top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 7, 2023




KATANUNGAN


  1. Maestro, ang hirap pala kapag ang babae ay nagkakaedad, at bigla kang iiwanan ng boyfriend mo. Ganito kasi ang nangyari sa akin, dapat pala, noon pa ay nagpakasal na kami nang hindi na siya nakawala pa. Five years kaming mag-on ng BF ko, mabait siya pero masyadong seryoso sa buhay. Marami pa raw siyang priorities sa buhay, kaya napagdesisyunan naming na ‘wag munang magpakasal.

  2. Kaso, bigla siyang nag-abroad at doon siya nakatagpo ng babae na kagaya niyang hard working at mahilig magpayaman hanggang sa nagpakasal sila. Ang gara ng nangyari, ‘yun pala ang hinahanap ng boyfriend ko, ‘yung kagaya niya na mukhang pera at pagpapayaman ang iniisip. Isipin mo, limang taon kong ginugol sa kanya ang buhay at oras ko, tapos ganito ang mangyayari at igaganti niya sa akin.

  3. Sa ngayon, 36-anyos na ako sa June 16 at natatakot ako dahil baka hindi na ako makapag-asawa at kung mag-boyfriend akong muli, baka hindi naman kami ang magkakatuluyan.

  4. Ano ba ang nakaguhit sa aking mga palad at ano ang garantiya na hindi ako tatandang dalaga? Kung makakapag-asawa ako, kailan ito magaganap at sino ang mapalad na lalaking makakasama ko habambuhay?

KASAGUTAN

  1. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa, Sabrina, sapagkat tiyak na makakatagpo ka rin ng bagong karelasyon. Ito ang nais sabihin ng ikalawa, mas mahaba at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tulad ng kasabihan ng matatanda na, “Pagkahaba-haba man ng prosisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy,” sa kaso mo, ganito ang posibleng mangyari, “Pagkatagal-tagal man ng paghihintay, may darating pa rin sa tamang panahon na inilaan sa iyo ng kapalaran na magmamahal sa iyo nang habambuhay.”

  3. Ang zodiac sign mong Gemini sa birth date na 16 ay nagsasabi na medyo late o delay lang ang mangyayaring pag-asawa. Ngunit sa pagdating ng isang lalaking may birth date na 8, 17 o 26, sigurado na ang magaganap –iibig kang muli at makakapag-aasawa na hahantong sa simple at panghabambuhay na pagpapamilya.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, sa edad mong 36, isang taon na lang ang iyong hihintayin. Sa susunod na taong 2024, sa ganitong panahon din ng tag-araw, isang lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Aquarius ang darating.

  2. Tulad ng nasabi na, ang lalaking ito ang ikalawang magiging boyfriend at tuluyan mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 5, 2023




KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansing isa ang nakikitang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na anumang paghihinala ang nabubuo sa iyong isipan, sa bandang huli ay, hindi rin ‘yun magkakatoo.

  2. Sa halip, kahit paulit-ulit pang magpabalik-balik sa abroad si misis, dahil iisa lang ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, tulad ng nasabi na, mananatiling buo at maligaya ang inyong pamilya.

  3. Sa pag-aanalisa walang magiging problema sa inyong relasyon ay madali namang kinumpirma ng maganda at maayos ding Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa sandaling nakabalik na sa bansa ang iyong misis, magiging maayos na ang inyong pagsasama at habambuhay na magiging buo at maligaya ang inyong pamilya.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Allan, wala kang dapat gawin kundi itigil ang paghihinala ng hindi maganda sa misis mong nasa ibang bansa dahil sa kakaselos at kakaisip mo ng masama sa iyong misis, lalong magiging miserable ang buhay mo rito sa ating bansa, gayung maaaring wala namang talagang ginagawang kalokohan ang misis mo sa Dubai.

  2. Sa halip, ayon sa iyong mga datos, tulad ng nasabi na, anuman ang mangyari sa misis mo na nasa ibayong-dagat, tiyak na sa kanyang pagbabalik, habambuhay na muling mananatiling buong-buo at lalong mas magiging maligaya ang inyong pamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 2, 2023




KATANUNGAN


  1. Thirty eight years old na ako sa darating na May 25, pero hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend at parang nawawalan na rin ako ng pag-asa na makapag-asawa pa dahil wala rin naman akong manliligaw.

  2. Pero nabuhayan ako ng loob nang mabasa ko ang inyong artikulo tungkol sa Marriage Line. Nakita ko na may isa rin akong malinaw at mahabang Marriage Line sa aking palad na madalas ninyong tinatalakay.

  3. Ibig sabihin ba nito, Maestro, ay makakapag-asawa ako at kung sakaling makapag-asawa ako, kailan ito magaganap?

KASAGUTAN

  1. Tama at eksakto ang nakita mo Aubrey, kung saan, kapansin-pansin na may malinaw at mahabang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.), sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagpapahiwatig na kahit sabihin pang 38-anyos ka na sa May 25, tiyak na darating din ang tamang panahon na magkaka-boyfriend ka, makakapag-asawa at magkakaroon ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

  2. Ang pag-aanalisang makakapag-aasawa ka at ang pagdating ng lalaking mapapangasawa mo ay madaling kinumpirma at pinatunayan ng Guhit ng Lalaki (K-K arrow b.), na sumabay at dagling nakiisa at pumatong sa Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nagpapahiwatig na kung ikaw ay nagtatrabaho, may career, hanapbuhay o pinagkakakitaan, higit sa kasalukuyang kalagayan mo sa buhay ang lalaking manliligaw sa iyo at tuluyan mong magiging boyfriend.

  3. Ibig sabihin, mas mataas sa iyo ang antas ng pamumuhay ng magiging boyfriend mo at sa sandaling kayo ay nagkatuluyan, walang duda na sa panahong ikaw ay may asawa na, lalong uunlad at lalago ang iyong kabuhayan, dahil tulad ng nasabi na, posibleng mayaman ang iyong mapapangasawa.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Ang pag-aasawa ay suwertihan lang, gayundin ang pagkakaroon ng maunlad at masayang pamilya. Ganu’n ang nakatakdang mangyari sa iyong kapalaran, Aubrey, susuwertehin ka sa pag-aasawa, kahit 38-anyos ka na.

  2. May lalaki pa ring kakatok sa iyong puso na nakatakdang dumating sa taon ding ito, sa buwan ng Hunyo o Hulyo. Sa una niyong pagkikita, mabubuo na agad ang matamis na ugnayan na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya. Ito ay nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2024, sa buwan ng Disyembre at sa edad mong 39, magaganap ang inyong pag-iisang dibdib na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page