top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 30, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorna ng Bohol.


Dear Maestra, 


Napanaginipan ko na bumili ako ng alimasag. Sa kasamaang palad, nasipit ang daliri ko. Namutla ako sa sobrang sakit, at para bang hindi ako makahinga.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lorna




Sa iyo, Lorna,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng alimasag, at nasipit ang daliri mo ay dapat mong iwasan ang paglalakbay sa karagatan.


Ang nakaramdam ka ng sobrang sakit ay nangangahulugan na hindi magiging mabuti ang pakiramdam mo sa darating na mga araw, at may posibilidad na magkasakit ka.


Samantala, ang namutla ka ay nagpapahiwatig na iwasan mo ang sobrang pagtatrabaho. Kumbaga, hinay-hinay lang. Huwag mong pagurin ang sarili mo, at mamahinga ka rin kung kinakailangan upang ‘di magkasakit.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna











 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 29, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Flordeliza ng Quiapo, Manila.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na namasyal ako sa Manila Zoo, agad akong lumapit sa mga hayop tulad ng giraffe, donkey at goat.


May natanaw din akong mga kalapati na nagliliparan sa paligid. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Flordeliza



Sa iyo, Flordeliza,


Ang napanaginipan mo na namamasyal ka sa Manila Zoo, at agad mong nilapitan ang giraffe ay nangangahulugan ng magandang kapalaran. Flordeliza, may tsansa kang makamit ang iyong mga pangarap.


Ang donkey naman ay nagpapahiwatig na matutuklasan mo na hindi pala tapat sa iyo ang mga kaibigan mo. 


Ang goat ay paalala na may binabalak na hindi maganda laban sa iyo ang isa sa mga kaibigan mo, pero kung tatalasan mo ang iyong pakiramdam, mauudlot ang masama niyang binabalak laban sa iyo. 


Samantala, ang may natanaw kang kalapati na nagliliparan sa paligid ay nagpapahiwatig na yayaman at magiging masagana ang buhay mo sa darating na panahon.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
  • BULGAR
  • Sep 28, 2024

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | Sep. 28, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Domeng ng Cavite.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na dumungaw ako sa bintana namin. May natanaw akong wolf, kaya naman sinara ko agad ang bintana at pumasok na sa kuwarto ko.

Pero ramdam kong parang may multo sa paligid ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Domeng



Sa iyo, Domeng,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumungaw ka sa bintana ay nag-aalala ka tungkol sa best friend mo. Alam kong iniisip mo ngayon na hindi siya dapat pagkatiwalaan, ngunit nagkakamali ka, dahil ang best friend mo ay isang maaasahan at handa kang tulungan sa lahat ng sandali.


Ang may natanaw kang wolf ay nangangahulugan na hindi lahat ng mga kaibigan mo ay maaasahan gaya ng best friend mo. ‘Yung iba sa kanila ay may lihim na inggit sa iyo, kaya dapat mong talasan ang iyong pakiramdam, dahil isa sa kanila ang magtatangkang siraan at pabagsakin ka.


Samantala ang pumasok ka sa kuwarto at feeling mo may multo ay babala na kailangan mong mag-ingat sa pakikitungo sa iyong kapwa para ‘di ka nila kainisan at mapagkamalang mayabang.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna










 
 
RECOMMENDED
bottom of page