top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 12, 2023




KATANUNGAN

  1. May kinalolokohang ibang babae ang mister ko, ngunit ayaw niya itong aminin sa akin. Wala raw katotohanan ang binibintang ko sa kanya at ka-officemate niya lang umano ito, pero may nabasa kong message sa cellphone niya na “Ingat ka, I love you, mwa!

  2. Live-in lang kami, kaya natatakot akong baka mawala siya akin at maagaw ng iba. Ayaw niya kaming ikasal kahit na may isa na kaming anak. May future kaya ako sa lalaking ito? Kami na kaya ang magsasama habambuhay o may darating pang ibang lalaki sa buhay ko?

KASAGUTAN

  1. Kung tutuusin mas mainam na hindi kayo ikasal dahil ang nabiyak na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad ay babala na posible kayong magkahiwalay ng kinakasama mo.

  2. Ngunit kung sakali mang maghiwalay kayo, huwag kang malungkot dahil hindi naman iisa lang ang Marriage Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay dalawa at higit na mas malinaw, mahaba, makapal at mas maganda ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ibig sabihin, sa sandaling nahiwalay ka sa kinakasama mo, muli kang makapag-aasawa at magkakaroon ng isang mas masaya na pagpapamilya. At sa panahon ng ikalawang pag-aasawa, tulad ng naipaliwanag na, tiyak ang magaganap, makakaranas ka na ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong datos, Melody, nakatakda na ang magaganap, mahihiwalay ka sa kasalukuyan mong kinakasama ngunit sa ikalawang pakikipagrelasyon mo sa isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn may pangako na ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2024 sa edad mong 34 pataas.


 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 09, 2023




KATANUNGAN

1. Nag-a-apply ako ngayon sa Oman bilang Domestic Helper, nais ko sanang malaman kung matutuloy kaya ako rito? Matagal na akong naghihintay at ang ibang mga kasamahan ko ay nakaalis na.

2. Kung sakaling matuloy ako, magiging maganda kaya ang buhay ko roon at makakatagpo kaya ako ng mabait na amo?

3. May boyfriend ako ngayon. Nakilala ko siya sa dati kong pinagtatrabahuan, tugma kaya kami para sa isa’t isa?

KASAGUTAN

1. Walang magiging problema sa pangingibang-bansa mo. Ito ang nais sabihin ng maayos, malinaw at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

2. Sa madaling salita, magtuluy-tuloy na ang magandang kapalaran mo sa taong ito o kaya naman sa unang buwan ng taong 2024, may isang mabunga at mabiyayang pag-a-abroad ang itatala sa iyong karanasan.

3. Ang pag-aanalisang makapag-a-abroad ka ngayong taong ito ay madali namang kinumpirma ng iyong lagda na umaangat paitaas ang dulong stroke o linya, kung saan, nasasagap na ng unconscious self mo ang posibleng mangyayari, at ito ay may isang mabunga at mabiyayang pag-a-abroad ang naghihintay sa iyo.

4. Samantala, tungkol naman sa iyong lovelife kung ang kasalukuyan mo na bang nobyo ang iyong makakatuluyan? Pansining higit na mas malinaw at mas mahaba ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) kung ikukumpara sa unang Marriage Line (1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung sino ang ikalawang magiging boyfriend mo, tiyak ang magaganap ang ikalawang lalaking nabanggit na isinilang sa zodiac sign na Scorpio ang siya ring makakatuluyan at makakasama mo sa pagbuo ng isang simple pero masayang pamilya.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Irish, hindi na nga mapipigilan ang nakatakda, kung saan, sa taon ding ito, sa buwan ng Oktubre o kaya naman sa buwan ng Nobyembre sa edad mong 31 pataas, matutupad na ang matagal mong binabalak at pinapangarap – may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa Oman na itatala sa iyong karanasan.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | June 07, 2023





KATANUNGAN

1. Balak kong mag-resign sa pinagtatrabahuan ko ngayon para makapag-focus sa negosyo, ngunit napansin kong nahulog ang guhit ng Fate Line at Business Line sa pagitan ng aking mga daliri.

2. Sabi ng misis ko ‘pag nag-resign ako, mas maganda raw na mag-apply ako sa abroad, para mas madali kaming makaipon at siya ang mag nenegosyo kung sakaling magkakasya pa ang aming pera.

3. Nalilito ako sa kung ano ang dapat kong gawin. Lumalaki na rin ang gastos ng aking pamilya, samantalang hindi naman nadadagdagan ang aming income. Kaya sana gabayan niyo kami upang sumagana ang aming pamumuhay.

KASAGUTAN

1. Tama ang nakikita mong guhit sa kaliwa at kanan mong palad, kung saan, nahulog sa pagitan ng iyong mga daliri ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) at Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow b.) Ibig sabihin, kung sakaling magnenegosyo ka at ikaw ang mamamahala malamang ay hindi ka rin makapag-ipon at ‘di rin uunlad ang nasabing negosyo, dahil mawawaldas mo lang ang puhunan sa walang kuwentang bagay.

2. Tama ang mungkahi ng iyong asawa, mas mainam na siya ang paghawakin mo ng negosyo, at ikaw naman ay mag-apply abroad.

3. Ayon sa pag-aanalisa, mas papalarin ka sa pangingibang-bansa kaysa sa pagnenegosyo, na kinumpirma ng malinaw at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa sandaling makakapag-a-abroad ka, magtutuluy-tuloy na ito, habang ipinapadala mo sa iyong pamilya ang kinikita mo.

4. Mas magiging mapalad ang iyong misis kung siya mismo ang maghahawak ng negosyo, na kinumpirma ng birth date niyang 23 sa pagitang ng zodiac sign na Libra at Scorpio. At kung nagkataon pangmalaman ang kaliwa at kanang palad ni misis, at nagkataon ding nagtataglay siya ng straight Head Line, (Drawing A. at B. H-H arrow d.) sa kaliwa at kanang palad, tulad ng nasabi na tiyak ang magaganap, ang iyong misis na nga ang magsisilbing “alas” upang umunlad ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan kayong yumaman.

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong datos, Darwin, mas mainam na sumunod ka sa mungkahi ni misis na ikaw ay mangibang-bansa habang siya naman ang maghahawak ng negosyo na may kaugnayan sa tindahan, kalakal o produkto na may kaugnayan sa pagkain, sa ganyang paraan, tiyak ang magaganap, mga lima hanggang pitong taon mula ngayon sa taong 2028, at sa edad mong 52 uunlad na ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong makaahon sa kahirapan at yumaman.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page