top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 24, 2023





KATANUNGAN

  1. Matagal na akong nag-a-abroad at nakapag-ipon na rin. Ngayon ay may pangpuhunan na ako upang makapagsimula ng negosyo.

  2. Maestro, ano ang negosyong bagay sa akin? Nais kong makasigurong ‘di mapupunta sa wala ang perang hawak ko.

  3. Thirty-nine yrs. old na ako at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging nobya. Ang hinahanap ko kasi ay ang katulad kong mag-isip, masinop sa buhay at business minded. Nais kong yumaman, maaabot ko kaya ang pangarap kong ito?

  4. Ang aking huling tanong ay may babae kayang suwerte sa negosyo at ano ang palatandaan niya? Ang birthday ko ay January 14.


KASAGUTAN

  1. Kung babaeng may suwerte sa negosyo ang hinahanap mo, ang dapat mong mapangasawa ay ang katulad mo ring isang earth type personality. Kagaya ng Taurus, Virgo at Capricorn, lalo na kung ang birth date niya ay 5, 14, 23, 8, 17, at 26. May mga babaeng din biglang suwerte, sila ang mga may birth date na 4, 13, 22 at 31 lalo na kung ang nasabing babae ay may nunal sa kanang bahagi ng pisngi.

  2. Samantala, hinggil sa iyong kapalaran ang pag-aanalisang yayaman ka ay madaling kinumpirma ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, bukod sa ikaw ay may ugaling praktikal, materyoso, pagkatuso pagdating sa salapi, tiyak na mahirap kang maisahan o mautakan.

  3. Bukod sa pagiging materyoso at praktikal, inilarawan ng straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kapansin-pansin din ang “square type” na hugis ng kaliwa at kanan mong palad (arrow b.) bukod sa pagiging matambok, ito ay malinaw na patunay na sa edad mong 39-anyos, tunay ngang marami ka pang enerhiya, sigla, o libido upang gawin ang suwabeng pangarap at adhikain na may kaugnayan sa salapi.

  4. Kung saan, ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) at Business Line (B-B arrow d.) na nakatungtong sa Mount of Saturn at Mount of Sun (arrow c. at d.) na patuloy kang magtatagumpay sa iyong layunin, darating ang eksaktong panahon sa iyong buhay, ikaw ay nakatakdang umunlad hanggang sa tuluy-tuloy na yumaman.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Humanap ka ng mga babaeng ka-earth type sign mo, na mayroong pa-square rin na hugis ng palad at hangga’t maaari may nunal sa kanang bahagi ng mukha. Ganyang klase ng babae ang siguradong pampa-suwerte mo sa larangan ng pagnenegosyo at pangangalakal.

  2. Habang ayon sa iyong datos, sundin mo lang ang simpleng rekomendasyong inilahad sa itaas, at makikita mo sa sarili mong diskarte, pagsisikap at sa tulong na rin ng babaeng iyong mapapangasawa, walang duda, sa taong 2036 sa edad mong 51 pataas, mayaman ka na.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 22, 2023




KATANUNGAN


  1. Dati ay nakapagtrabaho ako sa Japan, napag-aral ko ang aking mga kapatid, nagkaroon ng negosyo at nakapagpundar ng sariling bahay at lupa.

  2. Kaya lang, para bang wala akong suwerte sa negosyo dahil umabot ako sa punto na nalugi, nabaon sa utang at naisanla ko rin ang aming bahay at lupa.

  3. Naging miserable ang buhay ko, Maestro, kaya nais ko malaman kung sa ganitong kalagayan ng buhay ko ay babalik pa kaya ang dating suwerte at magagandang kapalarang tinatamasa ko rati.

  4. May maganda pa kayang bukas na naghihintay sa akin o mananatili na lamang akong ganito hanggang sa aking pagtanda?

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Eloise, wala namataang magandang Business Line (Drawing A., B-B arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa halip ang dating matayog na Fate Line (F-F) ay mapapansin unti-unting dumausdos sa pagitan ng daliring hintuturo at hinlalato (arrow b.) na nagbabadya na matapos ang isang matagumpay at masaganang career, ang kabuhayan ay mauubos hanggang sa magbalik sa kahirapan.

  2. Buti na lang, ang ikinaganda ng guhit ng iyong palad ay ang guhit ng lalaking umagapay (K-K arrow c.) sa Fate Line at naging dalawa ang direksyon ng Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c. at d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ito ay malinaw na sa edad mong 40 pataas, ibig sabihin ay ngayon na. Hindi ka rapat mawalan ng pag-asa. Dahil pagtuntong mo sa edad na 41, isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries ang darating at tutulong sa iyo, upang muling mabuhay ang iyong career.

  4. Ang lalaking ito ay maaari kakilala mo na at sa sandaling nabuhay ang iyong career, dapat nang mag-ingat sa paghawak ng iyong salapi at hindi na maglustay, dahil kung baga sa sugal, ang magandang kapalarang ito ang magsisilbing huling alas na mahahawakan mo upang muling mapaganda ang iyong kapalaran.

MGA DAPAT GAWIN


  1. Minsan sadyang nasisimot ang lahat upang mapalitan ng bago, tulad ng isang punong kahoy na naglalagas, at sa susunod na panahon ang nalagas na dahon ay muling mananariwa. Gayundin, ang magaganap sa iyong tadhana Eloise, mawawala ang lahat ng bagay sa iyong buhay, upang matuto kang magpahalaga at kapag marunong ka ng magpahalaga, babalik ang lahat ng nawala.

  2. At buti na lang ikaw ay nagtataglay ng birth date na 22 o 4 (2+2=4) sa destiny number na 1, kung saan, pinagpapala ka rin ng tadhana, at sa tulong ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Mayo hanggang Hunyo, sa panahon ng tag-araw habang bumubuhos ang malakas na ulan, sumunod ka sa ipapagawa sa iyo, at ‘wag kokontra, sa nabanggit na panahon sa edad mong 41 pataas, mala-dramatikong magbabago ang iyong kapalaran – muli kang makakapag-a-abroad, at muling uunlad ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na muling yumaman (Drawing A. at B. t-t arrow e., 2-M arrow f. at H-H arrow g.).



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | May 20, 2023




KATANUNGAN


  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang malaman kung sakaling mag-immigrant kami sa ibang bansa, susuwertehin kaya kami? January 13, 1984 ang birthday ko, habang September 8, 1983 naman ang mister ko, at may isa kaming anak na isinilang noong March 4, 2001.

  2. Gayundin, nais kong malaman kung may chance ba akong makadalaw sa kapatid ko na nasa Canada? Kung mayroon, kailan ito mangyayari? Kung sakaling magpasya kaming mag-immigrant doon, tutulungan ba talaga kami ng kapatid kong ito?

  3. May hinuhulugan kaming bahay sa isang subdivision, pero 10 to 15 years pa matatapos ang hulog at balak namin itong ibenta. Maestro, mas okey ba kung itutuloy namin ang paghulog hanggang sa maging amin na ito o dapat na naming ibenta ang bahay?

KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansin ang malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang problema lamang, may Guhit ng Hadlang (d-d arrow b.) sa kanang palad, ibig sabihin hindi magiging madali para sa iyo ang pag-i-immigrant sa ibang bansa, sa halip, ito ay kailangang pagsikapan mo munang mabuti.

  2. Sa madaling salita, daranasin mo muna ang mga pagsubok at nakakapagod na pag-a-apply, at kapag hirap na hirap ka na, ito’y malinaw na indikasyong malapit ka nang matuloy o saka ka pa lang ito matutuloy.

  3. Ang pag-aanalisang paghihirapan mo muna ang lahat ng bagay na papangarapin mo sa buhay bago mo makamit — ‘ika nga, hard road to glory — ay madaling kinumpirma ng zodiac sign mong Capricorn at lagda mong medyo pababa, pero sa bandang huli ay tumaas din nang tumaas, hanggang sa sumibat sa langit. Ibig sabihin, sa kasalukuyan ay maraming pag-aalala at panghihina ng loob ang iyong nararanasan. Ngunit ‘wag kang mag-alala dahil sa bandang huli, mawawala rin ang lahat ng mga pagkabagabag sa isipan, hanggang sa tuluy-tuloy na humulagpos ang ligaya at ganap na kasaganahan.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Wala kang dapat gawin sa ngayon, Dianne, kundi ang ipagpatuloy ang pag-a-apply bilang immigrant, pero ‘wag kang mag-expect na makakaalis ka agad. Kumbaga sa ginto, ito ay dinadalisay muna sa salaan upang kuminang, ganundin ang iyong kapalaran, tulad ng isang espada na pinagbabaga at pinupukpok na mainam ng panday, saka pa lamang kikinang at gaganda ang nasabing espada.

  2. Susubukin ka muna ng karanasan sa mga problema at balakid, at kapag nalagpasan mo ang lahat ng ito at sigurado namang malalagapsan mo sa taong 2027 at sa edad mong 43 pataaas, makakamit mo na ang lahat ng iyong mga pangarap sa buhay – isang masagana, maunlad at maligayang pamilya sa ibayong-dagat.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page