top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 10, 2023




KATANUNGAN


  1. Ako ay pangkaraniwang empleyado. Ang problema, matagal na ako sa pinaglilingkuran kong kumpanya, pero hanggang ngayon hindi tumataas ang aking suweldo at wala ring mga benepisyo rito, kaya balak ko nang mag-resign. Kaya lang, kung magre-resign ako ay tuluyan na akong mawawalan ng trabaho at hindi na makakita pa ng iba na katulad ng trabaho ko ngayon na related naman sa course ko.

  2. Kung hindi ako aalis dito, kaawa-awa naman ako dahil napakakuripot ng may-ari ng kumpanyang ito. Feeling ko nga, kinakawawa kaming maliliit na empleyado dahil ‘yung mga demand namin ay hindi naman ibinibigay o napagbibigyan.

  3. Maestro, ano ba ang dapat kong gawin? Sana, mapayuhan n’yo ako para sa ikagaganda ng aking career at para sa ikauunlad ng buhay ko.

KASAGUTAN

  1. Huwag ka nang mamroblema, Jayson, sapagkat sinasabing makakahanap ka pa ng magandang trabaho sa sandaling nag-resign ka sa kasalukuyan mong trabaho. Ito ang nais sabihin ng hindi pumangit at hindi naputol na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na tinatawag din nating Career Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na dahil may mabuti kang kalooban at palaging malinis ang inyong konsensya sa bawat gawain o trabaho na iyong ginagawa, gayundin, masipag at dedicated ka sa trabaho, gagantimpalaan ka rin ng langit ng mabuti, asensado at maganda ring trabaho. Ito naman ang maghahatid sa iyo sa tuloy-tuloy na pagsigla at pag-unlad ng iyong career. Kasabay nito, magkakaroon ka rin ng bagong trabaho na mas malaki ang suweldo at mas mabilis ang pag-asenso (arrow b.) kung ikukumpara sa kasalukuyan mong kumpanya.

  3. Ang pag-aanalisa na sa sandaling umalis ka sa kasalukuyan mong trabaho ay lalong gaganda ang career mo at madali namang kinumpirma at pinatunayan ng okey at maganda mong lagda, na tuloy-tuloy na gumuhit nang straight line at nagtapos sa pataas na stroke.

  4. Ibig sabihin, habang nakaka-edad ka, walang problema dahil kahit umalis ka sa kasalukuyan mong kumpanya at lumipat ng ibang trabaho, tulad ng naipaliwanag na, tuluy-tuloy kang aasenso. At sa larangan ng career at habang lumalaon sa pagtatrabaho, patuloy ka ring uunlad at magiging maligaya.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Jayson, kung nararamdaman mong argabyado ka sa kasalukuyan mong trabaho, gayung napapansin mong payaman nang payaman ang kumpanya, habang kayong manggagawa ay patuloy na naghihirap dahil sa mababang suweldo, tama ang iniisip mo na mag-resign at lumipat ng ibang kumpanya. Pero hindi pa ngayon, sa halip, gawin mo ang pagre-resign sa buwan ng Mayo 2023 nang sa gayun, paboran ka ng kapalaran, kung saan sa nasabing panahon, tiyak na sa lilipatan mong kumpanya ay susuwertehin ka.

  2. Dagdag pa rito, ayon sa iyong mga datos, kapag umalis ka sa kasalukyan mong kumpanya, sa huling linggo ng Mayo 2023, muli kang magkakaroon ng bago, mas maganda at malaking suweldo na trabaho, na may kaugnayan din sa natapos mong kurso sa isang international company.a.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 8, 2023




KATANUNGAN


  1. Bakit isang beses lang ako nagka-girlfriend at pagkatapos nu’n ay hindi na ulit ito nasundan hanggang sa umabot ako ng edad 38? Sa palagay mo, Maestro, sa edad kong ito ay magkaka-girlfriend pa ba ako kahit ako ay mahiyain sa babae?

  2. Mahirap kasi ang kalagayan ko ngayon, ‘yung mga babaeng ka-level ko ay may mga asawa at pamilya na, kaya na-oobliga akong manligaw sa mas bata sa akin. Pero malayo ang interes at mundo namin sa isa’t isa, kaya parang hindi rin ako masaya kapag kasama ko sila.

  3. Sa ngayon, may nililigawan akong 23 years old, pero pinanghihinaan na naman ako ng loob. Medyo malaki kasi ang agwat ng edad namin at hindi ako maka-relate sa mga gimmick niya.

  4. Ano nakikita mo sa mga palad ko, Maestro? Sa edad kong ito, makakapag-asawa pa ba ako at magkakaroon ng masaya at simpleng pamilya na pangarap ko?


KASAGUTAN


  1. Teroy, ‘wag ka nang malungkot o mamroblema dahil nakakatuwang makita na may kaisa-isang bagama’t napadulo, gumuhit pa rin nang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ito ay malinaw na tanda na sa matagal mong paghihintay, darating din ang panahong may isang babae na halos ka-edad at ka-level mo sa lipunan na iyong ginagalawan at lugar na iyong kinabibilangan ang tuluyang lulutang.

  3. Sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, ang iyong paghahanap ay mapupunan ng babaeng naghahanap din ng makakasama sa buhay. At tulad ng nasabi na, sa panahong inilaan ng kapalaran, siguradong pagtatagpuin ang inyong landas upang bumuo ng wagas, matimyas at panghabambuhay na pagmamahalan.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Samantala, ayon sa iyong mga datos, hindi ang kasalukuyan mong nililigawan na mas bata sa iyo ang iyong mapapangasawa o makakasama habambuhay. Mas mainam pang itigil mo ang panliligaw sa kanya upang hindi masayang ang iyong effort, time at resources.

  2. Sa halip, ayon sa iyong mga datos, sa mid-year ng taong ito at sa edad mong 38 pataas bago mag-40, isang babaeng nasa late 30s ang darating na nagtataglay ng zodiac sign na Scorpio. Ang babaeng ito na medyo chubby o mataba ang pangangatawan ang siya na nang nakatakda mong mapangasawa at makasama sa pagbuo ng simple pero maligaya at panghabambuhay na pamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 4, 2023




KATANUNGAN


  1. Ako ay nag-a-apply bilang domestic helper sa Israel. Nakaalis na lahat ang mga kasamahan at kasabayan kong nag-apply, at ako na lang naiwan. Naisipan kong magtanong sa inyo kung may pag-asa pa ba akong makaalis?

  2. Ngayong 2023, susuwertehin na ba ako na makapangibang-bansa?

KASAGUTAN


  1. Bagama’t may nakitang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa iyong mga palad, may nakita ring guhit ng hadlang (Drawing d-d arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tulad ng dati at madalas nating sabihin, kapag may Travel Line (t-t arrow a.), tiyak na makapangingibang-bansa ang nasabing indibidwal. Ang problema lamang, kapag ang nasabing Travel Line ay may Guhit ng Hadlang (d-d arrow b.) o ang larawan din ng mga pagsubok na maaaring makahadlang bago tuluyang makapag-aboad ang nasabing indibidwal.

  2. Minsan naman, ang Guhit ng Hadlang na ito ay indikasyon din ng hindi masyadong produktibong pag-a-abroad sa simula, pero kapag nagtagal-tagal na, dahil malalagpasan din naman ng Travel Line (t-t arrow a.) ang guhit ng hadlang na bumalagbag sa tinatahak na landas ng Travel Line —pagkatapos ng mga pagsubok at paghihirap sa pag-a-apply sa ibang bansa o pagkatapos ng mga tiisin at paghihirap sa hindi masyadong produktibong pag-aabroad — sa susunod na pag-alis o pangingibang-bansa, unti-unti nang gaganda ang iyong karanasan at aangat ang kabuhayan mo na madali namang kinumpirma ng signature mong hindi maayos sa simula, pero sa gitna hanggang dulo ay unti-unti na ring gumanda ng suwabeng-suwabe.

  3. Tanda na tulad ng istorya ng iyong lagda ang mangyayari sa aktuwal mong buhay. Kumbaga, mahirap sa simula, pero pagtuntong mo ng 30 pataas, paganda nang paganda ang iyong mga karanasan at kapalaran, hindi lang sa ibayong-dagat kundi sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

DAPAT GAWIN


Ayon sa iyong mga datos, kung hindi ka natuloy sa pag-a-abroad noong nakaraang taon, tiyak ang magaganap ngayong 2023, sa buwan ng Hulyo o Agosto, pinakamatagal na sa Setyembre at sa edad mong 32 pataas. Sa naturang panahon, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page