top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 27, 2023




KATANUNGAN

  1. May kinakasama ako sa ngayon at pareho kaming dating may asawa, may mga anak din kami sa una naming mga asawa. Ngayon, okey naman ang pagsasama namin. Noong una ay magulo, pero ngayon okey na kahit minsan ay may mga ‘di pagkakaintindihan, pero ‘di naman ‘yun mawawala sa isang relasyon. Sa katunayan nga nitong nakaraang buwan ay limang taon na ang aming pagsasama.

  2. Pero sa kabila nito hindi pa rin ako kampante, dahil dati na rin siyang naging babaero pero mula raw noong nagsama kami ay nagbago na umano siya.

  3. Maestro, gusto kong basahin mo ang guhit ng aming palad upang malaman ko kung maghihiwalay pa ba kami o magsasama na kami habambuhay?

KASAGUTAN

  1. Dalawa ang Marriage Line sa kaliwang palad (Drawing A. 1- M at 2-M arrow a. at b.) ng live-in-partner mo habang isa lang ang Marriage Line sa kanang palad (Drawing B. 1-M arrow c.) at kapansin-pansin din ang pagiging konti ng guhit ng kanyang palad.

  2. Ibig sabihin, totoo at tama ang kanyang sinasabi na kung nambabae man siya noon, ay noon iyon, pero sa ngayon ay tunay ngang nagbago na siya. At kung sakali mang mambabae ang live-in-partner mo, hindi na ‘yun magiging seryoso. Sa halip, ang tunay na seseryosohin niya ngayon, ay ‘yung kanyang nakakasama, walang ibang kundi ikaw. At dahil nga dalawa ang kanyang Marriage Line sa kaliwa - ito ay patunay lamang na habambuhay na siyang magiging tapat sa iyo.

  3. Kumbaga, ‘yung dalawang Marriage Line ay nakatakda sa buhay niya, (arrow a. at b.) at nangyari na nga, pero noong nakilala at nakasama ka niya napag-aralan niya na rin ang maging kuntento sa isang relasyon. Umasa kang magiging panghabambuhay na nga ang inyong samahan.

  4. Samantala, halos ganundin ang Marriage Line sa kaliwa at kanan mong palad kung saan, nag-aanyong parang dalawa sa kaliwang palad (Drawing B. arrow a. at b.) subalit naging parang “overlapping” na isang Marriage Line (1-M arrow b.) sa kanang palad. Ibig sabihin, bagama’t ikalawang pag-ibig o pag-aasawa mo na rin ang kasalukuyan mong ka-live-in, masasabing kung sino ang huling dumating at kasalukuyan mong kinakasama, sa kanya ka na habambuhay na magtitiis, tatanda at habambuhay na magiging maligaya.

DAPAT GAWIN

Marissa, wala kang dapat gawin ngayon kundi ipayapa ang iyong isipan. Sapagkat ayon sa iyong mga datos, tiyak ang magaganap, walang duda kayo na nga ng kasalukuyan mong kinakasama ang magsasalo sa isang maunlad at panghabambuhay na pagmamahalan.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 25, 2023




KATANUNGAN

  1. Naghiwalay kami ng boyfriend ko noong nakaraang buwan, dahil bukod sa akin ay may iba pa pala siyang girlfriend at inamin niya lang sa akin nu'ng nabisto ko na sila.

  2. Mas ikinagulat ko ang sinabi niya, mas nauna pa raw sa akin 'yung girlfriend niya na ‘yon. Ibig sabihin, matagal niya na pala akong niloloko. Kaya galit na galit ako at nakipaghiwalay agad ako sa kanya.

  3. Ang problema mula ng mawala siya, parang hindi ko kayang mag-isa. Hindi ko kaya na wala na siya, nasanay ako na lagi ko siyang kasama. Kaya ngayon balak kong makipagbalikan muli sa kanya kahit na dalawa pa kaming babae sa buhay niya, bahala na.

  4. Tama ba ang iniisip ko na ang ipaglaban ang pag-ibig ko? Kaysa naman lagi akong ganito - umiiyak, malungkot at nanghihinayang kung bakit ako pumayag na mapunta sa iba ang boyfriend ko.

KASAGUTAN

  1. 'Wag ka naman tanga at masyadong desperada, Aryan. Dalawa pala kayong babae sa buhay ng ex-boyfriend mo at balak mo pang makipagbalikan sa kanya?

  2. Bakit siya na lang ba ang natitirang lalaki sa mundo? Hindi naman, 'di ba? Oo, marami panglalaki at pag-ibig na darating sa iyo na mas ka-compatible mo, mas tapat at mas magpapaligaya sa iyo.

  3. Samantala, mas mainam pang kalimutan mo na ang iyong ilusyon na makipagbalikan sa boyfriend mong two-timer, dahil kung babalikan mo siya, mas lalo ka lang mahihirapan at magdurusa. Ito ang nais sabihin ng nabiyak at nagulong gitnang bahagi ng iyong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ibig sabihin, kung pagtitiisan mo ang boyfriend mong may ibang girlfriend, lalo lang masisira ang buhay pag-ibig mo, dahil sa bandang huli kapag nagpasya na siyang magpakasal at mag-asawa, ang pinakamalungkot na senaryo na dadagan sa iyo, hindi ikaw ang pipiliin niya upang kanyang mapangasawa.

  5. Kaya tulad ng nasabi na, kung may natitira ka pangdangal at respeto sa iyong sarili, mas mabuti pang ngayon pa lang ay pagtiisan at hayaan mo nang mawala sa buhay mo, ang kumag at manlolokong boyfriend mo. Nangyari dahil kapag hinayaan mo siyang mawala, sa ganyang paraan ka lamang makakalaya at makakahanap ng bagong pag-ibig na magbibigay sa iyo ng isang masaya at panghabambuhay na ligaya, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kaya nga ayon sa iyong mga datos Aryan, okey lang na tuluyang mawala sa buhay mo ang babaerong boyfriend mo. Kung tutuusin wala naman siyang kuwentang lalaki at manloloko pa.

  2. Habang ayon sa iyong mga datos, matapos na mawala ang babaerong ex-boyfriend mo, tiyak ang magaganap sa taon ding kasalukuyan sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, bago sumapit ang panahon ng kapaskuhan, muli kang magkaka-boyfriend sa katauhan ng isang lalaking Libra na makakasama mo sa isang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya (Drawing A. at B. 2-M arrow b).


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | July 23, 2023




KATANUNGAN

  1. Bago pa lang ako nagbabasa ng mga artikulo mo Maestro, pero nagustuhan ko na ito agad. Lagi akong nagbabasa lalo na pagdating sa Horoscope at Guhit ng Palad. Nais kong malaman kung mabibiyayaan pa kaya ako ng isang supling?

  2. Hindi n’yo man naitatanong pero 3 taon na kami nagsasama ng mister ko, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkakaroon ng baby.

  3. Ayon sa doctor na nilapitan namin ay wala umanong may deperensya sa amin, kung kaya’t niresetahan na lang kami ng vitamins.

  4. Maestro, sa tingin mo ba ay magkakaanak pa ako? Kung sakaling oo ang iyong sagot, kailan kaya ito at ano ang magiging gender niya kung saka-sakali?

KASAGUTAN

  1. Medyo mahirap makita ang guhit ng Children Line (Drawing A. at B. 1-C, at 2-C) na tinatawag, pero mayroon tayong dalawang tinitingnan.

  2. Una iyong pataas na guhit sa ilalim ng daliring hinliit sa ibabaw ng Marriage Line (1-M arrow b.) at ikalawa iyong mga guhit na pahalang sa gilid ng palad (1-C, at 2-C), sa kaso mo, dalawang malulusog na Children Line (Drawing A. at B. 1-C at 2-C, arrow b. at c.) ang nakikita sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, dalawa ang magiging baby n’yo. Lalaki ang una, dahil makapal at mas mahaba ang nasabing Guhit ng Supling (1-C arrow b.), habang posibleng babae naman ang ikalawa, dahil medyo manipis at maikli ang nasabing Guhit ng Supling (2-C arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ang pag-aanalisang magkaka-baby ka na sa malapit na hinaharap ay madali namang kinumpirma ng lagda mong nagkaroon ng “phallic symbol” sa dulong bahagi. Ang phallic symbol, ay ang tila kudlit sa loob ng letrang “o”, kung saan, ang “phallic symbol” na iyan kung sa terminong pang-psychology ang pag-uusapan iyan din ang “penis” o kasarian ng isang lalaki. Kaya nga maihahaka na ngayon pa lang ay nasagap na ng unconscious mong kaisipan at pagkatao, ang mabubuong baby sa iyong sinapupunan, isang malusog at matalinong lalaking sanggol na susundan naman ng isang malusog din at cute na babaeng sanggol.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Vicky, ayon sa iyong datos na kinumpirma ng Children Calendar, humigit kumulang sa kalagitnaang bahagi ng taong 2024 hanggang sa last quarter ng nasabing taon, walang duda na mabubuntis ka, pagkatapos ng siyam na buwan, tuluyan na ngang isisilang ang isang malusog na lalaking sanggol na kukumpleto at magbibigay ng galak at ligaya sa inyo.

  2. Lilipas ang humigit dalawang taon, isang babaeng sanggol naman ang muling isisilang, na kukumpleto sa inyong pamilya at lalo pang magpapatibay ng inyong samahan at panghabambuhay na pagmamahalan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page