top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | November 2, 2023


KATANUNGAN

Ano'ng ibig sabihin kapag maraming bilog ang Heart Line at may isa ring bilog sa Head Line? Ganito kasi ang namataan sa palad ng aking manliligaw. Pero, hindi ko pa siya sinasagot, na-curious lang ako kung ano ang kahulugan nito. Maestro, kailan ko kaya makikilala ang lalaking nakatakda kong maging first boyfriend na makakasama ko habambuhay?

KASAGUTAN

Kapag ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow a.) sa kaliwa at kanang palad ng isang lalaki ay maraming bilog, ito ay tanda na ang nasabing lalaki ay may pagkabakla, at hindi mo naman ito agad mahahalata. Sa halip, kailangan mo muna itong kumpirmahin, ang unang palatandaan ay ang bilog o island sa Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad. Ikalawa, kung ang lalaking nasabi ay mayroong Venus Line (Drawing A. at B. V-V arrow c.) sa kaliwa at kanang palad. Kung mayroon ang manliligaw mo nito. Tiyak na may pagkabading ang manliligaw mo kung saan, bagama't naitatago pa niya ito sa ngayon. Sa bandang huli, kapag matagal na kayong magkakilala, mapapansin mo rin ang kanyang pagiging malambot. Pero siyempre, puwede rin naman siyang umibig sa isang babae at puwede rin sa kapwa niya lalaki.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Hindi naman masamang magduda sa pagkalalaki at mas mabuti pa ngang mag-imbestiga ka sa kanyang buhay upang kapag nakumpirma mong may pagkabading nga ang lalaking manliligaw mo, hangga't maaari ay maisip o mapaghandaan mo na ngayon kung ano ang dapat mong gawin.

  2. Habang ayon sa iyong datos, Odette, ang kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing ang unang magiging boyfriend mo na pangmatagalan at seryoso ay siya na ngang nakatakda mong mapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya na nakatakda mong makilala sa susunod na taong 2024 sa buwan ng Abril hanggang Mayo sa edad mong mong 32 pataas.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | October 31, 2023


KATANUNGAN

  1. Balak ko nang iwanan ‘yung asawa kong may bisyo. Ang kaso, naaawa naman ako sa dalawa naming anak. Ang birthday ko ay January 2, 1989 habang May 16, 1990 naman ang mister ko.

  2. Maestro, magtatagal ba ang aming relasyon? Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano’ng dapat kong gawin. Kaya sana matulungan at mapayuhan n’yo ako.

KASAGUTAN

  1. May parang hugis bilog sa nag-iisang Marriage Line sa kaliwang palad mo (Drawing A. 1-M arrow a.) habang may namataan namang dalawang Marriage Line sa kanang palad mo na kapwa maayos at maganda (Drawing B. 1-M arrow b. at 2-M arrow c.). Ibig sabihin, dahil may bilog o island ang Marriage Line sa kaliwang palad mo (arrow a.) ito ay tanda na sadyang magkakaroon ng problema sa iyong buhay pag-aasawa. Subalit, dahil wala namang bilog o island sa kanang palad (arrow b. at c.), ito ay nagpapahiwatig na maaari mo pa ring maisalba ang inyong pamilya kung gugustuhin mo talaga.

  2. Gayunman, dahil dalawa ang Marriage Line mo sa kanang palad, isang maikli (arrow b.) at isang mahaba (arrow c.) ito ay tanda na kung dalawang beses ka na nagka-boyfriend. Tulad ng nasabi na, malaki ang tsansa na mapanatili at maisalba mo pa ang inyong pamilya na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng zodiac sign mong Capricorn at zodiac sign na Taurus ng iyong mister kung saan, ang Capricorn na may elementong earth o lupa ay tugma at compatible sa isang Taurus na nagtataglay din ng elementong earth o lupa. Kung saan, ang muli n’yong pagkakasundo ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 2 at birth date na 16 o 7 (1+6=7) ng iyong asawa. Ang birth date na 2 at 7 sa aktuwal na senaryo ay laging nagkakatuluyan at nagsasama habambuhay, sapagkat ang birth date na 2 (kabilang ang 11, 20 at 29) at ang birth date na 7 (kabilang ang 16 at 25) ay sadya namang tunay na compatible para sa isa’t isa.

DAPAT GAWIN

Ibig sabihin, Alicia, ayon sa iyong mga datos, nasa iyo ang desisyon kung pananatilihin mong buo ang inyong pamilya. Kaya nga sa sandaling mapatawad at matanggap mo na iyong asawa, basta’t nangako siyang magbabago, magpapakatino, at hindi na muli pang magbibisyo, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2023 hanggang sa susunod na taong 2024, muling mabubuo at magiging maligaya ang inyong pamilya habambuhay.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | October 29, 2023



KATANUNGAN

  1. Kababa ko lang ng barko. Kaya lang dahil mabilis ang daloy ng pera ay kaunti lang ang naitabi ko. Unti-unting naubos ang ipon naming mag-asawa, kaya nag-isip pa ako ng ibang pagkakakitaan habang hindi pa na-a-approve ‘yung panibagong apply ko sa agency or shipping company namin.

  2. Maestro, matutuloy pa kaya ako sa abroad? May maganda rin kayang mangyayari sa muli kong pagsampa?

  3. Sa ngayon ay may asawa’t anak na ako, at nangungupahan lang kami. May pag-asa rin kaya na matupad ang aming pangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa?


KASAGUTAN

Kapansin-pansin na luminaw, humaba at gumanda ang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa isa pa muling panahon ng iyong buhay, tiyak ang magaganap, kung sa nakaraaang pag-a-abroad mo ay medyo pumalpak dahil sa maliit na kita. Sa edad mong 33 pataas, mas magiging produktibo at masagana ang iyong magiging kapalaran sa larangan ng career at pangingibang-bansa, na pinatunayan at kinumpirma ng gumanda at maayos mong lagda na nagtapos sa isang tuwid o straight line na guhit. Ibig sabihin, habang nagkakaedad at tumatanda ka, paganda naman ng paganda ang iyong kapalaran lalo na pagdating sa career at sa aspetong pangkabuhayan.

DAPAT GAWIN

Kurt, ayon sa iyong mga datos tiyak na ang magaganap sa first quarter o unang hati ng taong 2024, sa buwan ng Pebrero o kaya’y Marso, pinakamatagal na sa buwan ng Abril, tiyak ang magaganap, sa ikalawang pagkakataon may ikalawang mas produktibo at mas mabungang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran. Ito ring ang magiging simula upang ang iyong tadhana sa larangan ng materyal na bagay at sa aspetong pagkakaperahan ay tuluy-tuloy na umasenso at lalo pang lumago hanggang sa kusang matupad ang pangarap n’yong mag-asawa na makapagpundar ng sariling bahay at lupa (Drawing A. at B. H-H arrow b.) na magsisimulang mangyari at matupad taong 2032 sa edad mong 41 pataas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page