top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 11, 2024



 KATANUNGAN

1.      Alam mo Maestro, matagal ko nang pangarap yumaman. Gusto kong ipasuri ang aking mga palad para malaman ko kung may chance ba akong yumaman.             

2.      Seaman ang aking asawa, pero nakauwi na siya rito. Sa ngayon, may kaunti na kaming naipong puhunan. Balak naming mag-buy and sell ng palay at maging rice dealer, bagay ba sa amin ang negosyong ito, at dito na rin kaya kami yayaman?

3.      Sabi n’yo, yumayaman ang mga taong may birth date na 14 at 8, at ganu’n ang birthday namin. November 14, 1978 ang birthday ng asawa ko at December 8, 1979 naman ang birthday ko.

 

KASAGUTAN

1.      Unti-unting umangat hanggang sa ganap na kumapal ang Guhit ng Negosyo o Business Line (Drawing A. at B. N-N arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na planuhin mo man o hindi, kusang magaganap sa panahong inilaan ng kapalaran ang binabalak mong pagnenegosyo o pangangalakal.

2.      Ang pag-aanalisang makakapagnegosyo ka sa ayaw at sa gusto mo ay madaling kinumpirma ng iyong lagda, na dalawang initial lang at pagkatapos ay simpleng-simpleng isinulat ang iyong apelyido. Tunay ngang ang mga lagdang ganyan, maayos na maayos, suwabeng-suwabe ang pagkakasulat at natapos sa straight line, ang laging nagtatagumpay at umuunlad sa pangangalakal, lalo na kung buy and sell ang binabalak mong negosyo.

3.      Samakatuwid, tama ang iyong plano, tulad ng mamimili ng palay sa panahon ng anihan at ibebenta ‘pag tag-ulan o ipagigiling ito at gawing bigas, upang kapag tumaas ang presyo ng bigas at palay, malaking tubo ang siguradong kikitain mo.

4.      Tulad ng naipaliwanag na, sa nasabing negosyo ka aasenso at magtatagumpay, na kinumpirma rin ng zodiac sign mong Capricorn at birth date mong 8, higit lalo at nagkataong singko (5) ang birth date ng mister mo, dahil ang petsang 14 ay 1+4=5. Tanda na suwerte ang mga Capricorn, ganundin ang mga Taong Otso at Singko sa mga produktong inaani sa bukid o mga kalakal na agricultural products.

5.      Ang tuwid na Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ay tanda na sa panahon ngayon, unti-unti kang nagiging praktikal at materyosa, walang duda na ihuhulog ng langit sa bubong ng inyong bahay ang iyong pangarap na yumaman at ito ay tunay ngang matutupad. 

 

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Kayrie, ituloy mo lang ang binabalak mong trading ng palay at bigas. Kung magsisimula ka na sa susunod na anihan, sa taon ding ito ng 2024. Lilipas pa ang ilang panahon sa taong 2028, sa edad mong 49 pataas, dahil sa nabanggit ng negosyo, tiyak na ang magaganap – mabilis na uunlad ang iyong kabuhayan hanggang sa tuluyan na rin kayong yumaman.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 9, 2024



 KATANUNGAN

  1. Halos tatlong taon na kaming hiwalay ng mister ko. May kinakasama na siya ngayon na ibang babae. Ang pagkakaalam ko, halos dalawang taon na silang nagsasama ng babae niya at may anak na sila. Apat na ang naging anak namin, nasa kanya ‘yung dalawa at nasa pangangalaga ko naman ‘yung dalawa pa.

  2. Sa ngayon, may boyfriend ako at niyayaya na niya akong magsama at ito ang dahilan kaya naisipan kong sumangguni sa inyo. Gusto kong malaman kung tama ba ang pasya ko na makisama na sa boyfriend kong isinilang noong May 2, 1979 habang ako naman ay September 16, 1982. Gayundin, compatible ba kami at kung kami ang magsasama, magiging maunlad at maligaya ba ang bubuuin naming pamilya?

 

KASAGUTAN

  1. Bagama’t kapansin-pansing dalawa ang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, sadya namang biyak at maikli ang una (arrow a.), habang mahaba na makapal naman ang ikalawa (arrow b.) 

  2. Ibig sabihin, kung minalas o hindi ka sinuwerte sa unang pag-aasawa dahil naghiwalay kayo, tiyak namang sa ikalawang pag-aasawa, susuwertehin at papalarin ka na. Ang pag-aanalisang may ikalawang mas masaya at okey na pag-aasawa ay madali namang kinumpirma ng nabiyak at nagkabilog na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa una hanggang gitnang bahagi, pero gumanda, naging maayos at luminaw na ang gitna hanggang sa dulong bahagi ng nasabing Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Ito ay tanda na tulad ng nasabi na, higit na magiging matagumpay at maligaya ang papasukin mong ikalawang pag-aasawa kung ikukumpara sa una. Ibig sabihin, walang pagdadalawang-isip at pagdududa na puwede mo nang tanggapin ang alok ng kasalukuyan mong boyfriend na magsama dahil bukod sa compatible ang zodiac sign mong Virgo sa zodiac sign niyang Taurus, sadya namang napakapositibo at maganda ang ipinapangako ng mga tanda o guhit sa kaliwa at kanan mong palad. 

DAPAT GAWIN

Janine, ayon sa iyong mga datos, kung naging malungkot ang karanasan mo sa larangan ng pag-ibig sa unang pag-aasawa, umasa kang sa ikalawang pag-aasawa o pakikisama sa ikalawang lalaking iyong mamahalin, sa piling ng nasabing lalaking isinilang sa zodiac sign na Taurus na kasalukuyan mo na ngang boyfriend, tiyak ang magaganap dahil may pangako na ng isang maligaya at panghabambuhay na ligaya. 



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Enero 7, 2024



 KATANUNGAN

  1. May kapalaran ba akong makapag-asawa ng lalaki kahit ako ay isang bading? Bakla ako at ngayon ay may boyfriend ako. Siya ang first boyfriend ko at magdadalawang taon na kami. Siya na ba ang lalaking nakaguhit sa aking palad o may darating pang iba? 

  2. Gayundin, may pag-asa ba akong magkaroon ng isang matatawag na pamilya dahil balak naming mag-ampon ng baby, para may makasama kami sa aming pagtanda?


KASAGUTAN

  1. Kapansin-pansing nagtataglay ka ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a. at 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, dalawang beses kang makakaranas ng pangmatagalan at mahabang relasyon, ngunit mahihiwalay ka rin sa una upang ang ikalawa ang panghabambuhay mong makakasama. 

  2. Ganu’n ang kinalabasang pag-aanalisa dahil higit na mahaba at makapal ang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) kung ikukumpara sa unang Marriage Line (1-M arrow a.). Ibig sabihin, dalawang beses kang magkakaroon ng kinakasama o parang asawa na ring matatawag at ang ikalawang lalaking makakatuluyan mo, ang siya na ngang makakasama mo sa pagbuo ng isang masaya, pero hindi katanggap-tanggap sa lipunan, subalit anuman ang sabihin nila, habambuhay na ang nasabing relasyon na hahantong sa maligayang pagpapamilya.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Karla, magkakahiwalay din kayo ng lalaking kinakasama mo ngayon dahil mas maikli ang unang Marriage Line (arrow a.) kung ikukumpara sa mas mahaba at makapal na ikalawang Marriage Line (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. 

  2. Gayunman, dahil hindi naman nabiyak o pumangit ang unang Marriage Line (arrow a.), ibig sabihin lang nito, sa mabuting usapan at maayos na paraan pa rin kayo magkakahiwalay ng unang kinakasama mo ngayon. Pagkatapos nito, tulad ng nasabi na, sa ikalawang pakikisama sa isang lalaking isinilang sa buwan ng Nobyembre o Disyembre, tiyak ang magaganap – siya na ang makakasama mo sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na relasyon na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2025 sa edad mong 34 pataas.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page