top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 18, 2023





KATANUNGAN


  1. Dahil sa kakasubaybay ko sa inyo, Maestro, medyo marunong na ako sa Palmistry, pero may ilang bagay na gumugulo sa isipan ko o hindi ko pa masyadong alam tulad ng biglang huminto na Fate Line sa kalagitnaang bahagi ng palad.

  2. Huminto kasi ang Fate Line ko pagkatapos nitong lumagpas sa aking Head Line. Ano ang ibig sabihin ng ganitong Fate Line, titigil ba ako sa trabaho ko ngayon?

KASAGUTAN

  1. Sa sandaling huminto ang Fate Line (Drawing A. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanang palad matapos nitong lumagpas sa Head Line (H-H arrow b.), ito ay babala na maaaring sa rurok ng iyong magandang career o nagniningning na propesyon, bigla kang mawawalan ng trabaho o hanapbuhay. At kapag hindi na ito nagpatuloy, (arrow c.), ibig sabihin, habang ikaw ay tumatanda, wala ka na ring magiging regular o permanenteng hanapbuhay.

  2. Ngunit kung ang nasabing Fate Line (Drawing B. F-F arrow a.), matapos huminto (arrow b.) ay nagpatuloy sa tinatahak niyang direksyon (arrow c.), at nakarating sa ilalim ng hinlalato o panggitnang daliri, ito rin ang Mount of Saturn (arrow d.) tiyak na kahit mawalan ka ng trabaho, sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, muli kang magkakaroon ng hanapbuhay o ibang source of income.

  3. Sa kaso mo, Randy, ayon sa kaliwa at kanan mong palad, hindi na nagpatuloy ang nasabing Fate Line (Drawing A. F-F arrow c.). Ito ay malinaw na tanda na sa sandaling nawalan ka ng trabaho, hindi ka na muling magkakaroon ng regular na hanapbuhay o regular na pagkakakitaan. Sa halip, posibleng ang maging trabaho mo ay puro sideline o pa-extra-extra sa kung saan-saan.

  4. Gayundin, dahil wala kang trabaho at walang magawa sa araw-araw, ang mangyayari ay pasunud-sunod ka na lang sa mga kaibigan mong may kaya sa buhay o pinagkakaabalahan o pinagkakakitaan. Sa ganitong paraan, pag-uwi ng bahay, kahit papaano ay may maiabot o maintrega ka kay misis.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Kung ganyan ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) ng isang indibidwal, kumbaga matapos gumanda ang guhit ay huminto (arrow b.) at hindi na nagpatuloy, wala siyang dapat gawin kundi ang mag-ipon nang mag-ipon para sa kanyang future habang maganda at masagana pa ang kanyang trabaho. Sapagkat tiyak na darating ang panahon na ang masagana at maunlad na hanapbuhay ngayon ay dagli ring mawawala at maglalaho sa kinabukasan.

  2. Randy, habang malakas pa ang iyong hanapbuhay o maganda pa ang iyong income, tulad ng nabanggit, mag-ipon ka nang mag-ipon para sa kinabukasan mo, gayundin ang iyong mga anak at pamilya. Sa ganyang paraan, kahit mawalan ka ng regular na hanapbuhay sa susunod pang mga panahon ng iyong karanasan, puwede ka nang magpa-tambay-tambay dahil may naipon ka at naitabi para sa iyong future. Gayundin, kahit tutunga-tunganga ka na lang sa bahay, hindi ka magugutom ang iyong pamilya, dahil tulad ng nasabi na, ngayon pa lang ay matagal mo nang napaghandaan ang iyong future.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 15, 2023




KATANUNGAN


  1. Matagal ko nang pangarap na makabili ng laptop dahil kailangan ko ito sa school. Third year college na ako sa kursong Engineering at mahirap lang kami. May pag-asa pa bang matupad ang pangarap kong ito upang hindi na ako mag-rent at makigamit sa aking mga kaklase?

  2. Gayundin, nais kong malaman kung nakaguhit ba sa aking mga palad ang makatapos ng pag-aaral kahit may problemang pampinansyal ang aming pamilya? Kung sakaling makakatapos ako, ano sa palagay n’yo ang mangyayari sa career ko, makakapasa ba ako sa board exam at magiging successful na engineer?

KASAGUTAN


  1. Tunay ngang makakatapos ka ng pag-aaral, pero bago mangyari ‘yun, hihinto ka muna. Ito ang nais sabihin ng huminto (F-F arrow a.), pero may sumapong bagong Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.), na tinatawag din nating Career Line (arrow b.), sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na kapag huminto ka sa pag-aaral, siguradong pansamantala lang ‘yun dahil ilang buwan lang ang lilipas, may matatagpuan kang angkop na trabaho at habang nagtatrabaho at may sariling kayod, muli kang makakapag-aral kahit kaunting units lang kunin mo kada sem.

  3. Sa ganu’ng sistema o ‘pag working student ka na, ‘ika nga ay pakonti-konting units lang ang loads, kahit medyo matagal, tulad ng nakatakda sa kaliwa at kanan mong palad, hahanga pa ang iyong pamilya at mga kakilala dahil magagawa mong makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng sarili mong kayod at pagsisikap.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Rodel, nakatakda na ang magaganap, obligado kang huminto sa pag-aaral, ngunit pansamantala lang ‘yun. Matapos mong tumigil ay makakapagtrabaho ka at kasabay nito, magagawa mong mag-aral, at pagkalipas ng ilan pang mga taon pa at sa edad mong 28 pataas, sa sarili mong kayod at pagsisikap, maluwalhati kang makakatapos ng pag-aaral, hanggang sa makapasa sa engineer board exam (Drawing A. at B. F-F arrow c.).

  2. Sa panahong ‘yun, mare-regular ka na sa trabaho at lalo pang gaganda ang iyong income, hanggang sa makabili ka ng laptop na pangarap mo, gayundin, maganda at latest model na sasakyan, cellphone, gadgets at iba pang luho sa buhay na matagal mo nang pangarap na magkaroon. Sa bandang huli, makakapagpundar ka na rin ng sarili bahay at lupa, na nakatakdang mangyari sa taong 2039 at sa edad mong 38 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 14, 2023




KATANUNGAN


  1. Tawagin n’yo na lang akong Edielyn, 28 years old na ako sa May 7, at nakakahiya mang sabihin, pero kahit minsan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung kailan ako magkaka-boyfriend o may pag-asa pa ba akong magka-boyfriend kahit ngayon ay wala namang seryosong nanliligaw sa akin?

  2. Kung sakaling magka-boyfriend ako, kailan siya darating, ano ang mga senyales o zodiac sign niya at saan ko siya makikilala? Gayundin, kailan ako makakapag-asawa at magkakaroon ng simple pero masayang pamilya?

KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansin ang malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow 1.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, walang duda na ikaw ay magkaka-boyfriend. Ayon sa zodiac sign mong Taurus, posibleng maganap ngayong 2023 ang naturang pakikipagrelasyon, na handog ng lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Virgo o Scorpio.

  2. Bukod sa Virgo o Scorpio, maaaring ang birthdate ng magiging boyfriend mo ay 2, 11, 20, 29, kung saan siya ay nagtataglay ng kayumangging kulay ng balat at medyo mas matangkad sa iyo. Kapag may ganyang hitsura ng lalaking dumating sa buhay mo ngayong 2023, tiyak na siya ang magiging first and last na boyfriend mo hanggang sa tuluyan mo rin siyang mapapangasawa.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Sa tanong kung saan mo siya makikilala, ayon sa iyong mga datos, kasalukuyan mo na siyang kilala at malimit makita, kung saan siya ay isa sa mga kasamahan mo sa trabaho o kung saan ka man naghahanapbuhay o pumuputa upang kumita ng pera – nandu’n o medyo kakuwentuhan o ka-vibes mo na ang nasabing lalaki.

  2. At tulad ng nasabi na, Edielyn, magaganap ang pormal n’yong pagliligawan na mauuwi agad sa matimyas at maligayang pagmamahalan ngayong 2023, sa buwan ng Setyembre o Oktubre at sa edad mong 28 pataas.

  3. Samantala, sa mga petsang 9, 18, 27, 1, 10, 19 o 28 sa nasabing mga buwan mo siya sasagutin, upang ang una at huling boyfriend mong ito ang siya na ring mapangasawa mo at makasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakda namang maganap sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Mayo at sa edad mong 29 pataas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page