top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 27, 2022





KATANUNGAN


  1. Ako ay namamasukan bilang katulong, nagkasakit ako, pero nandito pa rin ako sa amo ko dahil hindi naman malala ang sakit ko. Balak kong umuwi sa probinsya para magpahinga, kaya lang, natatakot ako na pagbalik ko ay hindi na ako magkaroon ng trabaho rito sa Maynila.

  2. Ang isa pang gumugulo sa isipan ko ay ang paghinto ko sa pag-aaral. Gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa college, gayung dapat ay third year na ako. Mangyayari ba ang balak kong ito at may tsansa bang makatapos ako ng kolehiyo para magkaroon ng magandang trabaho at hindi puro pagkakatulong ang napapasukan ko?

  3. Maestro, ano ang nakikita n’yo sa guhit ng mga palad ko, may pag-asa pa ba akong makaahon sa kahirapan at umasenso?

KASAGUTAN


  1. Basta huwag kang mawawalan ng pag-asa, sa halip ay magpatuloy kang magsikap, tiyak ang magaganap dahil darating ang panahon na maaabot mo rin ang lahat ng iyong mga ambisyon sa buhay.

  2. Samantala, sadyang huminto ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Bahagya lang itong tumigil dahil matapos huminto, agad itong nagpatuloy (F-F arrow b.) hanggang sa tuluyang makasampa sa Mount of Saturn, na tinatawag ding Bundok ng Tagumpay (arrow c.).

  3. Tanda na nakatakda na sa iyo ang magpahinga at pagkatapos ng sandaling pamamahinga, parang isang buwelo lamang, pagbalik mo sa Maynila ay muli kang magkakaroon ng trabaho. Gayundin, dahil naging dalawa ang dating iisang Fate Line (F-F arrow d.), posibleng habang nagtatrabaho ka ay makakapag-aral ka pa, hanggang sa tuloy-tuloy na matapos ang kursong kinuha mo. Ito ay pinatunayan din ng malinaw at mahabang Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow e.), na agad sumampa at nakatuntong sa Mount of Jupiter, na tinatawag ding Bundok ng Katuparan (arrow e.).

  4. Ibig sabihin, basta palagi mong pinaiiral ang ugaling masikap at malakas ang loob, sa malapit na hinaharap, sa iyong matindi at masigasig na pagsisipag, na kinumpirma ng birth date mong 26, walang duda na darating ang panahong maaabot mo ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay. Hindi lang ang makatapos ng pag-aaral at makaahon sa kahirapan ang iyong magagawa, dahil 26 o 8 (2+6=9) ang birth date mo, malaki rin ang posibilidad na ikaw ay yumaman.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Sophia, matapos mong umuwi sa probinsya para magpahinga, sa susunod na taong 2023 at sa buwan ng Enero, tiyak ang magaganap, muli kang makakabalik sa Maynila at magkakaroon ng mas magandang trabaho.

  2. Sa naturang trabaho, pagdating ng 2023 hanggang 2024, makakapag-enroll ka sa kolehiyo hanggang sa tuluyang matapos ang iyong kurso. Sa pamamagitan ng kursong ito na may kaugnayan sa negosyo at pinansyal, tuloy-tuloy kang uunlad, makakaahon sa kahirapan, hanggang sa lumago nang lumago ang iyong kabuhayan, na nakatakdang mangyari sa taong 2045 at sa edad mong 46 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 24, 2022





KATANUNGAN

  1. Noon pa ako nag-a-apply sa abroad, ang problema, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natutuloy. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung sa susunod na taon ba ay susuwertehin na akong makapangibang-bansa?

  2. Dati na akong seaman, pero sa local shipping line ako napapasok, kaya medyo maliit ang suweldo. Pero minsan naman ay naiisip kong delikado rin sa ibang bansa dahil hindi mo kalahi ang mga makakatrabaho mo. Gusto ko ring malaman kung maganda ba ang Life Line ko at kung sakaling ako ay matuloy, hindi ba ako mapapahamak sa barko at mahaba pa ba ang buhay ko?

KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansing bukod sa malinaw, ikaw din ay nagtataglay ng mahaba, walang bilog at good looking Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang magandang “guhit ng buhay” na ito ay tanda na hindi lang magiging mahaba ang buhay mo, sa halip, ikaw ay magkakaroon din ng masagana at maalwang pakikipagsapalaran sa malayong lugar. Ito ay pinatunayan at kinumpirma ng malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ang ikinaganda pa nito, bukod sa maayos na Life Line (L-L arrow a.) at malawak na Travel Line (t-t arrow b.), ikaw din ay pinagkalooban ng napakalinaw at maaliwalas na pirma, na medyo lumabo at nababoy sa una, pero gumanda at naayos sa gitna hanggang sa dulong bahagi.

  3. Ibig sabihin, bagama’t sa unang yugto ng iyong buhay at pakikipagsapalaran ay may manaka-nakang pagsubok, sandali lamang ang mga suliraning ito at sa sandaling nalagpasan mo, tuloy-tuloy na ang pag-unlad at malaking pag-asenso, lalo na sa inaasinta mong pagtatrabaho bilang seaman sa ibayong-dagat.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sabi nga, kapag ang mga dasal at pangarap natin ay hindi pa gaanong natutupad ngayon, hindi naman ibig sabihin nitong “Hindi” na agad ang sagot ni Lord. Sa halip, ang eksaktong sagot Niya sa ating mga dalangin na hindi pa natutupad ay “Sandali lang”. Ito ay nangangahulugang nade-delay o hindi pa lubusang nangyayari ang ating mga pangarap dahil may inihahanda pang mas magandang kapalaran para sa atin si Lord.

  2. Habang, ayon sa iyong mga datos, Sonny, ituloy mo lang ang pag-a-apply mo sa abroad dahil sa susunod na taong 2023, sa buwan ng Abril o Mayo at sa edad mong 29 pataas, may mabunga at mabiyayang pagbabarko na itatala sa iyong karanasan. Ito na rin ang magiging simula upang ang buhay at kapalaran mo sa larangan ng career at propesyon ay tuloy-tuloy nang umaliwalas, umunlad at sumagana habambuhay.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 21, 2022




KATANUNGAN


  1. Hindi ko masyadong mahal ang girlfriend ko dahil ang totoong crush at nililigawan ko noon ay ang best friend niya. Pero ang hindi ko alam, siya pala ang may gusto sa akin, habang ‘yung best friend niya ay nagka-boyfriend at nakapag-asawa na ngayon.

  2. Tumagal naman ang relasyon namin, pero hindi ako masaya kapag kasama siya, kaya nakipagbreak ako hanggang sa nagtangka siyang magpakamatay. Mula noon, nagkabalikan kami dahil sabi ng mga kaibigan ko ay mahal na mahal daw ako ng girlfriend ko, kaya hindi ko siya dapat iwanan. Ang problema, may bago na akong girlfriend nang hindi niya alam at mas mahal ko ‘yung bago kaysa sa kanya at masaya ako kapag kasama ko siya.

  3. Hindi ko pa ito masabi sa kanya dahil baka magpakamatay na naman siya. Ano ang dapat kong gawin para masabi ko sa kanya nang hindi siya gaanong nasasaktan na hindi ko na siya mahal at may bago na akong girlfriend?

KASAGUTAN


  1. Madali lang solusyunan ang problema mo. Tingnan o suriin mong mabuti ang kaliwa at kanang palad ng una mong girlfriend upang mabatid kung magiging matagumpay ba siya sa tatangkain niyang pagpapatiwakal kung sakaling ulitin niya ito.

  2. Dalawang klase kasi ang nagpapatiwakal at ang mga indibidwal na may suicidal tendency ay ‘yung matagumpay na nakapag-suicide, kaya sila ay natutuluyan. Habang ‘yung ikalawa naman ay hindi nagtatagumpay, kaya sila ay nabubuhay at sa halip na mamatay ay naoospital lang sila.

  3. Ang masakit sa mga bigo na nagsu-suicide, kahit ulit-ulitin pa nila ang pagtatangkang magpakamatay, dahil nakatakda sa kanilang kapalaran ang mabigo, pati sa pagtatangka na kitilin ang kanilang sariling buhay ay bigo pa rin sila. Hindi tulad nu’ng mga matagumpay na indibidwal. Akala nila ay palagi silang bigo o hindi nagtatagumpay sa buhay, pero ang hindi nila alam, may isang tagumpay na itatala sa kanilang kapalaran at ‘yun ay ang pagsu-suicide. At kapag nagtagumpay siya, habang naghihingalo, masasabi niya sa kanyang sarili, “Sa wakas, nagtagumpay din ako!”

  4. Ngayon, paano mo malalaman base sa guhit ng palad kung ang isang indibidwal na may suicidal tendency ay magtatagumpay sa kanyang pagpapatiwakal? Una, kailangang malambot at mabuto ang kaliwa at kanang palad. Ibig sabihin, halos hindi niya dama na wala na siyang silbi sa mundo. Bagkus, ang totoong laman ng kanilang unconscious na pagkatao ay ang kawalan ng pag-asa at labis na depresyon. Mag-suicide man ang ganitong uri ng indibidwal at hindi natuluyan, masasabing sa sakit o labis na depresyon naman siya mamamatay. Kumbaga, ayaw na ng unconscious na katawan o pagkatao na mabuhay, kaya sa huli, sakit o karamdaman ang kanilang ikakamatay. Sa maikling salita, kapag manipis at mabuto ang kaliwa at kanang palad, at maraming guhit, kahit makaligtas sa pagsu-suicide, hindi maipaliwanag na karamdaman naman ang tatapos sa kanilang buhay. ‘Ika nga, mawawalan sila ng will to live hanggang sa manghina ang kanilang immune system, at kapag dinapuan ng karamdaman, tuluyan siyang mararatay sa banig ng karamdaman at mamamatay.

  5. Ang ikalawang palatandaan kung magtatagumpay ang indibidwal na magtatangkang mag-suicide ay bukod sa mahaba, sloping o bumibilog sa bandang dulo ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) na nakatuntong sa Bundok ng Imahinasyon o Mount of Luna (arrow b.). Kung ganito ang palad ng girlfriend mo, isa pang pagtatangka, lalo na kung siya ay may birth date na 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28 —mga Taong Uno (1) at Taong Kuwatro (4) ang madalas mag-isip o maglaro sa isipan nila ang tangkang pagpapatiwakal, habang ang pumapangalawa sa kanila ay ang mga Taong Otso (8), Taong Dos (2) at Taong Siete (7) — sila ang karamihan sa mga nagtatagumpay magpatiwakal.

  6. Habang, ang kadalasan namang nabibigo sa pagsu-suicide, pero nagtatangka rin ay ang mga nagtataglay ng 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 8, 17 at 26, sapagkat sila, tulad ng nasabi na ay talagang walang suwerte at bigo sa buhay, kaya pati sa pagpapakamatay ay bigo pa rin sila. Hindi tulad ng mga Taong Kuwatro at Uno, palagi silang may suwerte at tagumpay, kaya maging sa huling yugto ng kanilang buhay o ang layuning magpatiwakal, sila ay matagumpay.

  7. Pero tulad ng nasabi na, ang birth date na inilarawan itaas ay pangalawa lamang sa tinitingnan kung magtatagumpay ang isang indibidwal na magtatangkang magpakamatay. Ang mas malinaw na tinitingnan ay ang very sloping at kumurbang pabilog na mahabang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanang palad.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Mahirap namang asawahin ang tao na hindi mo mahal. Kaya tama ka, JR, kung hindi mo naman talaga mahal ang isang babae, ipaliwanag mo sa kanya na kahit magkatuluyan kayo ay baka hindi rin kayo maging maligaya.

  2. Sa kabilang banda, ang pinakamahirap sa lahat ay ang pag-aasawa na pinilit ka lang o hindi ka naman willing na pakasalan ang isang babae, pero ginawa mo pa dahil sa bandang huli, posibleng mambabae ka lang.

  3. Samantala, anuman ang mangyari, ang nakakatuwa sa kaliwa at kanan mong palad ay ang malinaw at maayos o magandang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.). Ito ay nagsasabing, kahit sino ang mapangasawa mo sa mga girlfriend mo ngayon, may pangako pa rin ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page