top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 21, 2023




KATANUNGAN

1. Maestro, dati akong seaman pero ngayon ayoko nang mangibang-bansa, dahil ang hirap at ang lungkot sa barko. More than 10 years na akong nagsi-seaman, pero parang wala pa ring nangyayari sa buhay ko, nakapagpagawa ako ng bahay ngunit may mga utang pa rin kami.

2. Napag-aral ko naman ang mga anak ko sa kolehiyo, pero ‘yung iba, hindi pa rin successful at hanggang ngayon ay wala pa rin silang stable job at umaasa pa sa amin.

3. Gusto ko sanang magnegosyo dahil may naitatabi naman kaming ipon kahit papaano. Naisipan kong sumangguni sa iyo upang itanong kung ano ba ang puwede kong inegosyo? Kung magnenegosyo ako, magtatagumpay at mapapaunlad ko kaya ang aming kabuhayan?

KASAGUTAN

1. Tamang-tama at puwedeng-puwede kang mag-negosyo, Dan, dahil ikaw ay nagtataglay ng square type hand o elementary hand, na bukod sa spongy o tumatalbog-talbog kapag sinalat, kapansin-pansin din ang energetic na hilatsa ng iyong palad (Drawing A. at B. arrow a.).

2. Ibig sabihin, kung magnenegosyo ka, malaki ang iyong potensyal na ikaw ay magtagumpay, na madali namang kinumpirma ng bilugan mong pangangatawan at birth date mong 17.

3. Iyon nga lang, ang numerong 17 ay pinaghaharian ng planetang Saturn, kung matatandaan mo, feel ko lang, hindi ba noong unang taon mo sa pag-a-abroad, marami ka ring pinagdaanang hirap at pagsubok, bago mo tuluyang napitas ang maganda mong kapalaran?

4. Ganundin ang mangyayari sa sandaling magnegosyo ka, sa simula, maraming trials o pagsubok. Pero kahit ganon ang mangyari, dapat kang magpakatatag at hindi ka dapat sumuko, dahil sadyang inilaan sa iyong kapalaran ang mga pagsubok at pansamantalang kabiguan. Ngunit pagkatapos naman ng nasabing mga pagsubok, mapapasaiyo na muli ang isang malaking tagumpay at pagwawagi sa larangan ng materyal na bagay na madali namang kinumpirma ng Straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

5. Ang pag-aanalisang may suwerte ka sa negosyo ay lalo pang pinagtibay ng Mercury Line (Drawing A. at B. m-m arrow c.), sa kaliwa at kanan mong palad. Ang Mercury Line na ito na bihira nating talakayin. Ang Mercury ay “God of Commerce” sa mitolohiyang romano, kaya ang sinumang may isang malinaw at makapal na guhit sa bundok ng Mercury (arrow c.) ay siguradong magtatagumpay sa larangan ng pangangalakal, higit lalo kung simple lang ang guhit ng kanyang palad.

DAPAT GAWIN

Tama ang binabalak mong magnegosyo, Dan, at dapat mo ding isaalang-alang ang mga negosyong may kaugnayan sa pagkain, agricultural products, mga kalakal na hibla, butil, iyong mga katas na galing sa halaman, katulad ng suka, alak, asukal, alcohol, kape, bigas, kape, goma, at kung anu-ano pang bagay na galing sa halaman. Sa ganyang negosyo ka yayaman na magsisimulang mangyari at maganap ang nasabing pagyaman, sa taong 2028, sa edad mong 59 pataas.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 19, 2023




KATANUNGAN


  1. Thirty-three years old na ako ngayon ngunit wala pa rin akong nagiging girlfriend. Ba’t kaya ganun? Bakit ang damot sa akin ang tadhana? Samantala, ‘yung iba r’yan na walang work at walang itsura ay nagkaka-girlfriend at nakapag-aasawa pa.

  2. Naisipan kong sumangguni sa iyo, Maestro, upang itanong kahit kaya hindi ako marunong manligaw, magkaka-girlfriend pa rin kaya ako? Nakakita kasi ako sa aking palad ng dalawang Marriage Line. Ibig sabihin ba nito ay dalawang beses akong magkakaroon ng masayang pakikipagrelasyon?

  3. Kung tama ang nakikita ko sa aking palad, kailan kaya ako magkaka-girlfriend at kung sakaling magkadyowa na ako, siya na kaya ang mapapangasawa at makakasama ko habambuhay?


KASAGUTAN


  1. Kapag kapalaran ang pinag-uusapan, tunay ngang hindi naman imposibleng kahit hindi ka manligaw ay magkaka-girlfriend ka pa rin at ang unang magiging girlfriend mo ay posible ngang siya na rin ang mapapangasawa mo. Ayon sa mahaba, makapal at kitang-kitang unang Marriage Line (Drawing A. at B.1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tulad ng nasabi na, malamang kung sino ang unang magiging girlfriend mo, siya na ring mapapangasawa mo.

  2. Ngunit magtataka ka at marahil ay maitatanong mo “Kung ang unang guhit ng Marriage Line (1-M arrow a.) ang siya mo na ngang mapapangasawa, ano naman kaya ang ibig sabihin ng ikalawang mas maikli, hindi masyadong mahaba at hindi rin gaanong malinaw na ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad?”

  3. Ito ay nagpapahiwatig lamang na kahit na may girlfriend o may asawa ka na, magkakagusto ka pa rin sa ibang babae at kapag hindi mo iyon napigilan o hindi mo iniwasan posibleng may ikalawa pang babae na dumating sa iyong buhay kahit na may asawa ka na.

  4. Subalit halimbawang may dumating nga, dahil maikli o hindi naman masyadong mahaba at hindi rin naman napakalinaw ang ikalawang nabanggit na Marriage Line (2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay tatawagin lamang na pansamantalang relasyon o illicit love affair kahit na may asawa ka na, pero hindi rin naman magtatagal, sa halip, higit mong mapapanatili at magiging panghabambuhay ang pakikipagrelasyon mo sa iyong legal wife o tunay mong asawa.

  5. Kumbaga, nakipagrelasyon ka lang sa ibang babae, upang tikman kung ano ang lasa ng karanasang may other woman, (Drawing A. at B. i-i arrow c.) kaya kapag nalaman mo na, hindi rin pala maganda at masaya ang pambababae, dahil hindi ka naman likas na babaero, at kusa ka ring makikipagkalas sa nasabing ikalawang Marriage Line (2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagrerepresenta ng babaeng kung tawagin natin ay “kerida o number two” pero tulad ng naipaliwanag na, panandalian at hindi naman gaanong makakadistorbo sa maayos at masaya mong pamilya habang palihim kang nambabae pero sa bandang huli, ang pambabaeng ito ay tuluyan na ring mawawala, lilipas at kusang mabubura.


DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Joey, napakapalad mo, dahil kahit hindi ka manligaw, isang babaeng may zodiac sign na Scorpio ang darating, siya na ang magiging una mong girlfriend, na sa bandang huli ay tuluyan mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Hunyo o kaya’y Hulyo sa edad mong 34 pataas.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 17, 2023





KATANUNGAN

  1. Maestro, may itatanong lang ako ukol sa aking Palmistry. Ano ba ang ibig sabihin kapag dalawa ang Fate Line? Huminto kasi 'yung isang Fate Line ko, samantalang nagpatuloy naman ang ikalawa.

  2. Ibig sabihin ba nito ay mawawalan ako ng trabaho? Sa ngayon kasi ay nagtatrabaho ako bilang security guard at napakaraming chismis ang ibinabato sa akin, sinisiraan ako ng mga kapwa ko security guard sa aming amo, tila ba'y naiinggit sila dahil malapit na ako maging supervisor.

  3. Ang gusto ko lang malaman ay kung mapo-promote ba ako kahit maraming naiinggit at naninira sa akin?

KASAGUTAN

  1. Kapag dalawa ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) at magkasabay itong gumuhit sa kaliwa at kanang palad, ito ay nangangahulugang dalawang hanap-buhay o dalawang pagkakakitaan ang sabay mong maaaturga sa isang partikular na panahon sa iyong buhay. Ito rin ay nangangahulugang magiging dalawa o kasalukuyang dalawa ang source of income mo.

  2. Pero sa kaso mo, hindi naman ito sabay, bagkus nag-overlapping lang ang nasabing dalawang Fate Line (arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ang ibig sabihin nito ay maaaring kang mawalan ng trabaho pero pansamantala lamang ito at sa bandang huli ay mare-realized mo na hindi ka talaga nawalan ng trabaho, bagkus ay nagpalit ka lang ng trabaho o hanap-buhay na mas higit at mas magandang posisyon.

  3. Kung saan, dahil pareho namang malinaw at makapal ang nag-overlapping na Career Line (arrow a. at b.) tulad ng naipaliwanag na, mawalan ka man ng hanap-buhay ngayon, hindi ka dapat matakot o mangamba, dahil tulad din ng naging buhay ni Job na nakasulat sa Bible, nawala sa kanya ang lahat ng kanyang kayamanan, gayundin ang kanyang mga anak, ngunit dahil likas at talagang mahal siya ng Diyos, bandang huli ibinalik lahat ng Diyos kay Job ang lahat ng bagay na nawala sa kanya, siksik-liglig, umaapaw at doble-doble pa.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Sadyang mahiwaga ang buhay ng tao at hindi natin batid kung ano ang mangyayari sa hinaharap, ngunit kung marunong kang tumingin ng guhit ng palad, kahit na papaano mahihinuha mo ang posibleng maganap kinabukasan.

  2. Arjay, 'wag kang masyadong mangamba o mag-alala sa kasalukuyang mga pangyayari, sapagkat ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap, kahit maraming umiintriga at naninira sa iyo, matutuloy ang promotion at pagtaas ng iyong suweldo, bagama't sa susunod na taong 2024, bigla kang mawawalan ng trabaho ngunit ang totoo nito, malilipat ka lang ng ibang kumpanya, na may mas malaking suweldo at mas magandang posisyon, kung saan, sa nasabing kumpanya o agency na lilipatan mo mas magiging maunlad at asensado ang karanasan mo (F-F arrow b.).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page