top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 5, 2023





KATANUNGAN


  1. Tatlong beses na akong nakakasampa at nagpapabalik-balik sa barko. Ang problema, Maestro, sa huling sampa ko ay nagkaproblema ako sa kalusugan, kaya hindi muna ako sumampa ulit. Gayunman, ngayon ay maayos na ang kalusugan ko at okey na rin ang medical check-up ko.

  2. Kaya lang, ang tagal ko nang naghihintay at parang hindi na nila ako tatawagan. Ngayon, balak kong lumipat ng ibang shipping agency. Tama ba ang desisyon ko o mas maganda kung magtiyaga pa ako sa paghihintay? Sa katunayan, maganda ang pamamalakad dito at mas malaki ang suweldo kumpara sa ibang shipping company.

KASAGUTAN


  1. Nagkaroon ng bahagyang Guhit ng Hadlang ang ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. d-d, t-t arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, bahagyang magkaka-aberya, maaantala o magkakaroon ng problema sa ikalawang pagtatangka mong makapag-abroad kung ikukumpara sa mga nauna na mabilis kang nakakaalis at nagiging maayos naman ang lahat.

  2. Gayunman, huwag kang malungkot o mag-alala dahil pansamantala lang naman ‘yun kung saan ang hadlang na nabanggit ay hindi naman gaanong magtatagal. Kaya kung hindi ka pa naman naiinip, maaari ka pang maghintay ng isa o dalawang buwan sa dati mong agency o kumpanya at kung sa buwan ng Marso sa taon ding ito ng 2023, ay hindi ka pa rin nakakaalis o natawagan upang muling sumampa sa barko, wala namang masama kung lilipat ka ng ibang agency o shipping company.

  3. Sapagkat tulad ng nasabi na, ayon sa iyong mga datos, pansamantala lamang ang pagka-delay ng iyong pagbabarko. Sapagkat tinitiyak na sa taong kasalukuyan, itatala sa iyong karanasan ang ikalawang mas maunlad at mas mabungang bugso ng sunod-sunod na pagbabarko. Gayundin, hindi ka lang isang beses makapangingibang-bansa kundi maraming-marami pa. At dahil sa mga pag-a-abroad na nabanggit, tuloy-tuloy na muling uunlad at lalago ang kabuhayan ng inyong pamilya.

DAPAT GAWIN


Albert, ayon sa iyong mga datos, maghintay-hintay ka lang hanggang buwan sa katapusan ng Marso 2023, makikita mo na sa nasabing panahon, hindi matatapos ang buwan ng tag-araw at sa edad mong 31 pataas, itatala ang ikalawang bugso at mas mabungang pangingibang-bansa sa iyong kapalaran.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | Pebrero 1, 2023





KATANUNGAN


  1. Isinilang ako noong October 17, 1990. Gusto kong malaman kung nasa guhit ba ng mga palad ko ang makapag-abroad? Pangatlong beses ko na itong pag-a-apply, pero hanggang ngayon, umabot na ako ng edad 33, pero hindi pa rin ako nakakaalis.

  2. May pag-asa ba talaga akong makapag-abroad kahit bilang domestic helper o mas mabuti na tanggapin ko na nandito lang talaga sa Pilipinas ang kapalaran ko?

KASAGUTAN


  1. Ganyan naman talaga ang kapalaran ng mga Taong Otso (8) na tulad mo (ang 17 ay 1+7=8), hindi easy to get ang tagumpay. Kaya asahan mo na bago ka makapag-abroad, maraming pagsubok at hadlang ang iyong mararanasan.

  2. Pero pagkatapos ng mga negatibong pangyayaring nabanggit, basta naging mapilit ka at kinulit mo nang kinulit ang kapalaran, wala siyang magagawa, ang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ang mananaig at ito rin ang tumiyak na makakapag-abroad ka.

  3. Ito ay madali namang kinumpirma ng lagda mong medyo umaalon-alon at bahagya pang lumipad ang pinakapaa ng dulong letrang “a” paitaas. Ibig sabihin, ngayon pa lang, nasasagap na ng unconscious mong isipan ang nakatakdang maganap sa susunod na paglipas ng mga buwan, kung saan may produktibo at masaganang paglalakbay na itatala sa iyong kapalaran.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Hindi porke malinaw ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ay makakapag-abroad na. Sa halip, binabase rin ito sa bitbit mong numero tulad ng mga Taong Otso o silang may bitbit na numerong 8, 17 at 26, kahit may Travel Line (arrow a.), medyo mahihirapan pa rin silang makamit ang magandang kapalaran sa pangingibang-bansa, dahil kaakibat ng kanilang numero ang sinasabi nating “hard road to glory”. Sa ibang salita, paghihirapan muna talaga nila ang tagumpay bago itp matamasa.

  2. Hindi tulad ng mga taong may bibit na numerong 1, 10, 19, 28, 5, 14, at 23, at pagkatapos ay may malinaw pang Travel Line (t-t arrow a.), ang ibig sabihin, “easy to get” lang sa kanila ang makapangibang-bansa at magkaroon ng produktibo at masaganang karanasan sa nasabing pag-a-abroad.

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Annalyn, kaunting tiis at paghihintay pa, basta ‘wag kang susuko. Kulitin mo nang kulitin ang kapalaran at sa bandang huli, ayon sa iyong Travel Calendar, sa midyear o kalagitnaan ng taong ito, ibig sabihin ay sa buwan ng Hunyo, Hulyo o Agosto at sa edad mong 33 pataas, may produktibo at mabungang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | January 31, 2023





KATANUNGAN


  1. May tinakasan akong masamang karanasan sa aming probinsya. Naging biktima kasi ako ng panghahalay sa kapatid ko sa ama. Ngayon ay namamasukan ako sa isang grocery at naisipan kong sumangguni sa inyo dahil may nanliligaw sa akin at malapit ko na siyang sagutin.

  2. Nais ko ring malaman kung dapat ko bang ipagtapat sa kanya na naging biktima ako ng panghahalay bago ko siya sagutin o kapag magkasintahan na kami, saka ko na lang sa kanya ikuwento ang aking masamang nakaraan?

  3. Balak ko na siyang sagutin sa birthday niya sa February 7. Tama ba ang iniisip kong ito at compatible ba kami? Gayundin, gusto kong malaman kung siya na ba ang lalaking nakaguhit sa aking mga palad na tatanggapin ako sa kabila ng aking magulong nakaraan?

KASAGUTAN


  1. Ganito ang sinasabi ng guhit ng iyong mga palad, Perla, hindi naman pala magbabago ang pagtingin sa iyo ng manliligaw na balak mo nang sagutin o maging boyfriend. Ito ang nais sabihin ng kaisa-isang malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, kung halimbawang ipagtatapat mo na sa kanya ngayon ang iyong nakaraan bago mo siya sagutin sa kanyang birthday, mananaig ang kaisa-isang maganda at malinaw na Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay maliwanag na tanda ng maligaya at matagumpay na pag-aasawa, na kinumpirma rin ng maaliwalas at maganda mong lagda.

  3. Nangangahulugan ito na bagama’t may pangit kang nakaraan, hangga’t naging tapat ka sa iyong manliligaw, hindi makakaapekto ang pang-aabuso sa iyo ng iyong step-brother sa kasalukuyan mong buhay. Kaya tulad ng nasabi na, sa huli ay mananaig ang dalisay at wagas na pag-ibig ng lalaki na pagkakalooban mo ng iyong tiwala at pagmamahal.

DAPAT GAWIN


Samantala, ayon sa iyong mga datos, Perla, hindi makakasagabal sa kasalukuyan ang mapait mong nakaraan. Sapagkat tulad ng nasabi na, ang maganda at maayos mong Marriage Line (Drawing A. at B. arrow a.) ang kumumpirma at tumiyak na sa bandang huli, ang takdang kapalaran ang masusunod at iiral — kayo ng kasalukuyan mong manliligaw, na binabalak mong sagutin ang magkakatuluyan at nakatakdang magsama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page