top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 01, 2023




KATANUNGAN


  1. Dati akong OFW, at isang beses nakasampa rin ako ng barko. Ang problema ko ay mag-iisang taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin ulit ako nakakasampa sa barko. Hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako kino-contact ng agency, at sa tuwing pumupunta ako sa opisina ay parang pinapaasa lang nila ko sa wala.

  2. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang malaman kung ngayong taon ay makakasampa pa ba akong muli? Sa ngayon kasi, wala na kaming ipon at nabubuhay na lang kami sa utang at sa kaunting suweldo ng misis ko bilang tindera at kasambahay.

  3. Sana ay maanalisa n‘yo ang guhit ng aking mga palad, kung may maganda pa bang kapalaran na darating sa akin?

KASAGUTAN



  1. Wala namang problema dahil may namataang malinaw at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. ‘Yun nga lang, may bahagyang lumutang na Guhit ng Hadlang (d-d arrow b.) sa nasabing malawak na Travel Line.

  2. Ibig sabihin, may problemang darating sa iyong binabalak na muling pagsampa, pero ‘di naman ito magtatagal, kaunting tiis lang at malalagpasan mo rin ito. At tulad ng nasabi na, ang magandang balita sa kasalukuyan, tunay ngang tapos na ang guhit ng hadlang sa iyong palad, sa halip, tulad ng iyong inaasahan, ngayong 2023, tuluyan nang mananaig ang malawak sa Travel Line (t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Hindi matatapos ang buwan ng Mayo o Hunyo, ipatatawag ka na ng agency na iyong pinag-apply-an upang muling makabalik sa laot ng dagat at muling maging ganap at mahusay na mandaragat.



MGA DAPAT GAWIN


  1. Ayon sa iyong mga datos, Darius, tuluyan nang napawi ang panahon ng tagmalas sa iyong buhay, at pagpasok ng buwan ng Mayo, magbabago na ang iyong kapalaran.

  2. Sa nasabing panahon at sa edad mong 32 pataas, itatala ang ikalawang mas mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa iyong kapalaran.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 30, 2023




KATANUNGAN


  1. May problema ako tungkol sa mga nababasa ko sa inyo hinggil sa Palmistry. Gusto ko itong linawin, kaya naisipan kong kumonsulta sa inyo. Ito ay tungkol sa aking Marriage Line, napansin ko kasi na dalawa pala ang Marriage Line ko, pero may asawa na ako. Ibig sabihin ba nito, dalawang beses akong makakapag-asawa o dalawa ang mapapangasawa ko?

  2. Sa ngayon, wala naman kaming problemang mag-asawa o maayos naman ang relasyon namin kahit minsan ay kinukulang din sa pera. Gayunman, madali naman namin itong nasosolusyunan. November 2, 1989 ang birthday ko at July 16, 1988 ang mister ko.

KASAGUTAN


  1. Hindi kayo maghihiwalay ng mister mo, Jasmine. Ito ang nais sabihin sa guhit ng palad mo kahit sabihin pang dalawa ang iyong Marriage Line (Drawing 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa iyong kaliwa at kanang palad.

  2. Sa katotohanan at sa masusing pag-aanalisa, dalawa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ngunit ang mga ito ay iisa lang. Ibig sabihin, ito ay nagpapakita na bagama’t maghihiwalay kayo ng mister mo, magkakabalikan din kayo.

  3. Gayundin, kung pangalawang long engagement, quality relationship o meaningful love affair mo si mister, dahil may nauna ka pang naging boyfriend bago mo siya napangasawa, tunay ngang hindi na kayo maghihiwalay. Dahil ang unang Marriage Line (1-M arrow a.) na nasa kaliwa at kanan mong palad ay nangyari o tapos na.

  4. Kaya nang dumating sa buhay mo ang iyong asawa, siya ang naging ikalawang meaningful relationship mo, kaya masasabing siya na ang tinutukoy ng ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) na mas mahaba at makapal sa una, na siya nang lalaki na nakatakda mong makasama habambuhay. Ibig sabhin, tulad ng nasabi na, ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M aarow b.) sa kaliwa at kanang palad ay tanda ng wagas, pinagpala at maraming biyaya na pag-aasawa, na hahantong sa panghabambuhay at maligayang pagpapamilya.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Jasmine, sadyang compatible kayo ng mister mo sa Astro-Numerology na pag-aanalisa, hinggil sa birthday ninyong November 2, 1989 at July 16, 1998.

  2. Ibig sabihin, tiyak ang magaganap, tulad ng paulit-ulit na nabanggit, siya na ang lalaking nakatakda mong makasama sa maunlad at maligayang pagpapamilya habambuhay.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | March 27, 2023




KATANUNGAN


  1. Third year na ako sa kursong Nursing. Ang problema ay nawalan ng trabaho ang tatay ko at ngayon ay hirap na hirap kami sa pera, kaya gusto kong huminto sa pag-aaral.

  2. Naguguluhan tuloy ako sa aking future kung hindi na ako makakapag-aral. Kaya ngayon, parang nawawalan ako ng pag-asa na makapagtapos, at iniisip ko na magtrabaho na lang.

  3. Maestro, nakatakda na ba sa aking kapalaran ang hindi makatapos ng college? Ako na lang ang pag-asa ng aming pamilya, at dahil ako ang panganay, sinisikap talaga ng mga magulang ko na pagtapusin ako, pero lalo kaming nababaon sa utang habang pinipilit nila akong makatapos ng pag-aaral.

KASAGUTAN


  1. Masyado kang pinanghihinaan ng loob at nawawalan ng tiwala sa sarili. Huwag kang ganu’n, sa halip, maging positibo ka at magtiwala sa iyong kakayahan dahlil kayang-kaya mo ‘yan!

  2. Bagama’t huminto ang Fate Line o Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa tulong ng isa pang guhit na galing sa Bundok ng Lipunan (K-K arrow b.), muling nagpatuloy (arrow c.) at nakarating sa kanyang tiyak na destinasyon ang Fate Line (arrow c.) sa Bundok ng Tagumpay (arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na basta patuloy kang nagsikap, halimbawa ay mag-isip ka ng pagkakakitaan habang huminto ka sa pag-aaral, at ilista mo ang mga taong puwedeng makatulong, at sa hindi inaasahang pagkakataon, may tutulong sa iyo. ‘Yan din ang ibig sabihin ng zodiac sign mong Taurus, basta ginusto mo ang isang bagay, tiyak na makakamit ang layunin o isang bagay na talagang ginusto mo dahil may kapangyarihan ang iyong will power na nasa sa guhit ng palad ang pagtulong o may tutulong sa iyo (K-K arrow b. at arrow c. at d.).


MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Jessamay, bagama’t sa susunod na pasukan ay maaaring tuluyan ka ng tumigil sa pag-aaral, pansamantala lamang ito.

  2. Sapagkat sa susunod na taong 2024 at sa edad mong 22 pataas, sa tulong ng kamag-anak, dahil nakita nilang nagsisikap ka talaga na makapagtapos ng pag-aaral, muli kang makakapag-enroll upang tuluy-tuloy nang makatapos ng kolehiyo hanggang sa tuluyan na ring makapasa sa board exam (Drawing A. at B. E-E arrow e.) at sa bandang huli, ikaw ay magiging matagumpay na nurse sa ibayong-dagat (Drawing A. at B. t-t arrow f.).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page