top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 1, 2023




KATANUNGAN

  1. Gustung-gusto ko mag-abroad, pero ang daming hadlang. May tutulong naman sa akin, kaso nagdadalawang-isip ako at ‘di ko maintindihan kung bakit wala akong tiwala sa sarili ko.

  2. Sabi ng mga magulang ko, sayang ang pagkakataon dahil papadalhan naman ako ng aming kamag-anak na nasa abroad para maayos ko na ang mga requirements na kailangan at siya rin ang magpapapasok sa akin sa abroad.

  3. Kung sakaling matuloy ako sa abroad, magkakaroon ba ako ng magandang trabaho sa Dubai?


KASAGUTAN


  1. May lalaking natatakot manligaw, pero gusto rin naman siya ng babae, alam ko kung anong nangyari? Dahil inuna niyang matakot, tumandang binata siya! May isang babae naman d’yan na dating sexy at maganda, ngunit takot sumugal sa pag-ibig dahil takot maloko, alam mo kung ano’ng nangyari? Tumanda siyang dalaga nang ‘di man lang na-enjoy at naranasang magkaroon ng masayang pamilya. Mayroon ding estudyante na nais paaralin ng kanyang magulang at may kakayahan namang makapagtapos ng kolehiyo, pero dahil takot itong pumasok sa eskuwelahan, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral at umasa na lang sa kanyang magulang.

  2. Tunay ngang kapag pinangunahan tayo ng takot at sabayan pa ng kawalan ng tiwala sa sarili, Malabo nating maranasang lumigaya at magtagumpay sa ating buhay. Kaya ang pinakamabuti mong magagawa ngayon, Carol, harapin mo ang takot. Lakasan mo ang iyong loob, mag-apply ka pa rin at sumunod sa pinapagawa sa iyo ng kamag-anak mong nasa abroad. Tandaan kung ang paiiralin mo ay tapang at lakas ng loob, tiyak na magiging maligaya ka sa kasalukuyan at magtatagumpay.

  3. Sabi nga, “Ligtas ang bangka sa pampang, ngunit ginawa ang bangka upang pumalaot sa dagat!” Gayundin ang buhay at pagkatao – ginawa ang iyong personalidad upang makipagsapalaran dahil sa ibayong-dagat ka higit na magiging maligaya at uunlad.

  4. Kitang-kita at walang problema dahil ang malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing makakapag-abroad ka. Ibig sabihin, kung mag-a-apply ka na ngayon, walang duda na sa last quarter ng taong ito, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.

  5. Ang problema lamang, nagsama ng mahigit isang pulgada ang Life Line at Head Line (Drawing A. at B. L-L at H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabing likas ngang mahina ang iyong loob at kulang sa sigasig at tapang upang sumuong sa mga panganib ng buhay na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng birth date mong 2.

  6. At para tumapang, palagi kang sumama sa mga taong nagtataglay ng birth date na 8, 17, 26, 1, 10, 19 at 28 – sila ang unang klase ng mga nilalang na makakatulong at makakasama mo upang madali mong makamit ang tagumpay at kaligayahan sa buhay mo, kaya lagi kang sumama at sumunod sa mga pinapagawa nila. Sa ganyang paraan, ‘pag may sinusunod kang tao o may nag-uudyok sa iyo, mas madali kang mananaig, uunlad at mag tatagumpay.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Ang pag-aalinlangan sa puso mo ay hindi na mawawala dahil nasa sistema na ‘yan ng iyong pagkatao. Pero kung babaguhin mo ang iyong lagda at papagandahin ito, mababago ang iyong kapalaran, lalakas na ang loob mo.

  2. Paano mo naman babaguhin ang iyong lagda? ‘Wag mong ibalikwas sa direksyong kaliwa ang pinakapaa ng letrang “a”, na naging dahilan upang mababoy ang iyong lagda na parang binurara. Sa halip, ang pinakamagandang pagbabago ng pirma ay ‘wag mong ibalikwas sa direksyong kaliwa ang huling letra o pinakapaa ng letrang “a”, bagkus, pasibatin mo sa direksyong kanan, pataas ang hulig stroke ng letrang “a” o gawin mong straight line.

  3. Sa ganyang pagbago ng lagda, Carol, makikita at mararamdaman mo na kahit pinanghihinaan ka ng loob sa pag-a-apply sa abroad, kusang papabor sa iyo ang kapalaran, habang sa tuluy-tuloy kang susuwertehin. At sa pagsapit ng buwan ng Setyembre hanggang Oktubre sa taon ding ito at sa edad mong 32 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 29, 2023





KATANUNGAN


  1. May crush ako, pero ang problema, ‘di siya nanliligaw dahil may pagkamahiyain siya.

  2. Ano ang magandang paraan upang magkalapit ang loob namin? Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend, at kung ako lang ang masusunod, gusto ko na siya na ang maging first and last boyfriend ko.

  3. May pag-asa ba na siya ang maging first boyfriend ko kahit hindi naman siya nanliligaw?

KASAGUTAN


  1. Malapit nang maganap ang unang pakikipagrelasyon sa iyong kapalaran, sapagkat pansinin ang tumawid at malinaw na Guhit ng Pakikipagrelasyon (Drawing A. at B. r-r arrow a.) sa Life Line at Head Line (L-L arrow b.), sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na tulad ng nasabi na, sa malapit na hinaharap, isang lalaking medium built ang pangangatawan, tahimik at medyo mahiyain ang nakatakda mong maging first boyfriend at ang inyong relasyon ay nakatakda ring magtagal humigit-kumulang mga isang taon o higit pa.

  3. Ang pag-aanalisang magkaka-boyfriend ka sa taong kasalukuyan ay madali namang kinumpirma ng lagda mo kinakitaan ng korteng puso o hugis puso na nagpapahiwatig na ngayon ay lihim lang na gusto mong magka-boyfriend, at tuwing nakikita mo ang iyong crush, ang totoo nito ay kinikilig ka talaga sa sobrang tuwa at sa sobrang saya.

MGA GAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Kyle, tiyak ang magaganap sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan, sa taon ding ito ng 2023, matutupad ang iyong hiling sa Dakilang Maykapal–magkaka-boyfriend ka na.

  2. Ang magiging first boyfriend mo ay isinilang sa zodiac sign na Cancer at sa panahong malakas ang buhos ng ulan at unti-unting magbabaha sa kapaligiran, kasabay nito, mabubuo ang wagas at matimyas na pagmamahalan.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | April 27, 2023





KATANUNGAN


  1. Gusto kong malaman kung makakapag-abroad ba ang mister ko na nag-a-apply ngayon bilang seaman? Dati na siyang seaman, pero sa local shipping company siya naka-pasok. Ngayon lang niya naisipang mag-abroad at sumubok na mag-apply sa ibang bansa para raw mas malaki ang kita.

  2. Matutuloy ba ang mister ko at kung oo, kailan siya makakasampa sa barko na pang-international at magiging maganda ba ang kalagayan niya sa abroad?

KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansin ang malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng iyong mister. Ibig sabihin, ayon sa guhit ng kanyang palad, sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa kapalaran ng iyong mister.

  2. Ang pag-aanalisang makakapag-abroad ang iyong asawa bilang seaman ay madali namang kinumpirma ng kanyang lagda na tila alon ng dagat na pakurba-kurba at nagtapos sa paitaas na guhit.

  3. Ibig sabihin, sa kasalukuyan ay nasasagap na ng unconscious niyang isipan ang napipintong napakaganda at napakabunga na paglalakbay sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano at sasakyang pandagat. Sa bandang huli, ang nasabing pangingibang-bansa, bilang mandagarat ang magdadala sa buong pamilya sa mas masagana at maunlad na pamumuhay.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa mga datos ng mister mo, Jocelyn, tunay ngang hindi ka dapat mainip dahil tiyak ang magaganap— hindi matatapos ang taong ito ng 2023, sa buwan ng Setyembre o Oktubre at sa edad niyang 33 pataas, makakapag-abroad na ang mister mo bilang seaman.

  2. Tulad ng inaasahan at tulad ng nabanggit, ang nasabing pangingibang-bansa ang siya na ring magiging simula upang tuluy-tuloy nang umunlad at umasenso ang inyong kabuhayan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page