top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Ika-10 Araw ng Abril, 2024



 


KATANUNGAN

  1. Ang problema ko ngayon ay ang aking career, mula noong Enero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkakaroon ng trabaho.

  2. Nais kong malaman ang kapalaran ko sa career. Maestro, kailan ba ako magkakaroon ng matino o permanenteng trabaho?

  3. HRM ang natapos kong kurso, pero balak kong sumakay sa barko kaya nag-a-apply din ako roon at may tumutulong naman sa akin para makaalis ako. Saan ako dapat magtrabaho, sa barko ba o rito na lang sa Pilipinas?

  4. Sa isip-isip ko kasi, kahit saan at ano ay papasukin ko na, basta ma-regular ako dahil sawang-sawa na ako sa palipat-lipat na trabaho.

 

KASAGUTAN

  1. Tama ang naisip mong mag-apply sa barko gayung medyo related naman ang natapos mong kurso. Bukod pa roon, may malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung hindi ka nakukuntento sa kasalukuyan mong buhay dahil wala kang masumpungan na regular at magandang trabaho.

  2. Ayon sa iyong mga datos, ang buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay sadyang magiging favorable sa iyo, kaya dapat ngayon ay magpursigi ka na mag-apply at magkumpleto ng mga papeles. Kapag nagawa mo ‘yan, makikita at mare-realize mo na kaya pala hindi ka maregu-regular ng trabaho dito sa ating bansa, dahil nasa barko ang iyong suwerte at magandang kapalaran, na madali namang kinumpirma at pinatunayan ng lagda mong may paalun-alon, ngunit patuloy na sumusulong at umaangat paitaas.

  3. Ito ay malinaw na tanda na nasa pangingibang-bansa, ang iyong suwerte. Hindi lang sa iyong career, kundi pati na rin sa aspetong pangkabuhayan.


DAPAT GAWIN 

Habang, ayon sa iyong mga datos, Lowie, ituloy mo lang ang binabalak mong pagte-training at pag-a-apply sa barko. Kung hindi ka pinapalad na magkaroon ng magandang trabaho sa local companies, tiyak na sa pagse-seaman, sa buwan ng Hunyo o Setyembre, sa edad mong 28 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong kapalaran.


 
 
  • BULGAR
  • Apr 5, 2024

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Ika-5 Araw ng Abril, 2024



 


KATANUNGAN

  1. Napansin ko na straight ang Head Line ng aking palad. Ibig sabihin ba nito ay yayaman din ako? Pero kung magiging kuripot ako at walang pakisama ay ayaw ko nang yumaman. Kasi sabi n’yo nang minsang may nabasa ko sa mga artikulo n’yo, ang yumayaman ay dapat magkuripot.

  2. Puwede bang yumaman kahit hindi maging kuripot at ganu’n ba talaga lahat ng mga yumayaman ay nagiging kuripot at walang pakisama?

  3. Ano ang nakikita n’yo sa guhit ng aking palad, yayaman ba talaga ako? Kasi bukod sa straight ang Head Line ko, ang isa pang napansin ko ay kaunti lang din ang guhit ng aking palad, gayundin, malaman at makapal ang palad ko. Ito ay mga indikasyon sa palad na sabi n’yo ay yayaman ang taong may ganitong uri ng palad.

 

KASAGUTAN

  1. Hindi naman lahat ng mayayaman o yumayaman ay kuripot at walang pakisama, sa halip, karamihan lang naman sa kanila ay kuripot at walang pakisama, dahil kahit ikaw naman, kung ikaw ay magiging bulagsak at galante, paano mo naman mapapanatili ang iyong kayamanan? Kapag hindi ka masinop sa kabuhayan, mauubos at mauubos din ang kayamanan mo kahit gaano pa ‘yan karami.

  2. Dagdag pa rito, kung hindi ka magkukuripot at magsisinop ng kabuhayan, baka kahit super-milyonaryo ka ngayon, mga ilang taon lang, simot na agad ang kabuhayan mo at balik ka na ulit sa dati mong buhay na mahirap pa sa daga.

  3. Kaya ang mayayaman na napapansin n’yong sobrang kuripot, hindi natin sila dapat sisihin, bagkus dapat silang tularan kung gusto nating yumaman at mapanatili ang natamo nating maunlad na pamumuhay.

  4. Samantala, tama ka, Nics. Kandidato ka sa pagyaman, sapagkat kapwa naging straight ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa ayaw at sa gusto mo, may panahon sa iyong buhay na magiging materyoso at tuso ka pagdating sa pera. Hindi mo na mapapansin pa sa iyong sarili dahil mientras lumalago ang iyong kabuhayan at kumakapal ang pera mong naiipon, lalo mo rin itong mamahalin at papahalagahan dahil bago mo nakamit ‘yan, naranasan mo rin kung paano ka inapi ng lipunan at mga kakilala mo dahil sa pagiging mahirap.

  5. At dahil ang mga pang-aapi na iyong naranasan ay nanuot sa unconscious mong isipan, hindi mo lang mabigkas, “Magpapakayaman din ako at kapag mayaman na ako, hindi ko kayo tutularan, magiging mabait ako sa mga katulad kong dating mahirap!”

  6. Kaya lang, ang kalahati ng ipinangako mong ‘yan sa iyong sarili ang matutupad at ‘yun ay ang yumaman, pero ang kalahati ay hindi mo na magagawa. Dahil tulad nila, kapag nasa pedestal ka na ng totoong mayaman, hindi mo na mamamalayan na isa ka na rin sa mga kuripot at “sobrang belekoy” sa iyong barangay o lipunang iyong ginagalawa

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Habang, ayon sa iyong mga datos, Nics, tulad ng inaasahan, hindi na mahahadlangan ang nakatakda mong pagyaman sa edad na 55 pataas at sa taong 2031. Sa panahong ito, kung hindi mo gagayahin ang istilo ng pamumuhay ng mga kakilala mong mayayaman, hindi naman sa kuripot, sa halip ay sinisinop lang ang natamo nilang materyal na bagay, ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) na nahulog sa pagitan ng iyong mga daliri ang nagsasabing kung hindi mo sisinupin ang natamo mong kayamanan, wala pang limang taon, magugulantang ka sa mangyayari. Mabilis na mauubos at masisimot ang iyong kabuhayan at muli kang babalik sa dating hikahos at naghihirap na pamumuhay.

  2. Sa panahong ‘yun, bigla mong maaalala ang artikulong ito at sasabihin sa iyong sarili, “Tama pala si Maestro Honorio Ong, upang umunlad at mapanatili ang kayamanan, kailangang hindi naman magkuripot, ang kailangan ay maging masinop sa kabuhayan.”

  3. Sa ganu’ng paraan, ‘pag naging masinop ka sa kabuhayan, kailanman ay hindi ka na maghihirap at mapananatili mo ang iyong kayamanan, na tiyak namang mamanahin pa ng iyong mga anak, apo at susunod pang mga henerasyon ng inyong saling lahi.Itutuloy…


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran ayon sa Palad | Ika-3 Araw ng Abril, 2024



 


KATANUNGAN

  1. Kay sarap siguro nang may boyfriend, lalo na’t ngayong tag-init. Hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend, kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang ipabasa ang aking kapalaran, lalo na pagdating sa aking love life.

  2. Wala naman akong gaanong problema ngayon, lalo na sa iskul kasi matataas naman ang mga grado ko. Ang problema ko lang talaga ngayon ay wala akong boyfriend habang ang mga kaibigan ko ay may kani-kanya ng boyfriend.

  3. Sana mabasa n’yo ang nakaguhit sa aking palad kung kailan ako magkaka-boyfriend at kung sakaling magka-boyfriend ako, magiging masaya ba at wala ring magiging problema? Isa pa, gusto ko ring malaman kung sino ang magiging first boyfriend ko at kung kailan siya darating sa buhay ko.


KASAGUTAN

  1. Huwag kang masyadong mainip dahil ang pagkakaroon ng special someone ay itinatakda sa bawat buhay ng tao, lalo na sa isang nagdadalagang tulad mo.

  2. Ayon sa guhit na sumangang paitaas (arrow a.) mula sa maganda at maayos na Heart Line (Drawing A at B  h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad, ikaw ay magkaka-boyfriend sa malapit na hinaharap. At dahil “paitaas na sanga” (arrow a.), ito ay patunay na ang nasabing pakikipagnobyo, tulad ng kasalukuyan mong pag-aaral ay wala naman gaanong magiging problema. Bagkus, may pangako pa ng isang masaya at romantikong relasyon.

  3. Ang pagiging matambok na Bundok ng Mercury (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad ay nagsasabi naman na kung hindi isang Virgo ang magiging first boyfriend mo — maaaring  siya ay isinilang sa petsang 5, 14 o 23, maaari rin siyang isang “Mercurian type of personality” kung saan, cute na medyo maliit o hindi  katangkaran ang height, mabilis magsulat, maglakad at madalas magsuot ng kulay puti o blue.

  4. Kapag nagkaroon ka ng  ganyang manliligaw o malapit na kaibigan, sa taon ding ito hanggang 2025,  ‘yun ang palatandaang ang nasabing lalaki ang una mong magiging karelasyon at dahil ikaw din ay may pagka-Mercurian type of personality, tunay ngang magiging masaya at maligaya ang relasyon o pag-iibigan na inyong pagsasaluhan.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kaya naman wala kang dapat gawin sa ngayon, Charlyn, kundi isa-isahin ang mga lalaking nali-link sa iyo o kaya’y mga lalaking crush mo at mga lalaking may lihim na pagtingin sa iyo, dahil paniguradong sa mga oras na ito, kilala at nakikita mo na rin siya, ‘di pa lang kayo nagkaka-developan, dahil ang totoo nito, medyo kinakabahan pa ang nasabing lalaki na ipabatid ng personal ang pagkagusto sa iyo.

  2. Subalit, dahil ang buwan ng Mayo hanggang Hunyo ay magiging significant at mahalagang panahon sa iyong buhay, sa nasabing buwan sa edad mong 21 pataas, tiyak ang magaganap, hindi man umabot sa panahong ito ng tag-araw, abot na abot naman sa panahon ng tag-ulan sa buwan ng Setyembre o kaya’y Oktubre, sa taon ding ito ng 2024, tuluyan nang mabubuo ang inyong pagmamahalan – sa nasasabing panahon, magkaka-boyfriend ka na rin sa wakas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page