top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | June 25, 2023





KATANUNGAN

1. May nililigawan akong babae ngayon, kaya lang ay nahihiya ako sa kanya. Hindi ko siya kayang kausapin ng personal, pero sa text ay okey naman kami, pero pag-video call na wala na akong masabi, at pareho kaming nagkakahiyaan.

2. Kaya ba ganito ay dahil mahal ko siya at mahal niya rin ako?

3. Siya na kaya ang una kong magiging girlfriend? Siguro nga ganu’n talaga, kapag mahal na mahal mo ang isang tao, mahihiya ka talaga sa kanya. Maestro, ganu’n ba talaga ‘yun

4. Ano ang dapat kong gawin, para mawala na ang kaba at hiya sa akin?

KASAGUTAN

  1. Ayon sa kinukwento mo, Jonell, mukhang malabo mong maging girlfriend ang nasabing babaeng nililigawan mo, dahil sa kasalukuyan ay hindi kayo nakaka-established ng “rapport”.

  2. Oo, wala pang “rapport” ang inyong ugnayan, at ito ay mahalaga upang mabuo ang isang matimyas at masarap na pagmamahalan.

  3. Sa pagliligawan at pakikipag-ugnayan sa ibang tao, kailangan natin magkaroon ng rapport, upang magkaroon ng intimacy.

  4. Ang “rapport” ay nangangahulugang sa umpisa pa lang ng inyong pag-uusap ay dapat na magaan ang loob niyo sa isa’t isa, at mas maganda kung hindi pa kayo nag-uusap ay magaan na agad ang loob niyo.

  5. Kapag ganyan ang sitwasyon, mas magiging makabuluhan at mas masarap ang relasyong papasukin ninyong dalawa.

  6. Samantala, ganito ang nais sabihin ng guhit ng iyong palad: Mababasted ka sa kasalukuyan mong nililigawang babae o ‘di kaya habambuhay ka nang ganyan, hanggang sa dumating ang sandali na magka-boyfriend na siya ng ibang lalaki. ‘Yan ang ibig sabihin ng maliit na bilog o island sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  7. Ito ay tanda rin na hindi naman dahil sa iyong katorpehan, bagkus ang totoong dahilan ay dahil hindi ka lang makapagsalita kapag personal mo nang kausap o kaharap ang iyong nililigawan.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Jonell, ang dapat na gawin mo pag manliligaw ka ay unang-una ‘wag mong iisipin na crush na crush mo iyong babae para hindi ka mahiya.

  2. Huwag na huwag mo ring ilalagay agad sa kukote mo na mahal mo siya, dahil kapag nagka-ganu’n, siguradong mahihiya at matatakot ka lang na kausapin siya.

  3. Sa halip, ituring mong pangkaraniwan lang ang babaeng crush mo, at ‘wag mo ring iisiping sobrang ganda niya. Kapag ganyan, hindi mo talaga makakayang kausapin ang nasabing babae.

  4. Sa halip, tulad ng nasabi na, lagi mong isiping, “Balewala ang babaeng ito at siya ay pangkaraniwang babae lang at hindi mo siya gaanong gusto kaya kahit magkamali ka sa kanya ay okey lang, wala ka namang halos pakialam sa nasabing babae o wala ka namang gusto sa kanya?”

  5. Kapag ganyang konsepto ang naipaloob mo sa iyong isipan, makikita mo, kapag may nagustuhan ka muling babae, isipin mong hindi mo siya gaanong gusto at balewala talaga siya sa iyo, makakausap mo na siya nang suwabeng-suwabe at matino hanggang sa maka-established kayo ng rapport. ‘Pag may rapport ka na, hindi ka na mauunahan ng hiya at takot.

  6. Minsan para lumakas ang iyong loob, kailangan mo ring lokohin ang sarili mo. Dahil ‘pag lagi kang tapat sa sarili mong damdamin, tulad ng nangyayari at mangyayari pa, hindi mo talaga makakausap ang babaeng crush na crush at mahal na mahal mo, dahil nga natatakot kang magkamali sa sasabihin mo sa kanya.

  7. Sa sandaling nagawa mo ang mga nabangit sa itaas, Jonell, ayon sa iyong datos, sa susunod mong panliligaw, (Huwag mo nang intindihin ang kasalukuyan mong nililigawan, dahil tiyak na mababasted ka lang), ngunit makalipas ang ilang taon, dahil marunong ka nang mambola o sa ibang salita ay marunong ka ng makipag-usap sa mga babae tiyak ang magaganap isang babaeng isinilang sa zodiac sign na Taurus ang kusang magkakagusto sa iyo at magiging first girlfriend mo, kahit na halos wala ka namang ginawa. Mangyayari at magaganap sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Mayo o Abril sa edad mong 24 pataas, (Drawing A. at B. 1-M arrow b.).


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | June 23, 2023





KATANUNGAN

  1. Matagal na gumugulo sa isipan ko ang problema ko, kaya naglakas loob na akong sumangguni sa inyo. Umiibig ako ngayon sa isang lalaking may asawa na. Gusto ko man pigilan ang nararamdaman ko, kaya lang ay hindi ko magawa, araw-araw kaming nagkikita at maganda naman ang pakikitungo niya sa akin, at 23-years-old palang ako.

  2. Balak kong mag-resign, para maiwasan ko siya, pero hindi ko magawa dahil ako lang ang inaasahan ng pamilya ko. Hindi ko maisip kung bakit nagkaganito ang love life ko at kung bakit ako nagkagusto sa isang lalaking pamilyado na.

  3. Maestro, sa palagay mo ba kailangan ko nang iwasan ang lalaking ito o dapat na akong mag-resign sa pinagtatrabahuan ko?

  4. Natatakot ako na baka malaman ng misis niya ang ginagawa namin, at panigurado ay malaking gulo at iskandalo ang aabutin ko.

KASAGUTAN

  1. Kapag gumawa ka ng kasalanan, dapat malayo pa lang pinaghahandaan mo na ang consequences na maaaring kahihinatnan ng iyong ginawang kalokohan.

  2. Sa ganu’ng paraan, kung sakaling dumating ang sitwasyon na nahuli kayo ng misis ng lalaking kalaguyo mo ay hindi ka mabibigla, sa halip ay may alternative plan ka.

  3. Ganu’n lang kasimple ‘yon! Pero kung wala ka namang plano kung sakaling mabisto kayo, mas mabuti pang itigil mo na ‘yan, kaysa dumating pa sa buhay mo ang mas malaking problema at kahihiyan. Kaya dapat mo nang putulin ang kaimoralan na ginagawa niyo, upang hindi ka mapahamak.

  4. Samantala, nakakatawang makitang na may matino at maganda kang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi kayo magkakatuluyan ng kasalukuyang karelasyon mo, sa halip siya ay tumubo sa iyong palad bilang “fling o panandaliang ugnayan lamang” (Drawing A. at B. r-r arrow b.) kaya tulad ng iyong plano, kung susubukan at pipilitin mong iwasan ang nasabing lalaki, kahit mahirap at kahit na araw-araw pa kayong nagkikita. Kung nararamdaman na niyang wala ka nang feelings para sa kanya, makikita mo, hindi ka na niya kukulitin pa. Sa halip, siya na mismo ang kusang iiwas sa iyo.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong datos, Leilannie, determinasyon at will power ang kailangan mo, ‘di mo na kailangan pang mag-resign upang maiwasan ang lalaking gumugulo sa iyo.

  2. Sabihin mo sa kanya ang katagang ito“Itigil na kaya natin, kasi natatakot na ako sa maaaring mangyari, at isa pa wala na akong feelings para sa iyo.” At makikita mo, iyon din ang kusang mangyayari.

  3. Tulad ng nasabi na, ayon sa iyong datos, sa sandaling makipag-break ka sa kanya, iiwasan ka na rin ng lalaking nabanggit. Mahal ka rin naman niya, ngunit palalayain ka niya, upang muli kang makabalik sa tamang landas. Sa pagdating ng taong 2025, sa edad mong 25 pataas (1-M arrow a.) magkaka-boyfriend ka, at makakapangasawa ng isang mas karapat dapat na lalaking nakalaan para sa iyo na hahantong sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | June 19, 2023




KATANUNGAN

  1. Maestro, parehong straight ang Head Line naming mag-asawa, at base sa inyo, ito ay senyales ng pagyaman, pero bakit ganu’n, 44-years-old na ako, at may apat na anak. Empleyado lang ako sa isang government agency habang supervisor naman ang misis ko sa isang department store pero ba’t hindi pa rin kami yumayaman?

  2. Gusto ko sanang malaman kung may pag-asa pa kaya kaming yumaman at sa paanong paraan?

KASAGUTAN

  1. Tunay ngang kapag straight ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanang palad, tulad ng nakikita sa picture, ito ay nagbabadya ng kasinupan sa kabuhayan, materyoso at praktikal. Kung saan, kailangan ding makita ang iyong palad o masalat kung ito ba ay malaman, o matambok.

  2. Ang pagiging malaman at matambok kasi ng palad, ay sukatan ng enerhiya o lakas kung ang iyong mga pangarap at iniisip sa buhay ay iyong maisasakatuparan.

  3. Kaya kung malaman, matambok, o tumatalbog-talbog kapag sinalat ang iyong kaliwa at kanang palad, tiyak ang magaganap. Sa takdang panahon na inilaan ng kapalaran, ituloy mo lang ang iyong ginagawa sa kasalukuyan, dahil makakamit niyo ring mag-asawa ang pag-unlad ng kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.

DAPAT GAWIN 1. Ayon sa iyong datos, Charlie, tiyak ang magaganap, kung tunay ngang straight ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) ng kaliwa at kanang palad niyo ni misis. Walang duda, sa pamamagitan ng negosyong may kaugnayan sa pagkain o mga pangunahing pangangailangan ng mga tao, sa taong 2032, sa edad mong 53 pataas – magsisimula na kayong umunlad, hanggang sa lumago nang lumago ang inyong negosyo at hindi na mapipigilan pa hanggang sa tuluyan na ring yumaman ang inyong pamilya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page