top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | June 13, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad


KATANUNGAN 

  1. Nagmahal pa rin ako kahit na alam kong mali. Nakapag-asawa ako dati ng isang lalaking walang kuwenta, kaya nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon namin, ngunit bago matapos ang relasyon namin, nagkaanak kami ng isa.

  2. Heto na naman ako ngayon, umiibig sa isang lalaking may asawa na. Minsan, naaasar at nalilito na rin ako kung ano ba talaga ang susundin ko. 

  3. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang sarili ko na umibig, ang mas masaklap pa sa pamilyadong lalaki pa ako nahulog. 

  4. Tutuparin kaya ng kasalukuyan kong boyfriend ang pangako niya na kapag tuluyan na kaming nagsama, iiwan niya na raw ang kanyang pamilya?

  5. Maestro, siya na kaya ang lalaking makakasama ko habambuhay?

 

KASAGUTAN

  1. There is always some madness in love. But always, there is also some reason in madness” – ang sabi ng German philosopher na si Friedrich Nietzsche. Palagi tayong naiinlab o nagmamahal, pero minsan kahit alam naman natin na kahangalan ang pakikipagrelasyon, bakit hindi pa rin natin ito iniiwasan?

  2. Tama ang philosopher na si Nietzsche, kaya hindi maiwasan ang makamundo at hangal na pag-ibig, dahil sa mga panahong nagmamahal ang isang tao, pansamantala siyang nababaliw o nagiging hangal. Kumbaga, nawawala ang wisyo at napangingibabawan ng pagnanasang sexual.

  3. Sabi naman ng Spanish philosopher na si Calderon de la Barca, “Cuando amor no es locura, no es amor.” Ibig sabihin, “When love is not madness, it is not love.” 

  4. Ganu’n ‘yun! Kaya mahihirapan kang pigilin ang iyong damdamin, sapagkat sa kasalukuyan, malinaw pa sa isang bote ng mineral water, ikaw ay isang hangal, hangal na nagmamahal!

  5. Magkakahiwalay din kayo ng boyfriend mo, ito ang nais sabihin ng nasira na naman at gumuho na ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung ano ang napala mo sa unang pag-aasawa, ganu’n muli ang mapapala mo sa ikalawang pakikipagrelasyon. Matapos ang saglit at pansamantalang ligaya, hindi matatawaran ang isang balde ng luha ang isasakripisyo mo sa pagkawala ng ikalawang pag-ibig na iniisip mong panghabambuhay na, ‘yun pala ay hindi naman na kinumpirma ng wasak-wasak at hindi magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. 

  6. Ito ay tanda na sa minsang lumuha at mabigo, mauulit ang pagiging hangal at tanga sa pagpili ng iibigin ay maaaring hindi mo maiaalis sa iyong ugali, damdamin at isipan.


MGA DAPAT GAWIN 

  1. Hindi naman masamang magpakabaliw sa ngalan ng pag-ibig. May mga pagkakataon kasing hindi naman talaga kayang utusan ng tao ang kanyang sarili para pigilin ang nag-aalab na damdamin. 

  2. Sabi nga ng British writer na si Alan Watts, “Never pretend to a love which you do not actually feel, for love is not ours to command.”

  3. Habang, ayon sa iyong mga datos, Maricar, ang pag-ibig na umiiral noong unang pag-aasawa ay muling iiral sa ikalawang pakikipagrelasyon. Kung paanong nagkamali ka sa unang pag-aasawa, muli kang magkakamali at luluha sa ikalawang pagkakataon upang sa ikatlong pakikipagrelasyon (ikatlong mas malinaw at matinong Marriage Line, 3-M arrow d.), matututo ka nang umibig sa tamang panahon at nilalang. 


Sa sandaling ‘yun, sa larangan ng pag-ibig ay magtatagumpay ka na hanggang sa masasabi mo sa iyong sariling, “I’ve learned my lesson and I will love again!”

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | June 11, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad


KATANUNGAN

  1. Long distance relationship kami ng boyfriend ko. Magda-dalawang taon na rin ang aming relasyon, at nangako siya sa akin na pagbalik niya, pakakasalan niya ako. 

  2. Itatanong ko lang, Maestro, kung siya na ba talaga ang makakatuluyan ko? Matutuloy din kaya ang pangako niyang kasal sa akin?

  3. Ang hirap naman kasing umasa sa walang kasiguraduhan, lalo na kung hintay ako nang hintay, hindi naman pala ako ang makakatuluyan niya. 

  4. Ang isa ko pang kinaiinisan sa kanya, panay siya pangako, pero hindi naman niya tinutupad. 

 

KASAGUTAN

  1. Huwag kang mainip at mainis sa boyfriend mo na puro pangako, pero hindi naman tinutupad, dahil ayon sa zodiac sign mong Gemini at samahan pa ng tuwid at maganda mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa taong 2025, may himala at mahiwagang pangyayari ang magaganap, dahil tiyak na tutuparin na ng boyfriend mo ang matagal na niyang pangako sa iyo.

  2. Ito ay pinatunayan ng kaisa-isang tuwid at maganda mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nangangahulugang na ang unang meaningful at seryoso mong boyfriend ang iyo na ngang makakatuluyan hanggang sa humantong ang nasabing relasyon sa isang maligayang pagmamahalan habambuhay. 

  3. Ang pag-aanalisang kahit long distance kayo ng boyfriend mo at kahit maghintay ka sa kanya ng mahabang panahon, walang magiging problema, dahil madali namang pinatunayan ng maayos, maganda, walang bilog at tumuntong sa Bundok ng Kaligayahan na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaunting tiis na lang, dahil sa susunod na taon, matutupad na rin sa wakas ang pangako ng boyfriend mo at ang papasuki n’yong pag-aasawa ay tiyak aani ng isang masarap at panghabambuhay na ligaya.  

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Minsan sadyang pinaglalayo ng kapalaran ang dalawang pusong nagmamahalan, upang sa kanilang muling pagtatagpo ay mas lalo pang maging sweet at kapanapanabik ang muling pagtatagpo.

  2. Nakatakda itong mangyari at maganap sa susunod na taon, sa buwan ng Hunyo, sa panahon ding kagaya nito na pabuhus-buhos ang malakas na ulan na may kasama pang kulog at kidlat, ganitong panahon kayo tiyak na ikakasal ng kasalukuyan mong boyfriend na magreresulta ng isang successful,  maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | Marso 7, 2024



Kapalaran ayon sa palad

 


KATANUNGAN


  1. Maestro, itatanong ko lang sana kung maiiwasan ko pa ba ang babaeng kasamahan ko sa trabaho?  May asawa na ako, pero nagkaroon kami ng relasyon ng katrabaho kong dalaga, at ramdam ko na gustung-gusto niya ako. Sa ngayon, paulit-ulit pa rin na may nangyayari sa amin at natatakot ako na baka tuluyan ko siyang mabuntis. 

  2. Ang hindi ko lubos maisip kung bakit ako nagustuhan ng babaeng ito gayung may mga binata naman kaming katrabaho?

  3. Ang iniisip ko ngayon ay baka mabuntis siya, bukod kasi sa ayokong magkaanak sa labas, natatakot din ako na baka matuklasan ng misis ko ang lihim naming relasyon, at baka masira pa ang pamilya namin.

  4. May pag-asa pa kayang maiwasan ko ang babaeng ito? Nakaguhit din ba sa aking palad ang magkaroon ng broken family kung sakaling dumating sa puntong matuklasan ng misis ko ang lihim naming relasyon?

 

KASAGUTAN 


  1. Kung hindi buo ang loob mo sa pambababae na ginagawa mo ngayon, Clarence, mas mabuti pang tigilan n’yo na ‘yan, dahil sa bandang huli kapag nagkahulihan, ikaw lang din ang lalabas na kaawa-awa at luhaan.

  2. Alam mo ‘yung mga lalaking nambababae, bago pa nila gawin iyon, tantsado na nila kung paano sila magpapalusot sa kani-kanilang asawa kung sakali mang magkahulian.

  3. “Hindi bagay sa iyo ang pambababae” – ito ang nais sabihin ng magkasamang Head Line at Life Line (Drawing A. at B. H-H at L-L arrow a.) ng mahigit isang pulgada. Ibig sabihin, sa tanang buhay mo, kung tutuusin ngayon ka pa lang natutong gumawa ng kalokohan, kaya hindi mo naisip kung ano ang kahihinatnan nito, na sa bandang huli, dahil hindi ka nga marunong gumawa ng pagkakamali at hindi mo nakasanayang manloko ng iyong kapwa, mahuhuli ka talaga na maaaring ikasira ng pamilyang iniingat-ingatan mo, ito ang nais sabihin ng nawasak at nagulong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Gayunman, mabuti na lang at nanatili pa ring matino ang kaisa-isa at maayos pa ring Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na matapos kang mahuli ng iyong misis, pansamantalang magugulo ang sistema at kaayusan sa buhay ng iyong pamilya, pero tulad ng pangkaraniwang pagsubok na dumarating sa buhay ng isang mag-asawa, malulusutan n’yo rin lahat iyan, hanggang sa muli kang patawarin ng iyong asawa.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Clarence, ngayon pa lang paghandaan mo na ang magaganap, dahil paniguradong sa malapit na hinaharap mabibisto rin ni misis ang ginagawa mong pambababae, pero tulad ng nasabi na, sa umpisa lang kayo maghihiwalay, dahil sa bandang huli, sa sandaling nakiusap at nagmakaawa ka sa kanya na hindi mo na uulitin pa ang iyong pambababae, tulad ng naipaliwanag na, muli kang tatanggapin ng iyong misis upang muling mabuo at maging maligaya ang inyong pamilya.

  2. Sa parte mo naman, pakiusap ‘wag ka na muling mambabae tulad ng ginagawa mo ngayon. Ang isa pang mas mahalagang dahilan, tunay ngang ayon sa iyong mga datos, hindi talaga bagay sa pagkatao mo ang pambababae, nangyaring ganu’n dahil sa pambababae ay hindi ka naman talaga magiging maligaya at sa halip na sarap, ang aanihin mo lang ay sakit ng ulo at dagdag na problema.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page