top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 22, 2023



ree

Hindi nakadalo si Vice President Sara Duterte sa commencement exercise ng “Mandirigmang may Dangal, Simbolo ng Galing at Pagbangon,” o MADASIGON Class of 2023 ng Philippine Military Academy sa Fort del Pilar sa Baguio City.


Si VP Sara sana ang mag-aabot ng Vice Presidential Saber para sa Rank 2 ng PMA Madasigon Class of 2023.


Si Defense Undersecretary Carlito Galvez na ang nag-abot sa Vice Presidential Saber kay Cadet 1CL Edmundo Logronio.


Hindi naman naglabas ng pahayag ang Office of the Vice President kaugnay sa attendance ni VP Sara sa PMA.


Matatandaan na si Duterte ay honorary member ng Philippine Military Academy Bagong Anyo ng Buhay (Banyuhay) Class of 2002.


Sa kanyang talumpati, ibinahagi naman ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., na nakiisa sa seremonya ang ilang hakbang ng administrasyon para sa mga Pilipinong sundalo, katulad ng pagsulong sa modernisasyon ng Sandatahang Lakas at sa social

protection para sa mga unipormadong lingkod, at pag-amyenda sa Republic Act No.

11709 sa propesyonalisasyon at merit system ng kasundaluhan.


Nanawagan din ang Pangulo sa mga nagtapos na panatilihin ang mga katangian ng tapang, integridad, at pagkamakabayan sa militar upang matiyak ang seguridad at kapayapaan sa bansa.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 20, 2023



ree

Simula na ba ng katapusan ng UniTeam sa pagitan nina President Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte?


Ito ang tanong ng Makabayan bloc kasunod ng pag-alis kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior Deputy Speaker na nasundan ng pagkalas ni Duterte sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).


"Tanong natin, ito ba ay maaga pa ay nabiyak na, nabibiyak na ang UniTeam or napupunit na itong UniTeam na pinangungunahan ni Marcos Jr. at VP Sara Duterte?" ani ACT Teachers Partylist Rep. France Castro.


"Baka magkaroon na naman ng, baka may SONA, baka may magtago na naman ng mace at tumagal na naman ang SONA. At dito nga tinitingnan natin meron na bang nangyayaring power grab. So dapat ito ay bantayan ng Marcos administration," dagdag pa ni Castro.


Samantala, indikasyon na nagsimula na umano ang posisyunan at laban sa 2028 presidential elections bago pa man ang 2025 mid-term elections.


Ayon kay Liberal Party president at Albay Rep. Edcel Lagman, ang pag-demote kay Arroyo na nasundan ng pagbibitiw ni Duterte ay "obviously related.”


"The power play and intramurals in Lakas may result to further resignations by Arroyo and Duterte loyalists,” giit ni Lagman.


Ayon pa kay Lagman, sina Arroyo at Duterte ay “principal conspirators” umano sa pagtanggal bilang Speaker kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez noong 2018.


Si Arroyo ang pumalit kay Alvarez.


Makakaapekto rin aniya ito sa mangyayaring balasahan sa Gabinete ni Marcos.

"These political developments will have repercussions in the revamp of the Marcos cabinet.”


“The Liberal Party, as the principal opposition party, will be keenly watchful of further developments as they unfold,” dagdag pa ni Lagman.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 20, 2023



ree

Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na bahagi ng "reorganization" ang desisyon ng House of Representatives makaraang i-demote si

Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang deputy speaker.


Ayon kay Marcos, ang reorganisasyon ay bahagi lamang ng mga proseso sa gobyerno, na aniya ay "darating paminsan-minsan".


"I really see it as just a run of the mill comes once in while, run of the mill na ginagawa sa House," reaksyon ni Marcos sa isang panayam sa Pagudpud, Ilocos Norte.


"If you're in government long enough, you have seen many of this. In my time as congressman, I had two terms as congressman, nakatatlo yata kaming ganyan eh and this is is just part of reorganization," paliwanag ni Marcos.


Idinagdag din ng Punong Ehekutibo na kapangyarihan ng House Speaker na ayusin ang mga hanay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.


"The Speaker, it's his prerogative as to how he feels the House should be reorganized," saad ni Marcos.


"I don't think not any of us know what it all means, where the chips will fall after all of this reorganization. I think we should also be careful to not read too much into it," hirit pa ng Chief Executive.


Nabatid na si Arroyo ang chairperson emeritus ng Lakas habang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang presidente ng partido.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page