top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | June 27, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Matagal na kaming nangangarap ng mister ko na magkaroon ng sariling house and lot, dahil nakikitira lang kami ngayon sa bahay ng mga biyenan ko at marami kami rito dahil dito rin nakatira ang mga kapatid na dalaga at binata ng mister ko.

  2. May pag-asa pa ba kaming magkaroon ng sariling bahay at lupa? Pangkaraniwang empleyado lang sa gobyerno ang mister ko habang ako naman ay isang tindera sa palengke.

  3. Apat ang aming anak at nagsisipag-aral pa, kaya hirap kami sa buhay at hindi ko rin maisip kung paano namin magagawang magkaroon ng sariling bahay at lupa, gayung kapos na kapos kami sa pang-araw-araw namin pangangailangan. Gayunman, patuloy kaming nagsisikap at nangangarap na darating din ang panahon na magkakaroon din kami ng sariling bahay at makakaahon din kami sa kahirapan.

  4. Maestro, ano ba ang tamang teknik o paraan upang matupad ang simpleng pangarap na ito ng aming pamilya?

 

KASAGUTAN

  1. Sa tulong ng inyong mga anak, makakaahon kayo sa kahirapan, hanggang sa umunlad nang umunlad ang inyong kabuhayan at makabili kayo ng sariling bahay at lupa.

  2. Ganu’n ang posibleng maganap at ito ang nais sabihin ng malinaw at makapal na Guhit ng mga Anak, partikular ang anak na panganay (1-c arrow a.), ikatlo (3-c arrow c.) at bunso (Drawing A. at B. at 4-c arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Kung susuriing mabuti, ang tatlong nasabing mga anak ang magiging daan upang makaahon kayo sa kahirapan hanggang sa magkaroon kayo ng sariling bahay at lupa sa susunod na mga taon. 

  4. Ang tanging hindi lang gaanong magtatagumpay sa apat mong anak ay ang ikalawa (2-M arrow b.) kung saan hindi masyadong makapal o mahaba ang nasabing Guhit ng Anak (2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na bagama’t magtatagumpay ang tatlo mong mga anak sa larangan ng materyal na bagay, ‘yung ikalawa ay posibleng hindi masyadong umasenso at umunlad, pero kahit na papaano ay maituturing pa ring maganda ang kanyang pamumuhay.

 

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Flor, partikular ang Guhit ng mga Anak (Drawing A. at B. 1-M arrow a., 2-M arrow b., 3-M arrow c. at 4-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad, tiyak ang magaganap – magkakaroon kayo ng bahay at lupa sa taong 2032, sa edad mong 55 pataas, ‘yun ang panahon na magkakaroon na ng matatag at magandang trabaho ang mga anak n’yo.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | June 25, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Ang problema ko ngayon ay tungkol sa aking karera o hanapbuhay. Noon, ako ay nagtatrabaho bilang seaman ngunit napauwi ako dahil sa aking sakit. Sa ngayon, magaling na ako pero nasa bahay pa rin ako at hindi ko alam kung kailan ako tatawagan ng aking agency.

  2. May nakuha akong balita na baka raw tatawagan na ako sa darating na October at sana ay makabalik na kong muli.

  3. Gusto ko sanang itanong, kung kailan kaya ako makakabalik sa barko. Maestro, totoo kaya ‘yun na sa darating na October makakasampa na kaya muli ako?


 KASAGUTAN 

  1. Huwag kang mag-alala, Albert, dahil kitang-kita sa iyong palad ang malinaw na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nangangahulugang kailangan mo lang maghintay. 

  2. Sa ikalawang pagkakataon, magkakaroon ka na ng mabiyayang pangingibang-bansa na nakasulat sa iyong kapalaran, at kinumpirma ng pumangit pero gumanda mong lagda na mas gaganda ang career at propesyon mo lalo na sa pagiging seaman.

  3. Ang mga datos sa itaas ay nagpapatunay din na kung nakapag-abroad ka na dati, ‘yun pa rin ang mangyayari. Kaya tiyak na may ikalawang pag-a-abroad sa iyong kapalaran na madali namang kinumpirma ng maganda at maayos mong Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.).  Ibig sabihin, habang nagkaka-edad ka, gaganda pa nang gaganda ang career mo, at lalo pang sasagana ang iyong karanasan sa edad mong 34 pataas.

 

DAPAT GAWIN

Mahalaga na huwag kang mawalan ng pag-asa at magtiyaga sa paghihintay, dahil sa huli ng taon, sa Oktubre o Nobyembre, tiyak na mas mabibiyayaang ka na ng oportunidad sa ibang bansa.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | June 23, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad


KATANUNGAN


  1. Ang problema ko ay tungkol sa aking pamilya. Mag-iisang taon na kaming hiwalay ng aking asawa. Nais ko sanang malaman at itanong sa inyo kung magkakabalikan pa ba kami o hindi na?

  2. Kung hindi na kami magkakabalikan, may ikalawa pa kayang lalaki na darating sa buhay ko kahit na medyo may edad na ako ngayon?

  3. Kung ang tatanungin naman ang aking palad, napansin ko na may ikalawang guhit ako ng marriage line. Kaya naisip ko na posible pa akong magkaroon ng ikalawang pag-aasawa, dahil ang asawa ko lang sa ngayon ang nakarelasyon ko sa buong buhay ko.

  4. Kung may ikalawang pag-aasawa nga, kailan kaya ito mangyayari at magiging maligaya kaya ako sa ikalawang pag-aasawa?



KASAGUTAN


  1. Kapansin-pansin at malinaw na may nakita nga akong ikalawa at mas mahaba at mas makapal na Marriage Line (Drawing A. at B., 2-M arrow b.), matapos mabiyak at tuluyang mawasak ang unang Marriage Line (Drawing A. at B., 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanang palad mo.

  2. Ito ay malinaw na tanda na kung nabigo ka na sa unang pag-aasawa at naghiwalay kayo, may pag-asa ka pang maging masaya sa ikalawang pag-aasawa. Ito ay kinumpirma ng pumangit na Heart Line (Drawing A. at B., h-h arrow c.) mula sa unahan hanggang gitna, at ang pagpapakita ng potensyal na pang habambuhay na pag-ibig mula sa gitna hanggang huling bahagi ng Heart Line (Drawing A. at B., h-h arrow d.) sa kaliwa at kanang palad mo.

  3. Ito ay tanda na sa pagtungtong mo sa edad na 36 pataas, kung hindi man maganda ang unang pag-aasawa, posible pa ring magkaroon ng matagumpay, masaya, at panghabambuhay na pag-aasawa sa ikalawang pagkakataon. Ito ay inaasahang mangyayari sa 2025 o 2026, sa edad mong 37 pataas.

 

MGA DAPAT GAWIN


  1. Sa totoo lang, hindi lahat ng pag-aasawa ay nagtatapos sa isang maligaya at panghabambuhay na pagsasama, dahil may mga pagkakataon ng pangangaliwa. Pero, hindi ibig sabihin nito na tapos na ang buhay at kapalaran mo. Maaari pa ring magkaroon ng masayang pangalawang pag-ibig sa hinaharap.

  2. Habang ayon sa iyong mga datos, Zabi, ang nasabing senaryo o pangyayaring tinuran sa itaas, tulad ng nabanggit na ay nakatakdang mangyari at matupad sa iyong kapalaran, kung saan, sa taong 2026 sa buwan ng Mayo o Hunyo sa edad mong 37 pataas, makapag-aasawa kang muli at habambuhay na liligaya, hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page