top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 5, 2022

KATANUNGAN

  1. Dalawa ang boyfriend ko ngayon at pareho ko silang mahal. Pero balak ko nang maging stick to one para makapag-asawa na ako.

  2. Maestro, sumangguni ako sa inyo upang malaman kung sino sa dalawang boyfriend ko ang nakaguhit sa aking mga palad na makakasama ko sa pagtatayo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya?

  3. October 10, 1991 ang birthday ko at March 30, 1989 naman ang unang boyfriend ko na tawagin na lang nating Mr. Aries, habang ang ikalawa naman ay si Mr. Aquarius na may birthday na February 4, 1989.

KASAGUTAN

  1. Halos magkasing-haba ang dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M, at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, sa kasalukuyan, tunay ngang wala kang mapiling dispatsahin o iwanan sa dalawang lalaki na bahagi ng buhay mo ngayon dahil sa totoo lang, tama ka, pareho mo na silang mahal at pareho silang mahalaga sa buhay mo.

  2. Gayunman, hindi puwede na palaging dalawa sila sa buhay mo dahil iisa lang ang puso mo. Kaya ang guhit pa rin ng ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) ang tumitiyak na kung sino ang huling dumating sa kanilang dalawa —tiyak na hindi puwedeng sabay silang dumating — ang iyong makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Libra, na katugma ng zodiac sign na Aquarius ni Mr. Aquarius na may birthday na February 4, 1989.

  3. Ibig sabihin, walang duda na sa kahuli-hulihang sandali ng iyong pagpapasya, ang tinukoy na lalaki na may zodiac sign na Aquarius ang pipiliin mo upang pakasalan at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

DAPAT GAWIN

Angelou, ayon iyong mga datos, sa taon ding ito, pikit-mata kang mamimili ng ititira o pananatilihin sa dalawang boyfriend mo sa kasalukuyan. Gayunman, wala kang magagawa sa itinakda ng kapalaran dahil si Mr. Aquarius ang kusa mong pipiliin upang makasama sa pagbuo ng maunlad, maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2023, sa buwan ng Setyembre at sa edad mong 31 pataas.

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 2, 2022

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | October 31, 2022

KATANUNGAN

  1. Maestro, sabi n’yo, ang mga Taong Singko (5) at Taong Otso (8) o silang mga isinilang sa petsang 5 at 8 ay yumayaman. Pero bakit hanggang ngayon, sa edad kong 51 ay hindi pa rin ako mayaman, gayung 5 ang aking birth date at 8 naman ang destiny number ko?

  2. Sa palagay n’yo, makakaahon pa ba ako sa kahirapan at kailan ako uunlad at yayaman?

KASAGUTAN

  1. Yayaman ka rin, Richard, basta ang mahalaga ay maghintay ka lang at huwag kang maiinip. Gayunman, kahit sabihin na Taong Singko o Otso ka, kung hindi naman tumutugon ang Head Line (Drawing A. at B. H-H) sa iyong kapalaran, malabo pa ring yumaman ang isang indibidwal. Ibig sabihin, kailangang magkatugma ang guhit ng mga palad at numero, birth date o destiny number upang matiyak na ang isang tao ay yayaman.

  2. Sapagkat ang pag-aanalisa sa Numerology, gayundin sa Astrology, dapat itong makumpirma mula naman sa guhit ng palad upang ang nasabing pag-aanalisa ay maitala na 100% na eksakto o tamang-tama, lalo na kung tungkol sa pagyaman ang usapan.

  3. Sa kaso mo, Richard, kapansin-pansing very sloping ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, ikaw ay isang taong hindi naman materyoso at kulang sa diskarteng praktikalidad. Kumbaga, marami kang gustong gawin at ambisyon sa buhay, pero hindi mo naman magawa at maipatupad.

  4. Tandaan na kaya naging sloping ang Head Line (arrow a.) ng isang indibidwal, sa totoo lang, medyo nabubuhay at masaya na siya sa mga plano at pangarap na wala namang katuparan. Dagdag pa rito, ang isa pang nakasama sa guhit ng iyong mga palad ay ang nahulog na Business Line at Career o Fate Line (Drawing A. at B. B-B arrow b. at F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na bagama’t malimit ka ring makahawak ng malalaking halaga ng salapi, sa halip na ipunin at ibulsa, madali mo naman itong nailalabas o nagagastos sa mga walang kabuluhang bagay.

  5. Dahil dito, nabaon ka sa mga utang dahil tunay ngang hindi mo minamahal ang bawat sentimo o halaga na iyong nahahawakan. Kaya kahit paulit-ulit pang sabihin sa Numerology na ang mga Taong Singko at Otso ay yumayaman, hinding-hindi ito mangyayari sa iyo dahil hindi katugma ng numero mong singko at otso ang mga guhit sa kaliwa at kanan mong palad.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kung hindi ka yayaman, sino ngayon ang yayaman at paano ka makakaahon sa utang? ‘Yan ang tanong na dapat nating sagutin ngayon. Ang sagot ay maghanap ka ng isa sa mga anak mo o puwede rin ang misis mo na may straight Head Line (H-H arrow d.), gayundin ang Fate at Business Line (Drawing A. at B. F-F arrow e. at B-B arrow f.) na hindi nahulog sa pagitan ng mga daliri.

  2. Sinuman sa mga anak mo o maaaring ang misis mo ang nagtataglay ng nasabing mga guhit, kahit ano pa ang hawak niyang numero, malamang na ang guhit ng kanyang mga palad ang matutupad, habang sa impluwensya rin ng mga numero mo, makikita mo na sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, makakaahon kayo sa kahirapan hanggang sa tuluyan nang yumaman ang inyong pamilya (arrow d., arrow e. at arrow f.).

RECOMMENDED
bottom of page