top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | October 04, 2023


KATANUNGAN

  1. Maestro, matutuloy kaya ang pangingibang-bansa ng mister ko? Matagal na siyang nag-a-apply bilang seaman pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari.

  2. Feeling ko tuloy niloloko lang kami ng kumpare niya na tumutulong sa kanya. Pero, kahit paano inaabut-abutan naman namin siya ng pamasahe at allowance para maayos niya ang mga papeles ng mister ko. Kung sakaling palarin siya, kailan kaya siya makakasampa sa barko?

KASAGUTAN

Walang magiging problema kung may malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan palad ng mister mo. Samantala, may namataang malinaw na Travel line (arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng mister mo, isang malawak at malinaw na guhit ng pangingibang-bansa (arrow a.) na nangangahulugang sa hinaharap, makakapag-abroad ang iyong mister hanggang sa tuluyang maging masagana at maunlad ang inyong kabuhayan.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa datos ng iyong mister, Kaira, tiyak ang magaganap, hindi matatapos ang taong ito ng 2023 sa last quarter, sa unang linggo ng Oktubre matutupad na rin sa wakas ang malaon n’yong pangarap – makakasampa na sa barko ang iyong mister, at siya rin ang magiging daan upang tuluy-tuloy na umangat at umunlad ang kabuhayan n’yo.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | October 02, 2023


KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako nagkaka-girlfriend, samantalang 29-anyos na ako. Masipag naman akong manligaw, kaya lang, lagi akong naba-busted ng mga babaeng natitipuhan ko.

  2. Pero, hindi pa naman ako nawawalan ng pag-asa. Kaya ngayon, tatlong babae ang sabay-sabay kong nililigawan. May mapapasagot kaya ako sa kanila? Ang mga birthday nila ay August 3, 1998, February 15, 1996 at December 12, 1997 habang September 16, 1994 naman ang birthday ko.

KASAGUTAN

  1. Wala sa tatlong babaeng sinasabi mo ang magiging permanenteng mong girlfriend. Ibig sabihin, wala kang mapapasagot sa kanila, dahil hindi mo sila ka-compatible pagdating sa birth date at zodiac sign. Ganito rin naman ang nais sabihin ng pangit, may bilog at may mga putol na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Pero, kapansin-pansin na naayos at gumanda naman ang dating pangit na Heart Line (Drawing A. at B. h-h) sa gitna hanggang sa dulong bahagi (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Ibig sabihin, hindi pa ngayon lulutang ang babaeng hinihintay mong maging girlfriend. Sa halip, approximately o humigit-kumulang sa edad mo pang 30 hanggang 31 siya mami-meet na pinatunayan naman ng kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) na luminya ng lagpas sa kalagitnaang bahagi ng kaliwa at kanan mong palad.

  3. Kaya tulad ng nasabi na, ang mas maganda mong gawin ngayon ay mag-ipon ka ng maraming pera, sapagkat sa susunod na taon, kusang darating ang isang babae na magiging girlfriend at makakasama mo habambuhay, darating siya sa isang pagkakataon at sa lugar na hindi mo inaasahan. At dahil sa panahon ngang ‘yun ay magkaka-girlfriend ka na, mas okey kung marami kang budget upang lalong maging masaya at mapanatili mo ang maligaya at panghabambuhay na relasyon.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Luciano, mas makakabuting itigil mo na ang panliligaw sa tatlong babaeng ito dahil malaki ang posibilidad na maba-busted ka na naman.

  2. Sa halip, hintayin mong tumuntong ang edad mo sa 30, matapos ang birthday mo sa Setyembre. Sa ganyang paraan, makikita mo na sa panahong tinuran, kusang darating ang babaeng inilaan sa iyo ng kapalaran, na isinilang sa zodiac sign na Taurus, na may birth date na 2, 20, 13, 19 o 29. Siya ang magiging girlfriend at siya na rin ang tuluyan mong mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya sa taong 2025 sa edad mong 31 pataas.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | September 29, 2023



KATANUNGAN

  1. Nabaon kami sa utang simula nang magnegosyo kami ng pautangan. ‘Yung agent namin na nagrerekomenda ng mga umuutang at siya ring naniningil ay hindi na nakabayad, kaya kami ang sinisingil ng financer namin at kapag hindi raw kami nagbayad ay idedemanda niya na kami.

  2. Noong una malakas at nakakabayad sila pero nang tumagal, bihira na lang ang mga nagbabayad. Litung-lito na ako at hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya gusto kong malaman kung may pag-asa pa kaya akong makaahon sa pagkakautang ko. Madalas na rin kami mag-away ng mister ko, at paulit-ulit niyang tinatanong kung bakit umaano ako pumasok sa ganitong problema.

  3. Makaka-recover pa kaya kami at kung susubukan kong mag-apply sa abroad para matakasan ko ang mga problema kong ito, may Travel Line kaya ako?

KASAGUTAN

  1. Walang malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, kaya sa panahong ito, wala pang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.

  2. Samantala, sadyang nahulog sa pagitan ng daliring hintuturo at hinlalato ang matayog at maganda sanang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, maganda sana ang iyong mga hinawakang negosyo. Pero, dahil sa pagiging gastadora at walang habas mong paglalabas ng salapi, bumagsak at nagkandalugi-lugi tuloy ang iyong negosyo.

  3. Buti na lang at may isa pang sumusulpot na Business Line (Drawing A. at B. B-B arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nagsasabing pagkatapos ng mga pagkalugi at pagkabigo sa nakaraang mga negosyong iyong hinawakan, malaki pa ang pag-asa mong maka-recover at makapagsimula ng panibagong pangangalakal tulad ng iyong binabalak.

  4. Tunay ngang sa mga produktong basic needs tulad ng bigas, kape, asukal, sabon, mantika, at iba pang, pang-araw-araw na ginagamit ng mga tao na hindi pupuwedeng mawala sa listahan ng mga bibilhin kapag mamalengke, dahil ang mga bagay na ito ay pangkaraniwan ng pangangailangan ng isang pamilya, ru’n ka na uunlad, aasenso hanggang sa tuluyang maka-recover ang iyong kabuhayan. At tulad ng nasabi na, sa nasabing negosyo, walang duda, ru’n ka na muling yayaman.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Cecil, sa susunod na taong 2024, sa tulong ng iyong asawa (Drawing A. at B. K-K arrow d.), unti-unti na rin kayong makakabayad sa inyong mga pagkakautang at sa pagsapit ng taong 2025, makakapagsimula ka na ng isang bagong buhay at negosyo na may kaugnayan sa grocery at sari-sari store.

  2. Sa pagkakataong ito, kapag natuto ka nang magtipid at hindi na naging magastos pa, tiyak ang magaganap, muli n’yo nang mapapaikot ang inyong puhunan, at du’n na rin magsisimula ang iyong pag-asenso hanggang sa umunlad na muli ang inyong kabuhayan, na kinumpirma at pinatunayan ng Straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing sa taong 2032 sa edad mong 55 pataas, magsisimula nang umasenso ng husto ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na kayong yumaman.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page