top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | September 15, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako at siya ang first love ko. Kaya lang, nagkaroon kami ng tampuhan ngayon. Nanghihinayang ako kasi magtu-two years na kami sa October 13, kaso nagkaproblema pa kami.

  2. Okey naman siya at ramdam ko naman na mahal niya ako. Nagte-text siya sa akin at humihingi ng sorry, pero hindi ko pa siya pinapatawad, gusto ko kasi siyang dalain sa isang bagay na matagal ko nang pinapatigil sa kanya, pero palagi pa rin niyang ginagawa.

  3.  May bisyo siya at palagi niyang sinasabi na magbabago na siya, pero hindi niya maiwasan ang kanyang bisyo. Gayunman, dahil mahal ko siya, balak ko na sanang makipagbati sa kanya. Kaya lang, gusto ko munang makita sa gawa niya na nagbago na siya.

  4.  Maestro, siya na ba ang makakatuluyan ko? Kung sakaling magkaayos kami, magiging maligaya, maunlad at panghabambuhay na ba ang papasukin naming pag-aasawa?


KASAGUTAN

  1. Habang patuloy na nagbibisyo ang iyong boyfriend, posibleng tuluyan na kayong hindi magkabati. Ito ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M, 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Pansining medyo maikli at malabo ang una (1-M arrow a.) kung saan, kaya naging maikli at medyo malabo ang unang Marriage Line, (arrow a.), dahil tulad ng nasabi na, siya ang larawan ng unang boyfriend mo sa kasalukuyan, na bagama’t nakabuo rin kayo ng meaningful at quality relationship, tuluyan din kayong magkakahiwalay.

  3. Pagkatapos ng isang taon pa, ang ikalawang boyfriend mo naman ang darating na inilalarawan ng ikalawang mas malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabing ang ikalawang pakikipagrelasyon na nabanggit na hindi mo pa kakilala ngayon ang siya mo nang makakatuluyan at makakasama habambuhay.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Ella, posibleng hindi na rin kayo magkabati pa ng kasalukuyan mong boyfriend at kahit magkabati kayong muli, dahil sa kanyang bisyo, mauuwi pa rin sa hiwalayan ang inyong relasyon.

  2. Ang mas nakatakdang mangyari ay ganito, ayon sa iyong Love Calendar, sa susunod na taong 2025, kusang darating at tuluyan mo nang makikilala ang ikalawang lalaking magiging ikalawang boyfriend mo na nagtataglay ng zodiac sign na Aries. Sa bagong yugto ng iyong pakikipagrelasyon, ito ay nakatakda na ngang humantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | September 13, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Paano ba malalaman kung mayaman ang mapapangasawa ng isang tao? Naitanong ko ‘yun, dahil may manliligaw kasi ako ngayon na isang Chinese na mayaman.

  2. Maestro, gusto sanang malaman kung siya na kaya ang mapapangasawa ko kahit na ramdam ko na hindi naman siya masyadong seryoso?

 

KASAGUTAN

  1. Unang-una, kapag ang birth date ng isang babae ay 5, 14, at 23, lalo na kung ito ay August 23 o October 14, sila ang tipikal o pangkaraniwan na nakakapag-asawa ng mayaman. Mas makukumpirma pa ito kung maganda o tuwid ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na sinabayan din ng tuwid at magandang Guhit ng Lalaki o Influence Line na tinatawag din nating Guhit ng Magaling o Guhit ng Mayamang Lalaki  (Drawing A. at B. K-K arrow b.) lalo na kung nagkataon pang tuwid ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow c.) sa kaliwa at kanang palad ng nasabing babae.

  2. Kapag may ganyan ang isang tao, tiyak na siya ay makakapag-asawa ng mayaman. Tulad ng nakikita ko sa palad mo, ikaw ay nagtataglay ng tuwid na Fate Line (arrow a.), na sinabayan pa ng Guhit ng Lalaki (arrow b.) at tuluyang naging isang guhit na lang ang Fate Line at Guhit ng Lalaki (arrow c.) na dumiretso pa sa Bundok ng Tagumpay o Bundok ng Saturno (arrow d.), sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tulad ng nasabi na, ito ay malinaw na tanda na kahit na hindi masyadong seryoso ang sinasabi mong manliligaw, at kahit na hindi ka niya ligawan ng seryoso o magbago ang isip niya, sa isang ganito ring sitwasyon sa ibang pagkakataon, tunay ngang kagaya ng ibang mga babae na madalas magreklamong bakit daw sila lapitin ng mga lalaking may asawa na. Sa parte mo naman, kagaya ng naipaliwanag na, magiging lapitin ka naman ng mga lalaking mayaman hanggang sa isang pagkakataon, sa hindi mo sinasadya at halos hindi mo na rin inaasahan, isang lalaking mayaman ang magiging boyfriend mo at  tuluyan mo na ring mapapangasawa at makakasama habambuhay.


DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Karen, seryosohin ka man o hindi ng kasalukuyan mong manliligaw, wala kang dapat panghinayangan, lalo na kung sakaling mawala siya sa iyo. Sapagkat tulad ng naipaliwanag na, kahit sinong lalaki, kahit seryoso o hindi seryoso, tiyak ang magaganap -  matutupad ang nakatakda at ito ay mangyayari at tuluyang magaganap sa taong 2027, sa edad mong 28 pataas, makakapag-asawa ka na ng mayamang lalaki, at siya rin ang magiging dahilan ng iyong pagyaman (Drawing A. at B. H-H arrow e.). 



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | September 11, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Nakapag-asawa na ako dati, pero nauwi lang din sa hiwalayan ang relasyon namin. Pansin kong nag-iisa lang ang Marriage Line sa aking palad. Kaya naman gusto ko sanang itanong kung hindi na ba muli ako makakapag-asawa?

  2. Kung sakaling hindi na ako makakapag-asawa, kakayanin ko kayang pag-aralin at bigyan ng magandang kinabukasan ang aking dalawang anak?

  3. Sa ngayon, umaasa lang ako sa tulong ng mga kapatid at magulang ko. Maestro, may pag-asa pa kayang gumanda ang aking future? Minsan kasi nawawalan na rin ako ng pag-asa.

 

KASAGUTAN

  1. Huwag kang mawalan ng pag-asa, Lara, dahil mali ang tingin mo sa guhit ng iyong palad, iisa nga ang Marriage Line (Drawing A. 1-M arrow a.) sa kaliwa mong palad. Subalit, kung titingnan mabuti ang iyong kanang palad, makikita na dalawa ang Marriage Line mo rito (Drawing B. 1-M, 2-M arrow a. at b.).

  2. Ibig sabihin, kapag magkaiba ang guhit ng palad sa kaliwa at kanang palad, ito ay tanda na puwede mo pang gawin  ang mga gusto mong gawin imbes na umasa ka sa kapalaran.

  3. Sa mas malinaw na paliwanag, kung maghihintay ka lang na may dumating na lalaki sa buhay mo para makapag-asawa kang muli, pero hindi ka naman lumalabas ng bahay, nakikisalamuha sa lipunan,  hindi ka naman naghahanap ng trabaho, at hindi ka naman gumagawa ng paraan upang magkaroon ka muli ng mga kaibigang lalaki, tunay ngang walang darating, dahil wala namang ikalawang guhit ng Marriage Line (Drawing A. 2-M arrow b.) sa kaliwa mong palad. Ibig sabihin, kailangan mong gamitin ang iyong will power, determinasyon at pagsisikap upang magkapagtrabaho at makapag-asawa kang muli. Sapagkat, kapag inasa mo na lang nang inasa sa kapalaran ang lahat ng pangyayari sa iyong buhay, tulad ng kasalukuyang nagaganap at patuloy na magaganap sa iyong buhay, magiging palaasa ka na lang sa iyong mga magulang at kapatid habambuhay, tiyak  na hindi ka na nga muling makakapag-asawa. Subalit kapag sinabi mo sa iyong sarili na, “Mag-aasawa kong muli at ito ang aking pasya!” Kusa namang mangyayari ang gusto mo na makakapag-asawa ka nga sa lalong madaling panahon!

 

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Lara, sa sandaling buo na ang iyong loob, at alam mo sa iyong sarili na gustung-gusto mo na talagang makapag-asawa, lumabas ka ng bahay, maghanap ng trabaho at makisalamuha sa lipunan, -  walang imposible, kahit pa na nilayasan ka ng una mong asawa, sa nasabing panahon ito ng iyong buhay, sa edad mong 33 pataas, muli kang makakapag-asawa, hatid ng isang lalaki na isinilang sa zodiac sign na Capricorn at habambuhay na kayong magiging masaya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page