top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 15, 2022


ree

Inanunsiyo ng Coachella, ang isa sa world's largest music and arts festivals na magbabalik ito sa April 2022.


Ayon sa kanilang pinakabagong announcement, ang featured musical acts ngayong taon ay kinabibilangan nina Harry Styles, Billie Eilish, at Ye (formerly known as Kanye West).


Kabilang din sa lineup sina Daniel Caesar, Phoebe Bridgers, Big Sean, Megan Thee Stallion, Doja Cat, Carly Rae Jepsen, 21 Savage, at Joji.


Ipi-feature sa festival ang 88 Rising’s “Head in the Clouds Forever” at Swedish House Mafia’s “return to the desert.”


Ayon pa sa announcement, ang Coachella 2022 ay nakatakdang ganapin sa April 15 to 17 at April 22 to 24 sa Empire Polo Ground sa Indio, California.


Naglabas na rin ito ng mga teaser simula noong nakaraang taon matapos ang mga kanselasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.


Gayunman, inilabas na ng festival ang lineup sa kabila ng nakaaalarmang surge ng COVID-19 cases sa United States.


Ayon sa kanilang post, ang presale para sa first weekend ay sold out na. Ang presale naman para sa Weekend 2 ay binuksan nitong Biyernes, Jan. 14, 10 a.m. PT.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 29, 2021


ree

Nakikipag-ugnayan na umano sa Netflix ang direktor ng hit series Squid Game na si Hwang Dong Hyuk tungkol sa ikalawa at ikatlong season nito.


“I think we’ll be reaching some sort of conclusion [to our discussions] soon," ani Hwang Dong Hyuk sa isang pahayag. "We know that many people are waiting, so everyone is working hard to prepare for the next season with a positive outlook."


Ayon pa sa direktor, iikot ang season 2 sa karakter ni Lee Jung Jae na si Seong Gu Hun tungkol sa pagtuklas sa mga misteryo ng organisasyon na nasa likod ng mga deadly games.


"The overarching plotline of Season 2 will be the story of the people that Gi Hun meets and the people he chases after," aniya.


Matatandaang nangako si Hwang Dong Hyuk na magkakaroon ng season 2 ang hit show, at ayon pa sa report ng Soompi, posibleng magkaroon pa ito ng third season.


"It’s true that we are discussing a wide variety of possibilities for 'Squid Game,' including the production of a Season 3, but nothing has yet been set in stone," pahayag nila.


Simula nang i-release ang “Squid Game” noong Setyembre ay tinagurian na itong Netflix’s biggest show.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 28, 2021


ree

Inanunsiyo ng bandang UDD o kilala sa dating pangalan na Up Dharma Down na umalis na sa banda ang bokalista nito na si Armi Millare.


Nitong Disyembre 26, ibinahagi ng banda sa publiko na kumalas na sa banda si Millare noon pang Hunyo matapos ding umalis sa Terno recordings.


“Last June, I decided to sever ties with Terno Recordings, its mother company MTME and as a consequence of this, my band, UDD. For the last 17 years, I have experienced and learned so much in the company of my bandmates along with every person we have had the pleasure of interacting with,” pahayag ni Millare sa Instagram.


"UDD has remained my longest relationship—one that I've tried to keep sacred and tried to preserve with the principles I have upheld from the moment I learned that I had a dream: that one day I would be in that one band I would dedicate my life to."


“I see that there was more progress than perfection during our time together and I'm willing to let it end where it has. We had a good run”, dagdag pa niya.


Sa isang interview, ipinaliwanag ng singer/songwriter ang dahilan ng kanyang pag-alis sa banda at sa kanyang label.


“I was very young when I signed with the label; I was barely in my twenties and just wanted a record out. As I got older, I started to become more concerned about many things artists are not privy to. But my loyalty was always with UDD," ani Millare.


"But if anyone ever said anything about the band, I’d be the first person to defend it. Because that was my castle – that’s where I lived and ate. I knew what it took to get to where we got. It was a lot of work.”


Sinabi rin niya na marami siyang realizations dahil sa pandemya: “[The pandemic] changed my perspective on what matters: things like quality of life, overall satisfaction, moral standards – like how much integrity matters to some of us, and how little time we actually have left.”


Ipinaliwanag din ni Millare ang dahilan kung bakit siya umalis sa kanilang label na Terno Recordings.


"I loved every bit of what we did together, but we were doing it waytoo much," she shared. "I felt very responsible for everybody even when I was unwell. And many times I was unwell.”


"I didn't know any better until I just felt my body literally giving up."


Ang UDD na binubuo nina Millare, drummer Ean Mayor, lead guitarist Carlos Tañada at bassist Paul Yap, ay nabuo noong 2004 at nakapag-release ng apat na album na may mga kantang nagpasikat sa kanila tulad ng Oo, Pag-agos, Tadhana, Sana, at Sigurado.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page