top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 8, 2025





May nag-post ng photo na kasama nina Ruffa Gutierrez, Karla Estrada at Vina Morales si Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Ball 2025. Ang tsika, lumapit si Kathryn sa puwesto ng tatlo at nagbeso bilang pagbati. 


Kahit naman break na sina Kathryn at Daniel Padilla, may respeto pa rin ang una kay Karla.


Si Ruffa naman ay naging mom niya sa The House Arrest of Us (THAOU), at maganda rin ang kanilang samahan, kaya walang rason para hindi niya ito lapitan at batiin. 


Hindi kami sigurado kung nagkatrabaho na sina Kathryn at Vina, pero binati rin ni Kath ang singer-actress.



Ang sabi ng mga nasa ABS-CBN Ball, nagbeso-beso rin sina Kathryn at Daniel at kasama pa raw that time ni Kath si Kyle Echarri. 


Natuwa pa nga ang mga nakakita sa eksenang ‘yun, kaya lang ang sumunod na tsika ay nagkainitan daw sina Daniel at Kyle.


May nakita kaming video after the party, magka-holding hands na naglalakad sa lobby ng Solaire North sina Karla at Daniel, nagkukuwentuhan at nagtatawanan. 


Sa sobrang tawa nga ni Daniel, tila napaliyad pa. Naka-tsinelas na lang si Daniel at naka-rubber shoes na si Karla at casual dress na ang suot. 


Para namang walang nangyari sa pinanggalingan nilang party.



Tinupad ni Alden Richards ang nabanggit na magpapa-block screening siya para sa pelikula nina Kim Chiu at Paulo Avelino na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) bilang suporta sa mga bida ng Star Cinema movie.


Nangyari ang pa-block screening ni Alden sa KimPau movie last Sunday sa EDSA Shangri-La Premiere Cinema na dinaluhan nina Kim at Paulo. Ang kasama nilang nanood ay gym buddies nila at ang members ng Breakfast Club ni Alden.

Sabi ni Kim, “Thank you @aldenrichards02 para sa napakabonggang screening with our @thegrin_method fam!!! SOLID!!! Thank you appreciate you and lahat ng nagpunta. Salamat sobra!” 


Pinasalamatan din si Alden ng Star Cinema, “Thank you for your love and support,” at ipinaalalang nasa second week na ng showing ang nabanggit na pelikula.


Masaya ang nasabing block screening at pinuri ng mga um-attend ang food na catered ng Cibo at Manila Craft. May nagbiro tuloy na sana, madalas magpa-block screening si Alden hindi lang dahil sa movie ng mga kaibigan niya, para na rin sa masarap na food.


Unang naging friend ni Alden si Paulo noong nasa GMA pa ang huli at nagkasama sila sa seryeng Alakdana. Kahit lumipat sa ABS-CBN si Paulo, nanatili silang magkaibigan. 

Naging kaibigan naman ni Alden si Kim dahil dinala siya ni Paulo sa gym na kanilang pina-patronize at nakasama pa sa pagtakbo.



SI Sanya Lopez ang pumalit kay Michelle Dee bilang celebrity houseguest sa Bahay ni Kuya. May mga natuwa at may mga nag-react at parang ayaw nilang marami ang nagiging houseguest sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition. Hindi raw napo-focus sa housemates ang attention ng mga viewers, kundi sa mga houseguests.


After Ivana Alawi, sunod na pumasok si Michelle at ngayon ay si Sanya. Baka raw maging housemates din sina Barbie Forteza, David Licauco, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz at iba pang Kapuso stars. 


Dapat ang susunod daw na celebrity houseguests ay Kapamilya naman at may mga pangalang binanggit ang mga fans.


Anyway, hindi naman siguro magtatagal sa Bahay ni Kuya si Sanya, baka nga bukas o sa April 10, lumabas na ito. 


Sa nasabing petsa kasi ang premiere night ng movie nila ni David Licauco na Samahan ng mga Makasalanan (SNMM) at parang kulang kung wala siya sa premiere night. Pero tingnan din natin.


Based sa trailer, nakakatawa ang SNMM at ipinangako ni Director Benedict Mique na tatawa, matutuwa at may mga matututunan ang manonood ng pelikula. 


Bagay daw na pang-Black Saturday ang movie dahil sa story nito tungkol sa isang deacon na susubukan kung handa na ba siyang mag-pari.


Nilinaw na ni Sanya na hindi sila love team ni David sa movie, hindi rin ito love story at walang kissing scene. Kaya walang rason para magselos ang BarDa fans nina David at Barbie Forteza at hindi panoorin ang pelikula.


Dahil bida rito si Sanya, may mga eksena siyang nakasuot ng two-piece na nang makita ni David, napa-comment ito ng “Sexy siya.” 


Totoo naman, kaya ‘wag nang magselos ang BarDa fans.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 7, 2025





Biniro ng mga fans si Barbie Forteza kung bakit pumagitna siya kina Julia Barretto at Kim Chiu sa picture taking sa ginanap na “Run to Share 2025” charity run ng I Want to Share Foundation kahapon. 


Kung wala raw si Barbie sa gitna, first time nina Kim at Julia na makunan ng picture together at first time rin nilang magkasama sa isang event.


Curious ang mga fans malaman kung nag-usap ba sina Julia at Kim na actually, wala naman silang isyu dahil matagal nang tapos ang relasyon nina Kim at Gerald Anderson na current boyfriend ni Julia.


Nakakatuwa rin na game sina Kim at Julia na sumama sa charity run na ang beneficiary ay ang Hema-Pedia-Onco Department ng PGH to help children with cancer. 

Hopefully, hindi ang nasabing charity run ang first and last na takbo nina Julia at Kim together.


Kasama rin nilang tumakbo sina Alden Richards, Kristoffer Martin at Paulo Avelino. Kaya lang, parang hindi na sumama sina Kim at Paulo kina Alden, Barbie at Julia na nagkape pagkatapos tumakbo.



HINDI na lang basta tumatakbo si Barbie Forteza for her self-improvement, sumali na rin siya sa fun run at masaya ang experience nito sa kanyang first fun run. Proud na nag-share ang Kapuso actress ng photos niya sa nasabing fun run organized by the I Want To Share Foundation na tumutulong sa mga batang may cancer.


Kabilang sa photo na ipinost ni Barbie ay may hawak siyang finisher’s medal dahil natapos niya ang 5K run.


“So happy about today’s fun run as the proceeds of this event will go to the benefit of our children with cancer. It made me realize that running isn’t just a hobby now but a newfound purpose. I’ll be participating in more charity fun runs for sure,” sabi ni Barbie.


Kinumpirma na rin ni Barbie na sasali siya sa Lights, Camera, Run! Takbo Para sa Pelikulang Pilipino sa May 11, 2025, organized by the Mowelfund and Myriad Corporation of Alden.


Anyway, puwede ring sabihin na ang charity run kahapon ay first run ni Barbie with her short hair. Nagpagupit ang aktres hindi dahil nakapag-move on na siya sa breakup nila ni Jak Roberto, kundi dahil kailangan sa role at karakter niya sa bago niyang series sa GMA-7 na Beauty Empire (BE).


May mga nag-akala na hinintay muna ni Barbie na lumipas ang three months after her breakup with Jak bago siya nagpagupit. Pero, mas tamang sabihin na kaya siya nagpagupit after a long time na mahaba ang hair niya ay dahil sa bago niyang series. Tila malapit nang simulan ang taping ng series nila ni Kyline Alcantara.



NAGBIBIGAY ng update si Carla Abellana sa mga fans at followers niya sa Instagram (IG) na gustong malaman ang journey niya sa pagpapa-freeze ng kanyang mga eggs.


Sa nauna nitong post, sabi nito, “After over a month of daily injections, countless other medications, multiple trips to @conceiveivfmanila, several blood tests, so much weight gain, and a whole lot of waiting, the day for egg harvesting and freezing finally came!”


Sa bago nitong post, sabi nito, “A surgery a few weeks ago was a success! We were able to extract two oocytes and they went straight to the freezer for cryopreservation. At @conceiveivfmanila, you have a fixed specific patient number to which you are addressed by.

They value privacy so much. I’m back at the clinic for another round/cycle! Let’s do this! Waiting for my turn and hoping for the best. You don’t have to wait ages here. 


“They’re very strategic and they move quickly! I absolutely love their facilities. Neat, clean, comfortable, spacious, and not intimidating at all. There’s always several couples waiting for their turn for blood extraction, consultation, examination, treatment, etc. It’s blood extraction time! It’s heartwarming to see couples who yearn to have a baby. Some couples are young, some are a bit older. 


“Different journeys, different backgrounds, but we all share the same dream. I’m prepping for another round of injections and other medications! Hopefully, we’ll be able to harvest more and healthier oocytes. Please pray for me?”


Bongga!


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 6, 2025





Balik-taping na uli si Ruru Madrid sa Lolong: Pangil ng Maynila (LPNM) after 4 days na pagpapahinga dahil sa aksidente kung saan nagkaroon siya ng pulled hamstring. 


Dumating si Ruru sa taping na may saklay at umikot sa set nang naka-wheelchair, pero okey na raw siya sabi nito sa interbyu sa kanya ni Lhar Santiago.


Bago bumalik sa taping, nag-update muna si Ruru sa result ng MRI (magnetic resonance imaging) na ginawa sa kanya at nagpasalamat sa mga nagdasal sa mabilis niyang paggaling.


“Maraming salamat po sa inyong pagmamahal at pag-aalala. Sa awa ng Diyos, lumabas na po ang resulta kanina – Grade 1 and 2 strain lang po, ibig sabihin ay 2-3 weeks lang ang recovery at may partial tear lang. To God be the glory! Magbabalik po ako nang mas mabilis,” post ni Ruru.


Bumalik na nga sa taping ang aktor at sabi nito, “Alam natin kung gaano ako ka-passionate at kung gaano ko kamahal ang Lolong. Hindi mawawala ang action scenes at tuluy-tuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Lolong,” sey ni Ruru.


Masaya si Ruru sa magandang ratings sa panibagong chapter ng pinagbibidahang action-packed series.


“Thankful ako sa magandang rating. Nakakatuwa ang ganda ng feedback, sobrang na-excite ako, kaya ganado uli akong mag-taping. “Nakapagpahinga rin naman ako, and after 4 days, taping uli. Ang original cast, magpupunta na rin sa Manila,” pagbabalita ni Ruru.


Itutuloy ni Ruru ang pahinga at makakasama pa niya ang girlfriend na si Bianca Umali. Magbabakasyon sila sa El Nido sa Holy Week dahil that time, walang taping.


“Pahinga talaga ang aming gagawin, to refresh, to focus. Wala kaming ibang iisipin at gagawin, enjoy lang,” ayon pa kay Ruru.


Isama rin daw si Charo…

SHARON-PIOLO MOVIE, IPINU-PUSH NG FANS


NAGKITA sina Sharon Cuneta at Piolo Pascual sa ABS-CBN Ball at maraming ipinost na photos si Megastar na magkasama sila ng aktor. May photo na kasama nila si Ms. Charo Santos at husband niyang si Kiko Pangilinan, at may photo rin na sila lang nina Piolo at Charo ang magkasama.


Kahit walang caption ang post ni Sharon dahil itinag lang ang mga nabanggit, masaya pa rin ang mga fans na nakakita sa kanyang post. Wala na ngang nagtanong kay Mega kung kumusta sila ni Piolo, basta masaya ang lahat to see a picture of them together.


May comment-request sa Star Cinema na pagsamahin sa pelikula sina Sharon at Piolo at mas maganda raw kung makakasama nila si Charo sa movie. 


Magandang idea nga na pagsamahin sa pelikula sina Sharon at Piolo at siguro naman, nabasa ng Star Cinema ang request ng mga fans.


Sa post ni Sharon, obvious na nag-enjoy siya sa kanyang first ABS-CBN Ball at masusundan pa ito. 


Sinabi naman nito ang rason kung bakit hindi siya dumalo sa past years na invited siya, at ‘yun ay dahil sa kanyang weight. 


Ngayon, confident nang rumampa at magsuot ng gown si Mega dahil sa 106 lbs. na nawala sa kanya.


Well, natatawa na lang si Sharon dahil may mga nagdududa pa rin sa kanyang pagpayat. 


“Nakakatawa ngayon kasi parang nawala ang lahat ng extra weight ko overnight? ‘Yung last 20-25 lbs. na lang ang napansin tapos kanya-kanyang conclusion na sila!


“Bahala sila sa buhay nila,” sey ni Sharon.


Sa post ni Sharon, 2016 siya nag-decide to lose weight at may mga nag-akala na bigla ang kanyang pagpayat. Inisip pa ngang nag-take siya ng Ozempic na itinanggi na nito.



RUMAMPA sa ABS-CBN Ball 2025 ang magdyowang sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi at bago ang rampahan, may bouquet ng red flowers na ibinigay si Mavy sa GF.


Nakasulat sa card ang “Thank you for being my date to the ball, my love.”

Sabi ng mga kinilig na mga fans ng dalawa, hard launch daw ng kanilang relasyon ang pagdating nila sa ABS-CBN Ball 2025. Ang sabi, kakaibang chemistry at grabeng kilig ang dala nila sa gabing ‘yun.


May nagtatanong pala kung isasama ba ni Ashley si Mavy kapag nakipagkita siya sa kanyang ina. Parang nalalapit na ang pagkikita ng mag-ina dahil noong isang araw, pinadalhan ni Ashley ng flowers ang mom niya.


Sabi nito, tamang pacing muna na ang ibig siguro nitong sabihin ay flowers muna ang ipinadala niya bago siya makipagkita sa ina para pareho nilang ihanda ang kani-kanilang mga sarili.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page