman nagaganap, pero iniisip mo na agad ang kalalabasan. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
  • BULGAR
  • Aug 31, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 31, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jennifer ng Candaba, Pampanga.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang barko. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Jennifer



Sa iyo, Jennifer,


Kung sa panaginip mo ay may nakita kang barko ito ay nangangahulugan ng paglalakbay. May posibilidad na makapangibang-bansa ka. 


Kung ang barko ay luma at hindi na magandang tingnan,  ito ay nagpapahiwatig na hindi magiging maganda ang paglalakbay mo. Maraming nakakainis na bagay ang mararanasan mo. Kung may asawa ka na, ito ay senyales na madaragdagan pa ang iyong anak, at muli kang magkakaanak ng lalaki.


Samantala, kung malinaw ang tubig habang sakay ka ng barko, ito ay simbolo ng kasaganahan at magandang pamumuhay. Kung malabo naman ang tubig, ito ay nagbabadya ng masamang kapalaran.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 
RECOMMENDED
bottom of page