top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 10, 2021


ree


Inanunsiyo ni Chito Miranda na may bagong song album ang banda niyang Parokya ni Edgar.


Ang album ay tatawaging "Borbolen."


Ayon kay Chito, ilan sa mga kanta sa bagong album ay isinulat nila matapos na ilabas ang album nila na "Pogi Years Old," limang taon na ang nakararaan habang ang ibang kanta sa "Borbolen" ay ginawa nila ngayong panahon ng pandemic.


"'Yung iba, sinulat at ni-record namin during the pandemic and was recorded and mixed via email and Google Drive," aniya. "Kumbaga pasahan lang ng files."


Kabilang din sa ilalabas nilang kanta ay kasama dapat noong inilabas ang album na “Bigotilyo” ngunit hindi pinayagan noong taong iyon.


Available ang "Borbolen" sa lahat ng digital platforms.


Ilan sa mga kantang pinasikat ng Parokya ni Edgar ay Buloy, Bagsakan, Inuman, Halaga, Gitara, at iba pa.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 17, 2021


ree

Ginawaran ng Kim Jiseok Award sa prestihiyosong 26th Busan International Film Festival sa South Korea ang pelikulang “Gensan Punch” na dinirek ng award-winning director na si Brillante Mendoza.


Tinalo niya ang iba pang nominated films mula sa mga bansang Azerbaijan, Bangladesh, China, India, Japan, Philippines, at Singapore.


Ang “Gensan Punch” na isang Filipino-Japanese film ay isang HBO Asia Original film na kinunan sa Pilipinas at Japan.


Kabilang sa mga aktor ay sina Shogen, Ronnie Lazaro, Kaho Minami, Beauty Gonzales, at Vince Rillon.


Naging inspirasyon ng pelikula ang tunay na istorya ni Naozumi Tsuchiyama, ukol sa isang Japanese na may prosthetic leg at nagtungo sa Pilipinas upang mag-ensayo para matupad ang pangarap na maging professional boxer.


Ang Kim Jiseok Award ay iginagawad sa isang pelikula na sumisimbolo sa repleksiyon sa Asian cinema.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 8, 2021


ree

Ikinuwento ng South Korea-based Filipino actor na si Christian Lagahit ang ilan sa kanyang mga hindi malilimutang karanasan sa pagiging parte niya ng sikat na serye na "Squid Game."


Lumabas ang karakter ni Lagahit sa episode 4 ng serye.


Sa isang panayam, ikinuwento niya kung paano siyang na-inspire sa isa sa mga bida ng serye na si Park Hae-soo para magampanan niya nang mahusay ang kanyang karakter bilang si Player 276.


“Medyo awkward po ako ng first two days ko. Kasi ang alam ko lang po talaga ay three days lang 'yung character ko. So nagulat lang po ako ng first two days, nandoon na, 'yung na-starstruck ka. Parang hesitant ka to approach them, kasi bago ka sa set... But then sila na po mismo 'yung lumalapit," aniya.


“Like si Park Hae-soo, na-notice niya ako na medyo awkward ako sa set kasi literal na parang dumidistansiya ako sa kanila. Sila na mismo ang nag-approach... Sinabihan niya ako na, 'Don't feel alone, you are part of this team. Don't think of your role as a small role.'"


"Noong sinabi niya 'yung mga katagang 'yon, parang doon ako na-energize, doon ako nagkaroon ng lakas ng loob na, 'Okay, makiki- mingle ako sa kanila.' And the rest was history."


Aniya, hindi ang Player 276 ang kanyang target na karakter.


Nabigyan daw siya noon ng pagkakataon na mag-audition para sa karakter ni Ali.


"To be honest, I was given the opportunity to audition for the role of Ali, which is played by my dear friend. Noong 2019, nagkaroon din po ako ng full-length drama, so napabilang ako as one of the cast. From there, siguro nakitaan nila ng potential," aniya.


“Then umuwi kasi ako ng 2020, so parang nagkaroon ng things to do with the schedules. So pagbalik ko ng Korea after my break sa Philippines, parang naibigay na 'yung role sa iba. Then sabi ko, okay lang. Halfway ng last year, tumawag sa akin ang manager ko, parang sinasabi niya 'yung production bibigyan ka ng special appearance o special role, then 'yun na nga po ang Player 276," paliwanag ng Pinoy na aktor.


Ibinahagi rin ni Lagahit na taong 2015 nang magtungo siya sa South Korea at nagsimulang mag-backing actor noong 2016.


Noon na rin siya nagsimulang magtungo sa mga casting call at audition.


Noong 2017 ay naging parte siya ng South Korean film na "The Negotiation" na pinagbibidahan nina Hyun Bin at Son Ye-jin at hanggang sa ngayon ay tuluy-tuloy na ang kanyang karera sa pag-arte sa South Korea.


Bukod sa pagiging aktor, si Lagahit ay isang data analyst at presidente ng isang Filipino community sa South Korea.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page