top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 2, 2023




KATANUNGAN


  1. Maestro, nais kong malaman kung may guhit ng pakikipagrelasyon sa aking mga palad. Umabot na kasi ako ng edad 23 at kahit minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend, gayung marami namang nagsasabi na maganda ako.

  2. Wala pa naman akong balak mag-asawa dahil wala pa akong stable job, pero siyempre, gusto ko ring magka-boyfriend tulad ng ibang babae na tulad ko. Sana, malaman ko kung kailan ako magkaka-boyfriend kahit hindi pa pang-asawa para magka-experience naman ako kung paano makipag-date, mahalin at magmahal.


KASAGUTAN


  1. Alam mo, Trixy, minsan ay kailangan ding ipinagdarasal ang magiging boyfriend o girlfriend, sapagkat ang isang nilalang na magiging special friend o shoulder to lean on ay dapat na idinudulog kay Lord.

  2. Ipinagdarasal dapat ang pagdating ng taong mamahalin ka at habambuhay mo rin siyang mamahalin dahil ang kaloob na ito sa iyo ng langit ay maituturing ding biyaya ng Maykapal na ipinagkakaloob sa isang indibidwal upang magkaroon ng buo at maligayang panghabambuhay na pamilya.

  3. Dahil malapit na ang Holy Week o panahon ngayon ng Kuwaresma, siguro, ito ay eksaktong panahon upang magdasal at magnilay-nilay upang hilingin kay Lord na magkaroon ka ng mabuti, mabait at guwapong boyfriend o kung anuman ang gusto mo sa isang lalaki na makakasama mo habambuhay. Sabi nga sa isang panalangin, "Lord, help me find the right man/woman. May he/she be strong when I am weak, brave when I am afraid, and willing to share my life with him/her. Finally, I ask that you be present to both of us in our life together. Amen."

  4. Samantala, Trixy, magkaka-boyfriend ka na. Ito ang nais sabihin ng tumubo at bahagyang humaba na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Bagama’t hindi pa siya ang mapapangasawa mo dahil medyo maliit o maikli ang nasabing unang Marriage Line (arrow a.), magiging okey naman ang inyong relasyon.

  5. Pero dahil hindi kayo ang itinakda sa isa’t isa, sa bandang huli ay maghihiwalay kayo upang bigyang-daan naman ang ikalawang mas malinaw at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. At dahil ang nasabing guhit ay mahaba, makapal at malinaw, ito ay tanda na ang ikalawang boyfriend mo ang iyong mapapangasawa, makakatuluyan at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Tulad ng nasabi na, ang pagkakaroon ng boyfriend ay dapat ding ipagdasal upang ang biyayang ito mula sa Maykapal ay maging habambuhay na blessing sa papasukin nating pagpapamilya.

  2. Kapag naman nagkaroon na ng karelasyon, upang hindi maghiwalay at habambuhay na magmahalan, dapat ding nagdarasal ang magkasintahan. Sabi nga sa isang panalangin para sa magkasintahan, “Heavenly father, from the very beginning you wanted men and women to find love and create new life together. We thank you for this wonderful gift of love which you have generously granted us. Help us to continue to love each other and accept each other as we are, unconditionally as we get to know each other better. Give us the power of your love that we may forget self and live for each other so that we may have truly one spirit, in preparation for the time when you will send us children to add to our union and love. Amen!”

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Trixy, sa taon ding ito ng 2023, hindi magtatagal, isang lalaki na isinilang sa zodiac sign na Virgo ang darating upang may mapagsabihan ka na ng iyong mga problema at mabahagian ng mga kasiyahan at ligaya mo sa buhay.

  4. Gayunman, hindi siya ang iyong makakatuluyan dahil lilipas ang isang taon o sa edad mong 25 pataas, darating naman ang huli at ang lalaki na magiging ikalawang boyfriend mo. Siya ay isinilang sa zodiac sign na Taurus at siya na ang mapapangasawa at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 28, 2023




KATANUNGAN

  1. Naghiwalay na kami ng asawa ko for almost one year, but thanks to God, nagkabalikan kami nang dumating ako galing abroad at nangako siya na magbabago na at magpapakatino.

  2. Ang kaso, dahil sa kakabasa ko sa inyong mga artikulo, lalo na sa Palmistry, napansin kong dalawa ang Marriage Line ko na pareho namang mahaba at maganda. Naisip kong magtanong kung ano ba ang ibig sabihin kapag dalawa ang Marriage Line, nangangahulugan ba ito na dalawang beses akong makakapag-asawa?

  3. Sabagay, matino na ang mister ko ngayon at masikap siya sa buhay. Ang kaso, sa pag-aahente ko ng kung ano-anong produkto, may nakilala akong matanda at balong lalaki na nagkagusto sa akin. Mayaman at mabait siya, gayundin, ngayon ay parang nililigawan niya ako.

  4. Natatakot ako dahil baka tuluyang magkalapit kami ng loob at mangyari ang kinatatakutan ko dahil dalawa ang nakita kong Marriage Line sa aking mga palad na ayaw ko naman mangyari. Pero sabi n’yo, hindi maiiwasan ang kapalaran, kaya baka tunay ngang nakatakda na sa akin ang magkaroon ng dalawang asawa. Kung ganu’n, wala na rin akong magagawa. Tama ba ako na kapag ang kapalaran ay nakatakda, wala kang magagawa para upang baguhin ito?


KASAGUTAN

  1. Hindi ganu’n ‘yun! Sa halip, kapag ang kapalaran ay nakatakda, mayroon kang kakayahang baguhin ito, lalo na kung ito ay pangit o masama. Habang kung mabuti naman ang kapalaran, puwede mong ikondisyon ang iyong sarili at isipan na ang kapalaran ay talaga namang nakatakda at hindi na ito mababago pa kailanman. Syempre, ganu’n ang dapat na maging konsepto ng iyong isipan dahil ang kapalarang tinutukoy natin ay maganda.

  2. Pero ano ba talaga ang totoo? Kaya bang baguhin ng isang tao o hindi ang kanyang nakatakdang kapalaran? Ang eksaktong sagot, depende sa guhit at texture ng iyong palad. Kapag makapal ang palad mo, tumatalbog-talbog ito kapag sinalat at kausnti lang ang mga guhit, nangangahulugang kaya mong baguhin ang kapalaran mo. Pero kapag manipis na mabuto ang iyong mga palad at saksakan ng dami ng guhit, kahit si Superman ka pa, hindi mo makakayang baguhin ang kapalaran mo.

  3. Samantala, Ivy, mali ang iniisip mo na dalawang beses kang makakapag-asawa, sa halip, ang tama at eksaktong interpretasyon ay ganito: Hindi dalawang beses na pag-aasawa ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B., 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, lalo na kung titingnang mabuti, sobra ang pagkakalapit nito sa isa’t isa. Sa mas malinaw na paliwanag, halos masinsin o walang pagitan ang nasabing dalawang Marriage Line (arrow a. at b.) at halos magkapareho pa ng haba at kapal. Ang ibig sabihin ng nasabing mga guhit, iisang lalaki lang ang mapapangasawa mo, pero paglalayuin kayo ng tadhana.

  4. Gayunman, pagkatapos ng ilang kumpol na panahon, muli kayong magkakabalikan at mabubuo ang masaya at panghabambuhay na pamilya. Ganu’n ang nangyari! Nag-abroad ka at noong nasa abroad ka ay nambabae si mister, hanggang nang umuwi ka na ng Pilipinas ay humingi siya ng tawad, muli kayong nagkabalikan, hindi ka na nangibang-bansa at ngayon ay buo at masaya na muli ang inyong pamilya.

  5. Ang ganyang guhit ay wala ring iniwan sa dalawang magkasintahang naghiwalay nang mahabang panahon. Ngunit matapos ang mahabang panahong paglalayo, kahit malawak ang puwang sa kaibuturan ng kanilang mga puso, buo pa rin ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang sa biglang dumating ang isang hindi inaasahang sitwasyon na muli silang pinagtagpo ng tadhana upang ang naunsyaming pag-ibig o true love ay siya nang maging “Love that last a lifetime.” Kaya nang muli silang nagkabalikan, naging masaya at panghabambuhay na ang kanilang pagmamahalan.

  6. Sa kaso n’yo namang mag-asawa, tulad ng naipaliwanag na, kahit dalawa ang Marriage Line (arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ang nasabing dalawang guhit ay walang iba kundi siya pa rin o ang lalaki na iyong pinakasalan at napangasawa. Naging dalawa lang ang nabanggit na guhit upang ilarawan ang pagkakawalay at muling pagkakatagpo na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Ivy, hindi nakatakda sa kapalaran mo ang muling pagkakahiwalay niyo ni mister, ngunit kung paiiralin mo ang iyong kahibangan at kung hindi mo iniiwasang makipagbolahan sa matandang balo na iyong kaibigan ngayon, tulad ng naipaliwanag na sa itaas, hindi ito nakatakda sa kapalaran. Bagkus, ginagawa mo lang ‘yan kung may makapal kang palad na masarap hawakan at tumatalbog-talbog habang sinasalat.

  2. Kapag ganu’n ang nangyari sakaling magkahiwalay kayong muli ni mister, masasabing ikaw na mismo ang pumili ng landas na ‘yun upang muling mawasak ang inyong pamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | February 26, 2023




KATANUNGAN


  1. Masipag naman akong maghanap ng trabaho, pero ang problema, hanggang ngayon ay wala pa rin akong regular na trabaho. Minsan na akong nakapagtrabaho, kaya lang, nahirapan ako, kaya umalis din ako ru’n at ngayon ay wala na ulit akong trabaho.

  2. Gusto kong malaman kung kailan kaya ako magkakaroon ng regular na trabaho? Nakatapos ako ng HRM at balak kong kumuha ng ibang kurso na puwede sa abroad.

  3. Kung kukuha ako ng bagong kurso, kakayanin ko ba ito at kung sakaling makatapos ako, makapag-aabroad ba ako?

KASAGUTAN


  1. Tama ang binabalak mo na mag-abroad, subalit hindi ka na dapat pang kumuha ng ibang kurso, sa halip na pagbutihin mo ang kasalukuyan mong propesyon na may kaugnayan sa Hotel and Restaurant Management at palawigin mo pa ito sa maraming larangan, makikita mo na sa mga bagay na may kaugnayan sa pagkain at pagseserbisyo, mas madali kang uunlad at aasenso.

  2. Ang pag-aanalisang sa mga sining na may kaugnayan sa pagluluto, pagma-manage ng karinderya, restoran, pagseserbisyo sa mga tao at iba pang gawaing may kaugnayan dito, tiyak na aasenso ka. Ito ay madali namang kinumpirma ng matambok at makapal na Bundok ng Sining na siya ring tinatawag na Mount of Sun (Drawing A. at B. arrow a.), na sinuportahan ng makapal at matambok ding Bundok ng Enerhiya na siya ring tinatawag na Mount of Venus (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na dagdag na sipag at inobasyon lang ang kailangan sa iyong kurso at darating din ang panahon na makakasumpong ka ng mas okey at regular na trabaho sa isang hotel o malaking food company sa ating bansa.

  4. Sa puntong ito ng iyong buhay, magkakaroon ka ng tunay na karanasan na may kaugnayan sa iyong kurso at pagkalipas ng mga dalawa hanggang tatlong taon, kusang magaganap ang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagpapahiwatig ng mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Ayon sa iyong mga datos, Monique, ituloy mo lang ang pagsisikap na mag-apply nang mag-apply upang makahanap ng regular na trabaho. Sapagkat tiyak na ang magaganap sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, kung saan ngayong 2023 at sa buwan ng Setyembre o Oktubre, makakatagpo ka ng regular at magandang trabaho.

  2. Pagsapit naman ng taong 2027 at sa edad mong 31 pataas, sa pamamagitan ng kurso na iyong natapos, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page