top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 25, 2024


Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN


  1. Mahirap lang kami, kaya naman nais kong malaman kung may pag-asa ba akong umunlad sa buhay?

  2. Maestro, gusto ko rin sanang malaman kung may guhit ba ng pagyaman sa aking palad? Kung sakaling mayroon, sa paano paraan naman kaya ito matutupad?

 

KASAGUTAN


  1. May guhit ng aliwalas na Travel Line at may Guhit ng Negosyo (Drawing A. at B. t-t arrow a. at N-N arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, may pag-asa ka pang makaahon sa kahirapan hanggang sa unti-unting umunlad sa pamamagitan ng dalawang bagay. Una, makakapaglakbay ka at pagkatapos, kapag may naipon ka na, makakapagtayo ka rin ng negosyo hanggang sa unti-unti itong umunlad.

  2.  “Umunlad” lang ang binabanggit nating salita dahil hindi ito guhit ng pagyaman, sapagkat ang Head Line (Drawing A. at B. H-H) sa kaliwa at kanan mong palad ay natagpuang sloping o pakurbang pabilog na Head Line (arrow c.). Ito ay tanda na sa panahong medyo maunlad ka na at hindi ka masyadong magiging materyoso at dahil hindi ka magkukuripot sa iyong mga kasambahay, kamag-anak at kakilala. Sa bandang huli, imbes na yumaman, makakaalpas sa iyong mga kamay ang pagkakataong ito hanggang sa sumapit ang kalagayan ng iyong buhay na masasabing hindi ka mahirap at hindi rin mayaman, bagkus nasa middle class ka lang. Kumbaga, hindi ka kinakapos at may kaunting ipon para sa emergency o para sa future ng iyong pamilya.


MGA DAPAT GAWIN


  1. Habang ayon sa iyong mga datos, Ghelyn, uunlad ang buhay mo dahil sa pag-a-abroad at pagnenegosyo, pero huwag ka umasang yayaman ka dahil hindi mo magiging ugali ang labis na paghahangad sa salapi.

  2. Gayunman, dahil habang may buhay, may pag-asa, masasabing kung sisimulan mo nang ugaliin ang mga katangiang nakikita sa mga mayaman na tulad ng pagiging kuripot at labis na pagmamahal sa salapi, tiyak ang magaganap, sampung taon mula ngayon, sa 2034, hindi lang pag-unlad kundi pati na rin ang pagyaman ang makakamit mo sa edad mong 48 pataas.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 22, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Ang problema ko ngayon ay ang ex-boyfriend ko. Iniwan niya na ako, at nakipagrelasyon siya sa ibang babae, kaya naman tuluyang nauwi sa hiwalayan ang relasyon namin. 

  2. Sa ngayon ay 29-anyos na ako. Medyo nalulungkot ako kasi kung kailan ako tumanda, saka pa kami naghiwalay ng boyfriend ko.

  3. Maestro, saan at kailan ko kaya makikilala ang lalaking itinadhana sa akin ng kapalaran? Ano rin ang palatandaan niya?

 

KASAGUTAN

  1. Kapag ang babae ay tumungtong sa edad na 29, dapat hinahanap na niya ang kanyang “destiny”. Dapat ka nang kumilos, dahil malapit ka na mag-30. Ibig sabihin, ngayon mo na dapat hanapin si Mr. Right.

  2. Kapansin-pansing may dalawang namataang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M at 2-M arrow a. at b. at arrow c. at d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Sa kaliwa, kapansin-pansin na parehong maayos ang nasabing dalawang Marriage Line (Drawing A at 1-M at 2-M arrow a. at b.) Samantalang sa kanang palad (Drawing B. 1-M), nabiyak ang unang Marriage Line (1-M arrow c.) habang buo at maganda naman ang ikalawang Marriage Line (Drawing B. 2-M arrow d.). Ibig sabihin, sa ikalawang pakikipagrelasyon ka magtatagumpay, at habambuhay na liligaya. Ang nasabing lalaki ay kakilala mo, at nagtataglay siya ng zodiac sign na Virgo o kaya’y Capricorn.

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kaya ayon sa iyong mga datos, Angelika, tunay ngang ang palatandaan ng lalaking iyong mapapangasawa ay medyo kayumanggi ang kulay, mas matangkad sa iyo, at tulad ng nasabi na, nagtataglay siya ng zodiac sign na Virgo o Capricorn.

  2. Samantala, ayon sa iyong Love Calendar, mabubuo na ang inyong relasyon ngayong 2024, sa buwan ng Disyembre. At  pagdating naman sa susunod na taon. Bago ka sumapit sa edad na 30 pataas, tuluyan na kayong magpapakasal ng nasabing boyfriend mo at bubuo ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | August 20, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN 

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil may ilang katanungan lang ako na gusto kong malaman. Una, ‘yung boyfriend ko, 3 taon na kami. Nais ko sanang malaman kung ang kasalukuyan nobyo ko na ba ang makakatuluyan ko?  

  2. Pangalawa, tungkol naman ito sa career ko. Graduate na ako ng kursong accountancy at nagse-self review na ako. Kung sakaling mag-take ako ng CPA board exam sa susunod na taon, makakapasa kaya ako?

  3. Matagal n’yo na kaming tagasubaybay. Elementary pa lang ako, bumibili na ng Bulgar newspaper ang nanay at tatay ko. Hangang-hanga ako sa inyo, kaya sana sa pamamagitan n’yo ay malaman ko rin ang future ko.


KASAGUTAN

  1. Iisa lang ang namataang malinaw at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na kung 3 years na kayong nagmamahalan ng boyfriend mo na nagkataong Aquarius ang zodiac sign niya, habang ikaw naman ay Libra, tiyak ang magaganap – kayo na nga ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.

  2. Habang ang tuwid at magandang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad ang nagsasabing tiyak na makakapasa ka sa board exam at magkakaroon ka ng magandang career. Sapagkat ang nasabing Fate Line na tuwid at maganda (arrow b.) ay madali namang nakarating sa Bundok ng Tagumpay (arrow c.). Tanda na sa kursong accountancy, tulad ng iyong inaasahan, magtatagumpay at magkakaroon ka ng maunlad na career sa susunod na mga dalawa hanggang tatlong taon.

  3. Ang pag-aanalisang makakapasa ka sa CPA board exam ay muli at madali namang kinumpirma ng Effort Line (Drawing A. at B. E-E arrow d.) na nakatungtong sa Bundok ng Katuparan (arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na isang kuha lang ng nasabing exam, walang mintis ay makakapasa ka.


DAPAT GAWIN

Ayon sa iyong mga datos, Katlyn, ang kasalukuyan mong boyfriend ang nakatakda mong makatuluyan at ang mapangasawa. Tinataya itong maganap sa taong 2027. Subalit bago maganap ang nasabing pag-aasawa, makakapasa ka muna sa board exam hanggang sa magkaroon ka ng matagumpay na career sa isang sangay ng ating pamahalaan, na nakatakda namang mangyari sa 2025 sa edad mong 25 pataas.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page