top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 18, 2023





KATANUNGAN


  1. Nasa New Zealand ngayon ang sister-in-law ko at tinutulungan niya ako para makapagtrabaho ru’n. Almost 10 years na siya sa nasabing bansa at may magandang career na siya, gayundin, may itinatayo raw siyang negosyo, kaya gusto niya akong makapunta ru’n para makatulong niya ako.

  2. Sa kasalukuyan ay nag-aayos na ako ng mga papeles. Sa palagay n’yo, Maestro, may suwerte ba ako sa pangingibang-bansa, partikular sa New Zealand at kung matutloy ako, kailan ito mangyayari?

KASAGUTAN


  1. May malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, makakapanirahan at makakapagtrabaho ka sa ibayong-dagat.

  2. Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ka ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1), kung saan pagkaraniwan na sa mga taong isinilang sa mga petsang 1, 10, 19 at 28, kung gugustuhin lang talaga nila ay nakapangingibang-bansa sila at nagkakaroon ng maalwan at produktibong karanasan sa ibayong-dagat.

  3. Ang problema lang, kapag nakapag-abroad na ang mga Taong Uno (1) tulad mo, mabilis ding nauubos ang kanilang kinita sa pangingibang-bansa dahil sa kanilang pagiging galante, palakaibigan at magastos. Subalit kung matutunan ng mga Taong Uno ang magtipid o magsinop ng kabuhayan habang sila ay nasa ibang bansa, ru’n lamang magkakaroon ng bunga o halaga ang salapi na kanilang pinaghirapan sa abroad.

  4. Gayunman, tulad ng nasabi na, kahit magpabalik-balik nang maraming beses sa abroad ang mga Taong Uno na tulad mo, pero kung hindi niya magagawang sinupin ang kanyang kinikita, sa umpisa lang magiging maluwag ang kanyang buhay. Subalit sa bandang huli, back to zero ang kanyang kabuhayan at mahihirapan na siyang maka-recover.

DAPAT GAWIN


Habang, ayon sa iyong mga datos, Maricel, ituloy mo lang ang pag-a-apply sa abroad, sapagkat ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap — sa last quarter ng 2023 o first quarter ng 2024, sa buwan ng Enero hanggang Abril at sa edad mong 33 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 9, 2023





KATANUNGAN


  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil ngayon ay may crush ako na kaklase ko rin at tawagin na lang nati siyang Edward na may birthday na February 7, 2003, habang October 1, 2003 naman ang birthday ko.

  2. Gusto kong malaman kung totoo bang crush din ako ng lalaking ito dahil sabi sa akin ng kaibigan kong si Menchie, crush din ako ni Edward. Gayundin, may possibility ba na siya na ang magiging first boyfriend ko? Sa edad kong 19, hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit minsan.

  3. Sa totoo lang, palagi ko siyang nami-miss at naaalala. Darating din ba ang panahon na kakausapin niya ako nang personal at magiging kami? Madalas ko siyang nahuhuli na nakatingin sa akin.


KASAGUTAN


  1. Tama ang iyong sapantaha, Cherry, kung saan, malaki ang posibilidad na ang unang magiging boyfriend mo ay ang crush mo na si Edward, kung saan ito ang nais sabihin ng maliit na hibla ng guhit na umangat paitaas, na nagmula sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ang nasabing mga guhit na paitaas mula sa Heart Line (arrow a.) ay nangangahulugan na na kumbaga sa laro ng pag-ibig, walang lalaki na gugustuhin mo o magiging crush mo na hindi magkakagusto rin sa iyo.

  3. Ang pag-aanalisang likas na malakas ang inyong magnetismo at may kakaiba kang atraksyon sa kalalakihan ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 1 sa zodiac sign na Libra. Dahil Sun ang ruling planet ng numerong 1, ang mga taong ipinanganak sa nasabing mga petsa ay sadyang kaibig-ibig at maraming nagkakagusto sa kanila, at nagkataon na ang zodiac sign na Libra ay taglay naman ang planeta ng pag-ibig at romansa na si Venus. Dagdag pa rito, inaasahan ding madali kang magkagusto sa mga lalaki at madali naman silang magkakagusto sa iyo.

  4. Ang pag-aanalisang may malakas at pambihira kang karisma, na walang sinumang lalaking makatatanggi sa sandaling nalaman nilang crush mo rin sila ay lalo pang pinagtibay at pinatunayan ng lagda mong may hugis puso at may mga burloloy sa dulong bahagi. Ibig sabihin, bukod sa maganda talaga ang iyong pisikal na anyo, likas ka ring may kakaiba at malakas na sex appeal, hindi lang sa mga lalaki kundi pati sa kapwa mo babae.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Cherry, tiyak na sa buwang ito ng Pebrero at pinakamatagal na sa susunod na buwan ng Marso, magiging boyfriend mo na si Edward.

  2. Sa wakas ay tuluyan nang matutupad ang malaon mo nang pinapangarap at hinihiling sa langit dahil at ngayong Pebrero, habang nananatiling malamig at makulimlim ang panahon, mabubuo ang matimyas at nakakakilig na pag-iibigan, na hahantong sa wagas at panghabambuhay na pagmamahalan (Drawing A. at B. h-h arrow b. at 1-M arrow c.).

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 7, 2023





KATANUNGAN


  1. Ako ay isang lesbian at aaminin ko sa inyo na marami na akong nakarelasyon, pero walang nagtagal. Madalas, ‘yung ibang mga nakakarelasyon ko ay pera lang ang habol sa akin.

  2. Sa ngayon, may bago akong karelasyon. November 30, 1998 ang birthday niya at gusto kong malaman kung siya na ba ang panghabambuhay kong makakasama?

  3. Nagsasama na kami, wala siyang trabaho, kaya ako ang bumubuhay sa kanya, at okey lang sa akin. Gayunman, ang ikinakatakot ko ay baka maulit ang nangyari noon na iniwanan ako ng aking karelasyon. Maestro, sa palagay mo ba ay magtatagal kami? December 18, 1990 ang birthday ko.

KASAGUTAN


  1. Huwag kang mag-alala, Melba, dahil iisa lang naman ang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung matagal na kayo o sabihin na nating umabot na sa isa o dalawang taon ang inyong pagsasama, walang duda na ang babaeng kinakasama mo ngayon ang tuluyan mo ng makakasama habambuhay.

  2. Ito ay madali namang kinumpirma ng pareho n’yong zodiac sign na Sagittarius at nagkataong compatible ang birthdate niyang 30 o 3 (ang 30 ay 3+0=3) sa birth date mong 18 o 9 (ang 18 ay 1+8=9). Nangyari dahil kapwa kayo under sa mga numerong nasa series of 3-6-9. Ibig sabihin, tunay ngang compatible kayong dalawa, kaya masasabi na maaaring siya na ang panghabambuhay mong makakasama.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Ang pinakamaganda mong magagawa ngayon, Melba, pilitin mong umabot sa isa, dalawa o tatlong taon ang inyong relasyon at pagsasama. Kapag nangyari na ‘yan, matitiyak mong siya na ang babaeng itinakda sa iyo ng tadhana na makakasama mo habambuhay.

  2. Ngunit kung sakaling sumablay, ‘wag ka ring mag-alala at malungkot dahil sigurado namang may darating na babaeng makakasama mo habambuhay.

  3. Ito ay kinumpirma ng mahaba at tuwid na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing, kahit dumami pa nang dumami ang mga babaeng makarelasyon mo, walang duda na sa edad mong 33, tuluyan ka nang mapapanatag sa isang babae na panghabambuhay mong makakasama, na nagtalaglay ng zodiac sign na Sagittarius tulad mo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page