top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | January 5, 2024



KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako ngayon. Nagbago siya matapos na may mangyari sa amin at nang natuklasan niya ang nakaraan ko. Sabi niya dati, pakakasalan niya umano ako at hinding-hindi iiwan. Pero ngayon, dalawang buwan na siyang hindi nagpapakita mula nang huli kaming mag-date at hindi ko alam kung ano’ng rason niya.

  2. Nagtataka ako kasi hindi rin niya sinasagot ang mga text at call ko. Sarado na rin ang Facebook account niya.

  3. Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin, kaya gusto ko nang makipag-break sa kanya. Ano ba sa palagay n’yo, Maestro, dapat na ba akong makipag-break kasi madalang na lang din kaming magkita? Sana ay matulungan n’yo ako.

 

KASAGUTAN

  1. Kaya nga tayo nakikipagrelasyon para sumaya at lumigaya. Pero, kung malungkot ka naman dahil hindi na nagpapakita ang boyfriend mo at hindi rin sumasagot sa tawag mo, masasabing tama lang ang nasa isip mo na makipag-break ka na sa kanya para nawala ka na rin sa buhay niya. Kung mahal ka talaga niya, malalaman at mararamdaman din niya sa wakas ang tunay mong halaga.

  2. Kaya lang, iba ang nakasulat sa palad mo na kung saan sinasabing hindi kayo maghihiwalay ng boyfriend mo. Ito ang nais sabihin ng maganda at matatag na ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.), na sinuportahan din ng maayos at magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing kapag nag-usap kayo, tiyak ang magaganap hindi matatapos ang buwan ng Enero bago mag-Pebrero, abot na abot sa Valentine’s Day, muli kayong magkakasundo, kasabay nito unti-unti namang iinit at lalo pang sasarap ang inyong pagmamahalan.

 

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Anika, once na makapag-usap kayo ng boyfriend mo, tiyak na ang magaganap sa buwan ding ito ng Enero, walang duda, magkakasunod na uli kayo, upang minsan pa, muling mag-init ang inyong malamig na relasyon hanggang sa tuluyang maganap ang nakatakda na kayo na nga ang magkakatuluyan at habambuhay na magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.

 


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | December 27, 2023



KATANUNGAN

  1. Limang taon na kaming nagsasama ng mister ko, pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming anak, kaya parang nawawalan na kami ng pag-asa. Nakikita rin ba sa guhit ng palad kung ang mag-asawa ay magkakaanak pa o hindi na?

  2. Kung hindi na kami magkaka-baby ng mister ko, payag naman siyang mag-ampon na lang, pero sabi niya ay maghintay-hintay pa kami ng isa o dalawang taon pa.

  3. Sa totoo lang, inip na inip na ako, kaya sumangguni ako sa inyo. Magkaka-baby pa ba kami at kung oo, kailan naman ito mangyayari?


KASAGUTAN

  1. May malinaw namang dalawang Guhit ng Supling o Children Line (Drawing A. at B. 1-C at 2-C arrow a. at b.) sa dalawang lalagyan ng Guhit ng Anak sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Kapansin-pansin ang isang makapal na mahaba ang nauna (arrow a.), habang isang manipis na guhit naman ang ikalawa (arrow b.). Tanda na dalawa ang magiging kabuuang bilang ng inyong magiging anak, habang patuloy kayong nagsasama at nagmamahalan kung saan tinatayang lalaki ang panganay habang babae naman ang posibleng maging bunso.

  3. Ang pag-aanalisang magkaka-baby kayo ay madali namang kinumpirma ng sulat kamay mong kinakitaan ng phallic symbol na nirerepresenta ng lalaking anak na siya ring representasyon ng masigla, normal at malakas na libido na iyong tinataglay sa kasalukuyan. Ibig sabihin, normal ang libido ng iyong sexual system, sa panlabas at panloob na bahagi ng iyong pagkatao, kaya tulad ng nasabi na, walang problema dahil sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, kaunting tiyaga at paghihintay pa, magkaka-baby din kayo.


DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Jamilla, sa susunod na taong 2024 ay malamang na mabuntis ka upang pagsapit ng 2025, sa buwan ng Abril o Mayo, isang malusog at matalinong lalaking sanggol ang isisilang. Lilipas ang humigit-kumulang dalawang taon, sa edad mong 34 pataas, muli kang mabubuntis at sa pagkakataong ito, isang cute at malusog naman na babaeng sanggol ang iyong isisilang, na siyang kukumpleto at magbibigay ng lubos na kaligayahan sa buong pamilya n’yo habambuhay.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | December 23, 2023


 


KATANUNGAN

  1. Maestro, ako ay isang security guard at sa hindi sinasadyang pangyayari, nasangakot ako sa isang kaso. Gusto kong malaman kung nakikita rin ba sa guhit ng palad kung tuluyan na akong matatanggal sa serbisyo? Sa ngayon, nag-aalala ako dahil ‘pag natanggal ako sa serbisyo, wala akong makukuhang benepisyo kahit almost 20 years ko na itong trabaho at maganda na ang posisyon ko sa kumpanya.

  2. Ang isa ko pang concern ay kung sakaling mawalan ako ng trabaho at nagkaroon ng kaunting puhunan, ano’ng negosyo naman ang dapat kong pasukin at saang larangan naman uunlad ang aming kabuhayan at paano ako yayaman?

  3. Sana ay mapayuhan n’yo ako para ngayon pa lang ay maihanda ko na ang gagawin ko kung sakaling tuluyan akong mawalan ng trabaho.

 

KASAGUTAN

  1. Hindi ka masisibak sa serbisyo. Ito ang nais sabihin ng hindi naman naputol, nasira o nawasak na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na bagama’t bahagyang naalog o umuga, (arrow b.) nananatili itong tuwid at matatag. Tanda na anuman ang kauwian ng kasalukuyan mong problema sa trabaho, ‘wag kang kabahan dahil tulad ng nasabi na, anuman ang ibintang nila na hindi maganda laban sa iyo, lalabas din ang katotohanan na wala kang kasalanan. Kapag nangyari ‘yun, hindi ka masisibak sa iyong trabaho at tuluyan ka na ring makakabalik sa dati mong puwesto at maaaring ma-promote pa ulit sa susunod na mga taon at buwan.

  2. Samantala, kapansin-pansin din ang Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na tama ka, may isang panahon nga sa iyong buhay na sa sandaling nakapag-early retirement ka, sa negosyong may kaugnayan sa agricultural products at paghahayupan, may inaasahang malaking pag-asenso at pag-angat ng iyong kabuhayan. Ito ay madali namang kinumpirma ng malinaw, walang bilog at magandang straight Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung sa pagsi-security guard ay hindi ka yumayaman, sa pagnenegosyo, mas malaki ang tsansa na tuluy-tuloy na lumago ang iyong kabuhayan, hanggang sa tuluyan ka na ring yumaman.


DAPAT GAWIN

Sa kasalukuyan, Edmond, ituloy mo lang ang iyong ginagawa at ‘wag ka masyadong magpadala o mamroblema sa kasalukuyan mong sitwasyon. Kahit may bahagya kang suliranin sa trabaho, lilipas din ‘yan dahil sa bandang huli, ang nakaguhit pa rin sa kaliwa at kanan mong palad ang masusunod at matutupad. Gayunman, sa pagbungad ng 2024, maaabsuwelto ka na sa iyong kinakaharap na problema at kasunod nito, malilinis na rin ang iyong pangalan hanggang sa makabalik ka na ulit sa serbisyo hanggang sa maabot mo ang early retirement age. Kapag retired ka na, magnegosyo ka na upang tuluy-tuloy na ring umunlad at lumago nang lumago ang inyong kabuhayan hanggang sa tuluyan ka ng yumaman.

  


 
 
RECOMMENDED
bottom of page