top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 17, 2023




KATANUNGAN

  1. Naghiwalay kami ng live-in partner ko dahil ‘di kami magkasundo at nalaman kong hindi pala kami compatible, kaya rin siguro ganito ang nangyari.

  2. May manliligaw ako, isa siyang Libra na isinilang noong October 6, 1988. Gayunman, hindi ko pa siya sinasagot dahil umaasa pa rin akong magkakabalikan kami ng dati kong partner. Natatakot din akong lokohin ni Mr. Libra dahil mas matanda siya sa akin ng pitong taon.

  3. Nais kong malaman kung magkakabalikan pa ba kami ng dati kong live-in partner na isinilang noong December 12, 1992? Sino kaya sa dalawang ito ang makakasama ko habambuhay? July 16, 1995 ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Maxinne, hindi kayo compatible ng dating live-in partner mo dahil ang zodiac sign mong Cancer ay hindi tugma sa zodiac sign niyang Sagittarius. Ang Cancer ay water type sign, habang ang Sagittarius naman ay fire type sign, ibig sabihin, ang pagsasama ng Cancer at Sagittarius ay sadyang ‘di tugma sa isa’t isa.

  2. Ayon sa pag-aanalisang Numerology, ang birth date mong 16 o 7 (1+6=7) at 12 o 3 (1+2=3) naman ang iyong dating live-in partner ay hindi rin compatible, ibig sabihin, malabo talaga na kayong magkabalikan.

  3. Madali namang kinumpirma ng biyak mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanang palad na magkabalikan man kayo, tiyak na pansamantala lang ito. Kumbaga, muli man kayo magsama, sa paghihiwalay pa rin ito hahantong.

  4. Buti na lang, may ikalawang mas malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B.2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa iyong ikalawang pag-aasawa, sa piling ng lalaking Scorpio, Pisces, Capricorn o kapwa mo Cancer na may birth date na 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 7, 16 at 25, tiyak ang magaganap – may masaya at panghabambuhay na pag-aasawa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Hinggil sa kasalukuyan mong manliligaw na may zodiac sign na Libra at birth date na 6, tulad ng dati mong live-in partner, hindi mo rin siya ka-compatible. Ang Libra ay air type sign, habang ang Cancer na zodiac sign mo ay nagtataglay ng elementong tubig o water. Ang air at water ay sadyang hindi rin compatible sa isa’t isa.

  2. Sa pag-aanalisang Numerology, hindi rin tugma sa birth date mong 16 o 7 (1+6=7) ang birth date na 6 ng manliligaw mo. Ibig sabihin, kung sakaling sasagutin mo siya, maaaring ‘di rin kayo magkaroon ng masaya at panghabambuhay na relasyon.

  3. Ibig sabihin, malinaw ang pag-aanalisa na ayon sa iyong mga datos, wala sa dalawang lalaking binabanggit ang iyong makakasama at bubuo ng panghabambuhay na pagpapamilya.

  4. Mataas ang tsansang hindi mo pa kakilala ang lalaking para sa iyo. Ngunit sa susunod na taong 2024 at sa edad mong 29 pataas, makikilala mo rin siya. Sa piling ng ikalawang lalaki na panghabambuhay mo nang makakasama sa taong 2024, ika’y magiging maligaya sa lalaking isinilang sa zodiac sign na Scorpio (Drawing A. at B. 2-M arrow b.).

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 14, 2023




KASAGUTAN


  1. “Maliit ang tsansa na ikaw ay umasenso sa sarili mong diskarte, maliban na lang kung mag-aasawa ka, at ang iyong mapapangasawa ang susundin mo sa lahat ng kanyang mga plano at kagustuhan sa buhay”. ‘Yan ang gustong sabihin ng sloping Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Kapag sloping o kumurbang pabilog” ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng isang tao, ito ay patunay na kung sariling isip, imahinasyon, pantasya, pangarap at diskarte ang kanyang susundin, tulad ng nangyayari sa kasalukuyan, marami pang kabiguan ang iyong mararanasan.

  3. Dahil dito, tulad ng iminungkahi na sa itaas, kung makakapangasawa ka ng babaeng ka-compatible mo at nagkataong may Business Line rin siya, tulad ng malinaw na Business Line sa kaliwa mong Palad (Drawing B. N-N arrow b.), tiyak ang magaganap — kung magpapa-under ka sa kanya, magsisimula kayong umunlad, umasenso hanggang sa tuluy-tuloy na magtagumpay at lumigaya sa lahat ng aspeto ng buhay.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ang zodiac sign mong Pisces ay nagsasabing ka-compatible mo ang babaeng isinilang sa zodiac sign na Virgo, Capricorn, Taurus, Scorpio, Cancer at kapwa mo Pisces, partikular ang mga babaeng isinilang sa petsang 5, 14, 23, 8, 17, 26, 1, 10, 19 at 28.

  2. Habang, ayon sa iyong datos, Eugine, tulad ng nasabi na, aasenso ka lamang kung maghahanap ka na ng mapapangasawa na binanggit na ang zodiac sign at birth date sa itaas. Kapag nagawa mo ‘yan, sa taong 2025 at sa edad mong 38 pataas, sa lahat ng aspeto ng iyong buhay, siguradong tuluy-tuloy kang uunlad, liligaya at magtatagumpay, lalo na sa larangan ng salapi at materyal na bagay.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 10, 2023




KATANUNGAN


  1. Gusto kong malaman kung kami na ba ng boyfriend ko ang magkakatuluyan? Seaman ang boyfriend ko, pero may pangako siya na ‘pag marami na siyang ipon, magpapakasal na kami next year.

  2. Almost three years na kaming mag-on, pero mula nang nag-abroad siya, nagtataka ako dahil hindi ko na siya nami-miss. Gayunman, may manliligaw ako ngayon, medyo napapalapit na ang loob ko sa kanya, pero hindi ko pa siya sinasagot.

  3. Gusto kong matiyak kung sino sa kanilang dalawa ang aking mapapangasawa o makakatuluyan ko base sa guhit sa aking mga palad?


KASAGUTAN


  1. Walang alinlangan na iisa lang ang malinaw na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung sino ang una mong naging boyfriend nang seryoso at long engagement, tiyak na siya na ang iyong makakatuluyan.

  2. Ang pag-aanalisa na kung sino ang unang nakarelasyon mo ay siya na ring magiging huli ay madali namang kinumpirma ng simple mong lagda. Isang lagda o pirma na walang kaarte-arte o burloloy, na nagpapahiwatig ng simpleng buhay, love life at pag-aasawa.

  3. Ngunit tulad ng nasabi na, kahit may manliligaw ka pa ngayon, at unti-unti na siyang napapalapit sa iyo, hindi pa rin mananaig ang koneksyon o landian niyong dalawa. Sa halip, sa iyong pag-aasawa, tulad ng naipaliwanag na, ang first boyfriend mo pa ring nasa abroad ang iyong makakatuluyan, lalo na kung ang nasabing lalaki ay isinilang sa buwan ng Enero, Setyembre, Nobyembre, Disyembre, na siyang laging nakakatuluyan ng mga taong isinilang sa buwan ng Mayo na tulad mo.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Sa iyong tanong kung ang boyfriend mo na bang seaman ang iyong makakatuluyan sa kabila ng may manliligaw kang iba ngayon at sabi mo nga ay napapalapit na rin ang loob mo sa iyong manliligaw, eksakto ang tugon— ayon sa iyong mga datos, Melissa, tama ang pangako sa iyo ng boyfriend mo.

  2. Sa sandaling sumapit ang taong 2024, sa kanyang pag-uwi galing abroad, tiyak ang magaganap, tulad ng nasabi na at tulad ng inaasahan, yayayain ka nang magpakasal ng boyfriend mo at hindi ka naman makakatanggi pa, sa nasabing taong 2024, sa buwan ng Oktubre, may masaya at engrandeng kasalan na magaganap. Ito na rin ang magiging simula ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page