top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 1, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Nagtatrabaho ako ngayon bilang isang call center. Kaya lang, naliliitan ako sa aking suweldo. Bukod sa palagi na akong puyat, malayo pa ang inuuwian ko. 

  2. Balak ko nang mag-resign at lumipat sa ibang company na may mataas na offer. Kung sakaling lilipat ako, papalarin naman kaya ako? Marami sa mga kasamahan ko ang lumipat na sa ibang kumpanya, naiinggit ako sa kanila dahil ang laki na ng sinusuweldo nila.

  3. Maestro, dapat ba akong lumipat o magtiyaga na lang ako sa kasalukuyan kong kumpanya at hintayin ko na lang na taasan nila ang suweldo ko tutal gamay ko na ang trabaho ko rito?


KASAGUTAN

  1. Tama ang iniisip mo, pera-pera lang ang labanan sa panahon ngayon. Kaya Cherry, mas mainam ngang lumipat ka na sa ibang kumpanya na magbibigay sa iyo ng mas malaking suweldo, kaysa sa kasalukuyan mong kumpanya na maliit lang ang suweldo. 

  2. Tunay ngang sa paglipat mo, paniguradong mas magiging maganda ang future mo, lalo na sa aspetong pampinansyal. Ito ang nais sabihin ng nagbago, pero makapal na Fate Line o tinatawag din nating Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tulad ng nasabi na, tama ang iniisip mong paglipat sa ibang kumpanya kung sadyang mababa ang sinusuweldo mo sa kasalukuyan. Kung mas maganda ang offer sa ibang kumpanya, roon ka mas uunlad at aasenso.

  4. Ang pag-aanalisang mas uunlad ka sa ibang kumpanya ay madali namang kinumpirma ng destiny number mong 1 na nagsasabing habang hindi mo pa natatagpuan ang makatarungang suweldo na gusto mong itapat sa ginagawa mong paglilingkod, magpalipat-lipat ka, hanggang sa suwertehin at umasenso ka. Kung ang mapapasukan mong bagong kumpanya ay may kulay dilaw, berde o kaya’y itim na logo. Sa nasabing kumpanya, tataas at lolobo ng doble-doble ang iyong suweldo, at mas mabilis kang uunlad at aasenso. Kung saan, mabibili mo na ang halos lahat ng luho, gusto mong bilin, at may tsansa ka pang makapag-ipon.

  

DAPAT GAWIN

  1. Ayon sa iyong mga datos, Cherry, siguraduhin mo munang tanggap ka na sa lilipatan mong kumpanya bago ka mag-resign. Sa ganitong paraan, kahit na nag-resign ka, hindi ka mawawalan ng trabaho at hindi ka mababakante. Sa halip, tuluy-tuloy pa rin ang iyong suweldo.

  2. Habang ayon sa malawak at malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad, bukod sa tataas na iyong suweldo, magkakaroon ka pa ng pagkakataon na makapangibang-bansa, kaya lalo mo pang ma-e-enjoy ang iyong trabaho. Kung saan, nadagdagan na ang iyong suweldo, nakapag-abroad ka pa ng libre. Ang nasabing suwerte at magandang kapalarang nabanggit ay nakatakdang mangyari sa susunod na taong 2025 sa edad mong 31 pataas. 



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | July 30, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Gusto ko nang umalis sa kasalukuyan kong trabaho. Maliit na nga ang suweldo, masungit pa ang mga amo ko.

  2. Kaya naman agad akong napaisip na kung sakaling aalis ako rito, may mapapasukan pa kaya akong mas maganda at mas malaking suweldo? 

  3. Nagdadalawang isip kasi akong umalis dahil baka mapabilang lang ako sa mga taong walang trabaho, at ‘yun ang dahilan kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo upang ipaanalisa ang aking kapalaran, lalo na pagdating sa aking career. Kung sakaling umalis ako rito, makakahanap pa kaya ako ng magandang trabaho? 


KASAGUTAN

  1. Kung dito ka lang sa Pilipinas magtatrabaho at kabilang ka sa isang tipikal o pangkaraniwang empleyado, kahit tumuwad ka pa wala kang magagawa sa maliit mong suweldo dahil sobrang liit naman talaga ng suweldo rito sa ating bansa. Tulad ng nasabi na kahit tumuwad ka pa riyan sa kinauupuan mo, hindi ka talaga aasenso rito.

  2. Sa halip, ganito ang nais ipagawa ng iyong kapalaran. Mas mabuting mag-abroad ka para mas madali kang umasenso. Ito ang nais sabihin ng maaliwalas, makapal, maganda at malawak na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  3. Tanda na kung aalis ka lang sa kasalukuyan mong kumpanya dahil maliit kamo ang iyong suweldo at pagkatapos ay sa isa na namang kuripot na kumpanya ka lilipat ng trabaho, eh ‘di balewala rin ang gagawin mong paglipat dahil karamihan sa mga kumpanya rito sa ating bansa ay puro kuripot.

  4. Kaya ang nais sabihin ng malinaw na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad na kinumpirma ng iyong lagda na umaalun-alon na animo’y nagtatangkang lumipad at umangat paitaas, wala rito sa ating bansa ang magandang kapalaran mo, bagkus nasa pangingibang-bansa upang mas suwertehin at umasenso ka.

  

DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Donna, kung susubukan mo na mag-apply sa abroad, sa buwan ng Nobyembre o Disyembre, pinakamatagal na sa susunod na taon, tiyak ang magaganap, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa ang itatala sa iyong karanasan na magiging daan o simula upang tuluy-tuloy kang umunlad at umasenso.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Palad | July 28, 2024


Kapalaran ayon sa palad

 


KATANUNGAN


  1. Isa akong OFW dati sa Hong Kong. Natapos na ang kontrata ko kaya naman napauwi ako. Sa ngayon, balak ko sanang mag-apply sa Dubai bilang domestic helper.

  2. Mula nang magka-pandemic, nabakante na ako kaya naman naubos din ang naipon ko. Maestro, makakaalis pa kaya ako?

  3. Bukod sa naubos na ang mga ipon ko, baon pa kami sa utang. Ang trabaho ng asawa ko ay karpintero, pero ‘di naman sapat ang kinikita niya para sa pang-araw-araw na gastusin at pangangailangan namin.

  4. Sa palagay n’yo, may pag-asa pa kayang umunlad ang buhay namin? May chance pa rin kaya ako na makaalis patungong abroad kahit na medyo may edad na ako ngayon?  


KASAGUTAN 


  1. Kusang huminto at tila hindi na magpapatuloy ang matayog mong Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) na tinatawag din nating Career Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Subalit ang nakakatawa, matapos na huminto ang Fate Line na tinatawag din nating Career Line, (arrow a.) muling sumulpot ang malinaw at makapal na Fate Line (F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na tulad ng nasabi na, matapos kang mawalan ng trabaho dahil sa pandemic, tiyak ang magaganap, muli kang makakahanap ng bagong trabaho na magreresulta upang tuluyang umunlad ang iyong creer  bilang isang domestic helper na madaling pinatunayan ng  malinaw at malawak na ikalawang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  2. Tanda na sa ikalawang pagkakataon, mas papalarin at sasagana ang pangingibang-bansa mo sa Dubai. Ang pag-aanalisang tuluyan kang makaka-recover sa nakaraang pangit na kapalaran ay madali ring kinumpirma ng gumanda at naayos sa gitna hanggang sa dulong bahagi ng iyong lagda.

  3. Tanda na sa edad mong 39 pataas, muling uunlad at lalago ang inyong kabuhayan, dahil sa napipintong ikalawang mas mabunga at mas mabiyayang pangingibang-bansa.

 

MGA DAPAT GAWIN


Habang ayon sa iyong mga datos, Maricar, ‘wag kang malungkot at mag-alala. Sa halip, lakasan mo ang iyong loob at magdiwang ka dahil tiyak ang magaganap ngayong 2024, muli kang makakapag-abroad, at ito ay magaganap sa buwan ng Oktubre o Nobyembre, higit na mas uunlad at sasagana ang ikalawa mong pangingibang-bansa. Ito rin ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page