top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 17, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rowena ng Naic, Cavite.


Dear Maestra,


Ano ang ibig sabihin kapag madalas kang managinip tungkol sa jam at tea?

Naghihintay,

Rowena 



Sa iyo, Rowena,


Maraming kahulugan ang jam. Kung sa panaginip mo ay kumakain ka ng jam, ito ay nangangahulugan ng kabiguan.


Kung binigyan mo naman ng jam ang kasambahay n’yo, ito ay paalala na mag-ingat ka sa mga taong mapagkunwari. Huwag na huwag ka magtitiwala sa mga admirers mo, dahil karamihan sa kanila ay nambobola lang.


Gayundin, hindi ka dapat magtiwala sa mga kaibigan mo, dahil malamang sa malamang sinisiraan ka lang nila. 


Kung kumakain naman kayo ng jam kasama ang mga kaibigan mo, ito ay senyales na may mga kaibigan ka na handang dumamay sa iyo sa lahat ng sandali, lalo na sa oras ng kagipitan. 


Kung ikaw naman mismo ang gumawa ng jam, ito ay nagpapahiwatig na may dadaluhan kang kasal. Isa ka sa aanyayahang sumali sa katuwaang inihanda para sa bagong kasal.


Samantala, ang tea naman ay babala na may paparating na problema sa buhay mo na labis mong ikakabahala at hindi ka mapapalagay hangga’t ‘di nalulutas ito.

Subalit, kung gagamitin mo ang iyong isip, lilipas din agad ito. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 16, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Davao.


Dear Maestra, 


Napanaginipan ko na nasa isang isla ako. Ang daming halaman sa paligid, at ang gaganda ng mga bulaklak. Ang sarap sa pakiramdam, hanggang sa unti-unting akong napalibutan ng fog. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,Jonathan



Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa isang isla ka, at ang gaganda ng mga bulaklak ay pabagu-bago ang isip ng dyowa mo. Pero may makikilala ka pang isang babae, na siya mo na ring mapapangasawa at makakasama habambuhay. 


Samantala, ang unti-unti kang napaligiran ng fog ay senyales na hindi pa stable ang kasalukuyan n’yong relasyon ng dyowa mo. Kailangan mong mag-ingat sa bawat pananalita at kilos mo, dahil may posibilidad na hindi kayo magkatuluyan. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 15, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mario ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na kasama ko ang mga kaibigan ko, habang ‘yung damit na suot ko ay nanggigitata sa dumi. Sobra akong nalungkot dahil parang basahan kung tingnan ang suot kong damit. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Mario



Sa iyo, Mario,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakasama mo ang kaibigan mo ay magiging masaya ka, iimbitahan ka nilang kumain sa labas, dahil sinuwerte sila sa proyektong pinagkakaabalahan nila. Samantala, ang nalungkot ka dahil nanggigitata sa dumi ang damit mo at para ba itong basahan ay senyales na gaganda na ang iyong buhay, at hindi ka na maghihirap pa.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page