top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 23, 2025



Photo: Kobe Paras at Kyline Alcantara - IG


Kasusulat pa lang namin na hindi pa ina-unfollow ni Kobe Paras si Kyline Alcantara sa Instagram (IG) kahit in-unfollow na siya nito, ayan at balitang in-unfollow na rin ni Kobe ang ex-GF. 


Deleted na rin ang mga photos nila ni Kyline, at pati ‘yung pubmat nila for their Zalora endorsement, wala na sa IG ni Kobe.


Upon checking Kyline’s IG, may 4 videos pa sila ni Kobe for Zalora at photo nang mamigay sila ng food pack sa mga nabiktima ng bagyong Kristine. 


Pero, sabi ng mga fans ng aktres, baka isang araw, deleted na rin ang videos nila ni Kobe for Zalora.


Pinag-uusapan din ng mga fans ni Kyline na huwag na nilang babanggitin sa kanilang mga comments si Kobe at kung mababanggit man, siguraduhing hindi negative para hindi bumalik sa aktres, para hindi rin ma-bash ng mga supporters ni Kobe.


Ang pakiusap ng mga fans sa kapwa fans, mag-focus sila sa pagsuporta kay Kyline lalo na’t may bago itong series kasama si Barbie Forteza. Para raw matulungan nilang makapag-move on si Kyline sa breakup nila ni Kobe.


Gayahin daw niya si Barbie na after her breakup with Jak Roberto, nag-focus sa self-love era at self-improvement at busy sa pagtakbo. Maganda raw kung magsasama silang dalawa sa mga charity run, sa paglalaro ng tennis at pilates.


Anyway, kasama sa cast ng Beauty Empire (BE) na pinagbibidahan nina Barbie at Kyline sina Ruffa Gutierrez, Sid Lucero, Chai Fonacier, Sam Concepcion at South Korean singer-actor na si Choi Bo Min. 


Hindi pa lang nababanggit kung sino kina Kyline at Barbie ang makakapareha ni Choi Bo Min.


Kasalan na raw ang ending, Bea… SUE, IPINAKILALA NA SI DOMINIC SA PAMILYA NIYA



NA-MEET na rin pala ni Dominic Roque ang ilan sa mga relatives ng girlfriend niyang si Sue Ramirez na nataon sa 90th birthday ng tinawag nitong “Dada”. 

Sa ipinost ni Sue na photos, nakasulat sa caption ang “Yesterday was my Dada’s 90th birthday in heaven.”


Hindi lang namin alam kung daddy ni Sue o lolo ang binati niya, ang importante, kasama niya si Dominic sa special family event na ‘yun. 

Pero sa comment ng mga fans, mukhang ama ni Sue ang may birthday dahil may mga bumati ng “Happy birthday to your Daddy Peter.”


Maaalalang unang na-meet ni Sue ang parents ni Dominic at ito na nga ang sumunod. Ang biruan tuloy, susunod na nito ang marriage proposal at pagkatapos ay kasalan naman. 

Nasa right age na raw ang dalawa, kaya puwede nang magpakasal at magkapamilya.

Anyway, masaya ang love life ni Sue at makikita ito sa glow ng kanyang mukha. Saka, kinikilig at ang ganda ng ngiti nito kapag natatanong tungkol kay Dominic, hindi maitago ang kasiyahan.

Hindi naman siguro seloso si Dominic at hindi pagseselosan ang kissing scene nina Sue at Diego Loyzaga sa pelikulang In Between (IB). Kasi sabi ni Diego, “on top” ang kissing scene nila, hindi nila alam na magagawa nila dahil nga passionate. First time rin daw nila pareho na gumawa ng ganu’ng klaseng kissing scene.

At least si Diego, single ngayon at walang girlfriend na magagalit sa kissing scene nila sa nasabing pelikula na showing na sa May 7, 2025 sa direction ni Gino Santos.

“Cool,” “Happy” at “No pressure,” ang description ni Sue Ramirez sa relasyon nila ni Dominic Roque na nagsimula lang nang makunan sila ng video na parang naghahalikan noong nasa Siargao silang dalawa.


Pa-tribute sa Superstar… MGA MOVIES NI NORA NA ‘DI PA NAIPAPALABAS, ISO-SHOWING NA



MAGANDANG balita sa mga Noranians ang sagot ni Director Adolf Alix, Jr. na “Inaayos pa” nang tanungin namin kung maipapalabas ba ang Kontrabida, isa sa last movies na ginawa ni Nora Aunor. 


Positive ang pagkakasabi ni Direk Adolf, malamang ay matutuloy ito.

Ang request pa nga, ibalik din sa mga sinehan ang pelikula nina Nora at Bianca Umali na Mananambal para sa mga hindi nakapanood. 


May moviegoers na gustong mapanood ang mga last movies ng Superstar at baka nga maganda kung pakikinggan ang request nila.


Nabanggit na rin ni Alfred Vargas na plano nilang ipalabas nang libre ang pelikulang Pieta na ginawa ni Nora kasama sina Alfred, Gina Alajar, Bembol Roco, at Jaclyn Jose.


Hindi naipalabas sa mga sinehan ang nasabing pelikula na kundi kami nagkakamali, last movie rin ni Jaclyn Jose.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 22, 2025



Photo: Michael V - FB


Ginawan din ni Michael V. ng sketch si Nora Aunor at may caption na “SUPERSTAR.” 


Kasunod nito ang mahabang post ni Michael V. patungkol kay Nora.


Sey niya, “Something in the 90s, narinig ko from the legendary Rico J. Puno kung pa’no maging “superstar” sa Philippine entertainment industry and he said there are 5 requirements:


“Una, dapat number one sa rating ang TV show mo. Pangalawa, dapat blockbuster sa takilya ang movie mo. Pangatlo, dapat nasa playlist ng radio stations ang mga kanta mo. Pang-apat, dapat sold-out ang concerts mo. Panglima, dapat maganda ang reviews ng theater/stage plays mo.


“Ang hirap, ‘di ba?


Iisa lang ang kilala ko sa showbiz na na-achieve LAHAT ito SIMULTANEOUSLY at one point in her career...


Si Nora Aunor lang.


May iba pa ba kayong kilala in this generation sa industriya natin na kayang pumantay sa achievement n’ya?


I seriously doubt it. Rest in peace, Superstar.”


Mababasa ang “Salamat, salamat,” na comment ni Lotlot de Leon.


Ex-GF, nag-unfollow na… KOBE, ‘DI MA-UNFOLLOW SI KYLINE DAHIL MAY ENDORSEMENT PA


IN-UNFOLLOW na pala ni Kyline Alcantara si Kobe Paras sa Instagram (IG), at naniniwala ang mga fans ng dalawa na ia-unfollow na rin ni Kobe si Kyline. Ito ay kapag nag-expire na ang kontrata nila bilang brand ambassadors ng Zalora. 


Kapag nagtapos na ang kontrata nila, sigurado na pati ang photos nila for the said online fashion, beauty and lifestyle business ay ide-delete na rin nila.


May mga umaasa na maaayos pa nina Kyline at Kobe ang kanilang problema, kaya lang, kapag may nakisali na, nagiging messy na ang breakup. 


Remember, nag-post ang mom ni Kobe na si Jackie Forster ng cryptic post na sabi ng mga fans, parang sagot sa cryptic post ni Kyline.


Sunod na nag-react ang brother ni Kyline na nilinaw lang naman na fake news ang balitang magkasama sa Bali, Indonesia sina Kyline at Kobe. Nag-comment ito sa lumabas na photo na may katabing girl si Kobe na inakalang si Kyline dahil nakahawak pa si Kobe sa waist ng babae.


Sabi ng brother ni Kyline, “‘Di ko alam na may super powers pala kapatid ko, ‘di ko naman alam na nagte-teleport pala s’ya from here to Bali. Real quick.”


Thankful ang mga fans ni Kyline na magiging busy siya sa Beauty Empire (BE), hindi raw nito masyadong maiisip si Kobe at ang nangyari sa kanilang relasyon.


Samantala, na-bash na naman si Kyline dahil sa TikTok (TT) video nitong sumasayaw sa song ni Jennie ng BlackPink na Damn Right. Pabebe raw ito at may nag-akalang parinig niya kay Kobe ang song.


Pa-tribute ni Alfred sa bida ng movie…

PIETA NI NORA, LIBRENG IPAPALABAS SA MGA SM CINEMAS

                       

ISA ang Pieta sa mga huling pelikula na ginawa ni Nora Aunor kung saan kasama niya sa cast si Councilor Alfred Vargas na siya ring producer sa direction ni Adolf Alix, Jr.. 


Bilang tribute sa Superstar, nag-post si Alfred ng ilang clips ng movie at ikinuwento ang story nito.


Si Nora ay gumanap bilang si Rebecca, mom ni Isaac (Alfred) na hindi na siya maalala at makilala. 


Ani Alfred, “Pieta is a story about love, family, truth, mistakes and forgiveness.”

Sinabi rin ni Alfred na ang Pieta ay mananatiling isa sa mga pinaka-special at paborito niyang pelikulang nagawa sa buong buhay niya dahil nakasama niya rito si Guy.


Pag-alala pa ni Alfred kay Nora, “The most important lesson I learned from you is that: TRUE STARS SHINE BECAUSE OF HUMILITY AND GENEROSITY IN EVERYTHING THEY DO AND WHOEVER THEY MEET. Sa ‘yo ko naramdaman ito ng sobra, Ate Guy.


“Maraming salamat dahil tinanggap mo ako sa puso mo at nagkaroon ako ng chance to work at makilala ang ONE AND ONLY SUPERSTAR that we will ever have!

“Rest in peace, Ate Guy. Mahal na mahal kita.”


Bilang tribute sa Superstar, plano ni Alfred na ipalabas ang Pieta in selected SM Cinemas nationwide. 


“For free, later this year. Para mapanood ng Noranians ang isa sa mga pinakahuling obra ni Ms. Nora Aunor,” sey ni Alfred Vargas.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 21, 2025



Photo: Bimby at Kris Aquino - Instagram


Sa loob ng kuwarto ng mom niyang si Kris Aquino binati si Bimb Aquino sa 18th birthday nito noong April 19. Kahit walang big party, masaya na sigurado si Bimb na kasama niya ang mom niya, ang brother niyang si Joshua Aquino at malalapit na kaibigan.


May mga naluha nang yakapin ni Bimb si Kris at nang i-kiss siya ni Joshua. Kasunod noon, sama-sama silang kumain ng simpleng handa and in fairness, ang daming birthday cakes for Bimb. Lahat yata ng bisita niya, birthday cakes ang dala.


Ang laki na ni Bimb, nag-iba na ang boses. Nang tanungin sa kanyang birthday wish, ang sagot, “I can’t say siyempre, but it comes true.”


Medyo nalungkot ang nakabasa sa post ni RB Chanco, ang make-up artist na very close kay Kris at pati na sa mga anak nito.


“Bimb, you’re 18 today and it’s hard to put into words how proud I am of the person you’ve become.


“You’ve always had a quiet strength and a gentle heart. No matter how much you’ve grown, you’ve stayed kind, grounded, and full of love for the people who matter to you.


“Your mom once said this might be the last birthday she gets to spend with you, and that stayed with me. But I truly believe that as long as you’re by her side, she’ll keep finding the strength to keep going. You’ve given so much of yourself to her, and that love is something rare.


“You’re a gift to your family, and to everyone lucky enough to know you. I’ve seen how real and good your heart is, and I’ll always be grateful to be part of your life. Bimb, eighteen’s just the beginning and whatever life brings, I know you’ve got what it takes.


“Happy 18th birthday, Bimb. I love you. And through every season, in every version of your life, I’ll always be here for you.”

Belated happy birthday, Bimb!





SI Nora Aunor na yata ang aktres na may pinakamaraming bahay na tinirahan. Ang dalas nitong lumipat at ilan sa mga bahay ng Superstar ang napuntahan namin kasama ang ibang press people. 


It was always a joy touring Nora’s house sa dami ng gamit — from paintings, trophies, plaques, display at kung anu-ano pa.

Sa dami ng gamit ni Guy, kailangang laging malaki ang bahay na lilipatan niya para magkasya.


Isa sa mga tinirahan ni Guy ang bahay sa La Vista at kapitbahay niya ang singer na si Louie Heredia.


Kuwento ni Louie kung paano maging kapitbahay ang isang Superstar:


“I have always known her as NORA AUNOR... she was my neighbor in La Vista Subd., QC. She was my neighbour for a couple of years but WOW... I learned at a very young age to live beside a SUPERSTAR! My recollection living beside a SUPERSTAR... bus loads of people, fans entering a private subdivision... loads and loads of people visiting her from all around the country... they would sleep/camp out in our street around her house... our kasambahays would rush to her house right after serving us dinner... there was a ‘samba’ of what I remember. When she would come out of her room, at her veranda... all the fans would be screaming... anytime of the day! The cars, including ours could not pass our road because of the sooo many fans.


“Eddieboy Villamayor actually became my friend... we actually biked around Nora’s house and I met Arnold Gamboa who was a big star too during the early 70’s. Very sad that Eddieboy Villamayor (Nora’s brother) passed away couple of years back. SUDDENLY, Nora was gone from La Vista... I was only 10 yrs old then and did not know what happened. I was sad BUT definitely, my experience as a young kid living beside a SUPERSTAR lived in me... FOREVER!


“After I graduated from College in the US... never did I think that I would enter the world of SHOW BUSINESS! BUT... I did. My first guesting that I thought would be a ‘breeze’ was the top rated SUPERSTAR hosted by no less than the SUPERSTAR herself and the one and only... Kuya Germs! BUT NO... it was the hardest thing to guest in this show... AS IN!!!”


Kuwento ni Louie, sa first guesting niya sa Superstar, he was at the Broadcast City at 2-3 PM kahit 6 PM pa ang show at naroon na si Nora. Lumapit siya at nagpakilala na bago siyang singer at nabanggit na neighbors sila dati.


Nang itanong ni Guy kung saan at sumagot siya ng La Vista, “Paborito kong bahay ‘yun. Then she teared in front of me. I will never forget this experience.... after this, she always wanted to guest me as SUPERSTAR,” kuwento pa ni Louie.


Mensahe niya kay Superstar Nora Aunor, “REST IN PEACE, ATE GUY! MARAMING SALAMAT FOR HELPING US ALL... MARAMING SALAMAT SA NAPAKALAKI MONG PUSO.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page