top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 1, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosita ng Aklan.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na gumawa ako ng iba't ibang klase ng jam. Noong natapos akong magluto ay tinikman ko agad ito. Binigyan ko rin ang aming kapitbahay, at sama-sama kaming kumain. Ginawa rin naming itong palaman sa tinapay.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Rosita

Sa iyo, Rosita,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na gumawa ka ng iba't ibang klase ng jam, ay may dadaluhan kang kasalan. Magiging isa ka sa mga sponsor ng ikakasal. Ang tinikman mo ito pagkaluto mo ay nagpapahiwatig na makakaranas ka ng pansamantalang kalungkutan dahil hindi mo nakamit ang minimithi mo.


Ang binigyan mo ang mga kapitbahay mo, ay babala na mag-ingat ka sa iyong mga kapitbahay, dahil may lihim silang inggit sa iyo.


Samantala, ang sama-sama kayong kumain, pinalaman niyo ito sa tinapay, ay senyales na magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan na maaasahan mo sa sandali ng kagipitan. Handa silang damayan ka sa iyong mga pangangailangan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 1, 2023





KATANUNGAN


1. Almost three years kaming nagsama ng ex-live-in partner ko, isinilang siya noong Pebrero 3, 1989.

2. Ang buong pag-aakala ko ay hindi na kami magkakahiwalay, pero natuklasan kong may kinalolokohan pala siyang ibang babae na nakilala niya sa social media. Kinumpronta ko siya at hindi naman niya ito itinanggi na mayroon na siyang ibang ka-relasyon.

3. Ang masakit pa, kasi mula noong magkasagutan kami, hindi na siya umuwi sa amin at nag-text siya na kalimutan ko na raw siya at humihingi ito ng sorry.

4. Panigurado ay nagsama na sila ng babae niya at ‘yung mga account nila sa social media ng babae niya ay deactivated ngayon. Maestro, sa palagay mo ba nagsasama na sila at hindi na kaya siya babalik sa akin?

5. Kung hindi na siya babalik magkakaroon pa kaya ako ng lalaking makakasama ko habambuhay?

6. Wala na kasi akong ganang umibig pang muli, dahil hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako makapaniwala na sa isang iglap ay magagawa niya sa akin ‘yun.

  1. Kung muli akong magkakaroon ng nobyo kailan kaya ito mangyayari at baka may chance pang bumalik ‘yung ex ko. Matapos kasi siyang mag-text sa akin at humingi ng sorry ay nagpalit na rin siya ng number. Ang birthday ko ay Mayo 2, 1990

KASAGUTAN

1. Huwag ka nang malungkot, Marichu, dahil bukod sa hindi naman tugma ang zodiac sign mong Taurus sa zodiac sign niyang Aquarius, ang birth date mong 2 ay hindi rin naman suweto sa birth date niyang 3. Ibig sabihin, parang nakatagpo na talaga na magkakahiwalay kayo, na kinumpirma at pinatunayan ng malaking bilog sa Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda ng isang malalang kabiguan sa pag-ibig na hindi basta-basta nahihilom.


2. Ang pag-aanalisang hindi na babalik ang dating ka live-in-partner mo ay madali namang kinumpirma ng nabiyak na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin tulad ng nasabi na, nakatakda na nga sa kapalaran mo ang makaranas ka ng isang matinding kabiguan sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon, subalit hindi mo naman dapat ikalungkot ng labis ang nasabing kabiguan, dahil kapansin-pansin din naman ang ikalawang mas mahaba at mas makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay tanda na sa ikalawang pag-ibig at ikalawang pakikipagrelasyon mo na darating sa takdang panahon na inilaan sa iyo ng kapalaran, may isang masaya at panghabambuhay na pag-ibig na itatala sa iyong karanasan.

DAPAT GAWIN

Marichu, ang kalungkutan na iyong nararamdaman ngayon, ay pansamantala lamang at lilipas din, dahil ayon sa iyong datos, ngayong taon ding ito, sa edad mong 33 pataas, sa buwan ng Oktubre o kaya’y Nobyembre, darating na ang ikalawang lalaking makaka-relasyon mo na isinilang sa buwan ng Disyembre, na siyang itinakda ng kapalaran na makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya, (Drawing A. at B. 2-M arrow c.).


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | June 28, 2023





KATANUNGAN

  1. Maestro, may Travel Line akong nakita sa palad ng aking mister, malinaw at mahaba ito, sinabihan ko siya na mag-abroad na lamang upang guminhawa naman ang buhay namin, ngunit ayaw niyang pumayag.

  2. Kuntento na raw siya sa pagiging isang supervisor sa isang pabrika rito sa Cavite, kahit na umano hindi kami nakakapag-ipon, hindi naman daw kinakapos ang pang-araw-araw namin.

  3. Kaya lang sa tingin ko parang wala siyang pangarap. Oo, nga't may sarili na kaming bahay at lupa na namana niya sa kanyang mga magulang, pero nais ko sanang paliwanag sa kanya na dapat pinaghahandaan niya na rin ang future ng aming mga anak, lalo na kapag nag-college na sila. Lagi niya sinasabi sa akin na huwag ko na raw isipin ‘yung mga bagay na hindi pa dumarating.

  4. Ano sa palagay mo, Maestro, hindi ba’t tama ako, wala siyang pangarap. Kaya sana matulungan niyo ako kung paano ko siya maitutulak na mag-abroad, kasi ‘yung ibang mga kasamahan niya rati sa trabaho na nag-abroad ay mayayaman na ngayon.

KASAGUTAN

  1. Kung ayaw mag-abroad ng isang tao, ‘wag mo namang pilitin. Ikaw kaya ang mag-abroad? Baka akala mo masarap sa abroad!

  2. Pangalawa, ‘wag ka namang inggitera, kung nakita mong yumaman ang mga katrabah niya rati dahil sa pangingibang-bansa, ikaw naman ay gagaya na agad sa kanila.

  3. Hayaan mong dumiskarte ang mister mo sa gusto niyang diskarte sa buhay, dahil ang totoo pa nga nito, kahit asawa mo siya, at nagkataon pang siya ang lalaki, siyempre may karapatan pa rin siyang magdesisyon mag-isa, at hindi mo siya dapat na pangibabawan.

  4. Kaya muli, tulad ng nasabi na, kung ayaw mag-abroad ng iyong asawa, ‘wag mong pilitin. Ang pinakamabuti gawin mo, kung talagang matapang, maangas at buo ang iyong loob, ikaw ang mag-abroad. Makapag-a-abroad ka, sapagkat ito ang nais sabihin ng malinaw at mahaba rin namang Travel Line (Drawing A, at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung sisimulan mo na mag-ayos ng iyong mga papeles ngayon, o sa susunod na taong 2024, bago matapos ang nasabing taon sa buwan ng Setyembre hanggang Oktubre, walang sablay, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran na magiging daan, upang lalo pang umunlad ang kabuhayan ng inyong pamilya at mapag-aral mo sa magandang eskuwelahan sa kolehiyo ang inyo mga anak.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Maaaring tama ang nakita mo sa kaliwa at kanang palad ng iyong mister, Loraine, mayroon nga siyang malinaw at maaliwalas na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) na nagkataong hindi mo lang binanggit ay mayroon ka rin nito, na nangangahulugang kung hindi si mister ang mag-a-abroad, maaari pareho kayong makapag-abroad, ikaw din ay magkakaroon ng isang mabunga at mabiyayang karanasan sa ibayong dagat.

  2. Ayon sa iyong datos, kung mag-a-apply ka ngayon, dahil gusto mong gumaya sa rating katrabaho ng asawa mo na yumaman na ngayon. ikaw ang mauna sa halip na ang mister mo, makikita mo sa susunod na taon, sa edad mong 36 pataas may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page