top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 20, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Eva ng Pila, Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nagluluto ako. Ang ginamit ko sa pagluluto ay hindi gas stove kundi uling.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Eva

Sa iyo, Eva,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagluluto ka ay may dadaluhan kang masayang pagtitipon na kung saan makikita mo ang dati mong mga kaibigan. Magiging masaya ka sa nasabing pagtitipon, at hahanapan n’yo ng ka-match ang mga kaibigan n’yo na wala pang dyowa.  Ang maganda pang balita, magkakatuluyan sila.  


Samantala, ang nagluto ka gamit ang uling ay nagpapahiwatig na magiging abala ka sa maraming bagay. Ito rin ang maghahatid sa iyo sa tagumpay. Tiyak na yayaman ka rin dahil sa iyong pagsisikap at pagtitiyaga. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 19, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Norma ng Masbate.


Dear Maestra,


Hindi ko ka-vibes ang kapitbahay namin, at mainit ang dugo namin sa isa't isa.

Napanaginipan ko na ininsulto niya ang pagkatao ko, at pinagbantaan pa niya ako na may mangyayaring ‘di maganda sa akin. Takot na takot umano ako.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? 

Naghihintay,

Norma

Sa iyo, Norma,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ininsulto ka ng kapitbahay mo, at binantaan ka niya ay kamalasan. Mag-aaway kayo ng dyowa mo hanggang sa tuluyan itong mauwi sa hiwalayan. Magtatagal ang hiwalayan n’yo lalo na kung hindi mo babaguhin ang ugali mo na hindi niya gusto.


Samantala, ang takot na takot ka ay babala na may nagbabalak na pabagsakin ka. Mag-ingat ka at talasan mo ang iyong pakiramdam, dahil nandyan lang sa tabi-tabi ang lihim mong kaaway.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | September 18, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Tondo, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang daming langaw sa kusina namin. Kahit ano’ng iwas ang gawin ko, hinahabol at dumadapo pa rin sila sa balat ko. Nangati tuloy ang buong balat ko. 

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lourdes

Sa iyo, Lourdes,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang daming langaw sa kusina n’yo, kahit ano’ng iwas mo ay hinahabol ka pa rin ay makakaranas ka ng mga nakakainis na pangyayari na halos mawalan ka na ng pasensiya. Ilan sa mga ito ay hindi mo inaasahan, at bigla na lang darating sa buhay mo.  


Samantala, ang kumati ang balat mo dahil dumapo ang mga langaw ay babala ng kalungkutan at hindi magandang kalagayan sa iyong kapaligiran. Mas makabubuti kung pananatilihin mo ang kalinisan sa inyong lugar upang maging matiwasay ang iyong isipan at makaiwas ka rin sa nagbabantang karamdaman.

 Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna




 
 
RECOMMENDED
bottom of page